At dahil nasa 72nd spot na si Ada sa Teen fiction, may reward kayong update. Hahaha enjoy!
Please read my note below.
❤️
___
When morning came, napagpasyahan kong magexercise. Hindi ako palaexercise pero dahil nga puro ako alak ay baka lumaki ang tiyan ko. At hindi ko naman nanaisin iyon.
Naka sports bra at shorts lang ako na parehas na may desenyong check sa harap. Nakatali rin ang buhok ko at inayos ko ang pagkakabuhol ng sintas ng sapatos ko bago lumabas ng kwarto.
"Morning." Naabutan ko ang magaling mangiwan na Gabriel na nagkakape. Prente itong nakaupo sa isang stool sa kusina. Naka ngisi ito habang pinasadahan ng tingin ang katawan ko.
"You like what you see?" Nagtagpo ang mga titig namin kaya kinindatan ko ito bago lumabas ng bahay.
I did my usual jog around the neighborhood. Mayroon ring clubhouse na may gym kaya doon rin ako tumagal. Nakalimutan kong magdala ng pamunas kaya tagaktak ang pawis jong umuwi ng bahay. Dumaretsyo ako sa kusina at uminom agad ng tubig. Nakaramdam ako ng gutom kaya naman napagpasyahan kong magluto ng pagkain. Hindi narin ako nagabala pa ng ibang katulong.
Nagpiprito ako ng hotdog when I felt someone staring at me. Lumingon ako at nakita ko si Gab na nakatingin saakin.
"Kanina ka pa?" He nodded at binitawan ang hawak na baso bago lumapit saakin.
Nasabi ko na ba sainyo na sobrang gwapo ng lalakeng ito? Naghahalo ang amerikano at pilipinong dugo nito pero mas lumabas ang pagka banyaga niya. Maputi at makinis na kutis, kulay asul na mata, matangos na ilong at mapupulang labi. His face and built looked like a masterpiece na matagal pinagisipan para maging ganito kaperekto.
Nagulat ako ng malapit na ito saakin. Mas natitigan ko ang mapupungay niyang mata. Dark blue ang kulay ng kaniyang mata at para kang nakatitig sa tubig dagat. Para akong nalulunod kapag tinititigan niya ako. Para akong hinihila nito at pinipilit na sambahin siya.
Lumagpas ang tingin niya saakin at napunta ito sa likod ko. Sinundan ko ng tingin ang bawat galaw niya. Pinatay niya ang kalan at nilagay sa lababo ang pan na umuusok. Oh shit! Nagluluto nga pala ako ng hotdog!
"Burnt." Umiling ito at binalik ang tingin saakin.
Tunganga ka nalang, Ada? Say something!
"I'm hungry."
"Seat. I'll cook." Para naman niya akong ginawang aso. Inirapan ko siya bago sundin. Wala talaga sa bokabularyo ko ang pagluto. Kahit prito nalang nasusunog ko pa.
"What the hell!" Kakasubo ko lang nung pagkain na niluto ni Gab at napamura talaga ako sa sarap nito. Nakagawa siya ng Eggs Benedict at ang sarap niyon! "Ugh! Ang sarap, Gab." Natutop ko ang bibig ko ng marealize ang nasabi. It sounded like a moan.
"I know, baby." He smiled and winked before seating beside me. I'm not bothered on his wink nor his smile. Nairita ako sa itinawag niya saakin.
"Don't call me that."
"Call you what?" He looked really puzzled kaya inirapan ko ito. Hindi ko na tinuloy ang pagkain dahil nairita na ako.
Of course its about him. Sino pa bang poncho pilato ang tumawag saakin ng baby noon. Leche. Narinig ko lang iyon ay bumalik nanaman ang galit saakin.
"Hey, may masama ba akong nasabi?" Kapag nagsasalita si Gab ng english ang gwapo niya pero kapag nagtatagalog siya, ang hot niya. Nalimutan ko agad ang ikinagagalit ko nung marinig ko siyang magtagalog.
"Huwag mo akong tinatawag na ano... Basta! Bahala ka na nga jan!" Halatang naguguluhan ito saakin pero iniwan ko nalang siya.
"Fighting again?" Nakasalubong ko si Charles na may kaakbay na amerikana. Nilampasan ko ito at dumaretsyo nalang sa kwarto ko.
Simpleng pag banggit lang ng salitang igon ay siya agad ang naaalala ko. Kailan ba ako makakamove on sa gagong yon?
___
"Bakit ngayon mo lang kami na contact?" Nakatingin lang ako sa laptop ko habang ka videocall ko sina Koline at Sofia. Long overdue na itong tawag na ito. At alam ko naman na galit sila saakin dahil sa biglaang alis ko. Pero I have my own reasons. Noong bumalik ako rito sa pangalawang pagkakataon ay nagdeactivate ako sa social media accounts ko.
"Sorry. Busy lang ako dito." Busy sa pag-move on. "Kamusta na kayo?"
"We're okay." Halata ang galit kay Sofia. Hindi ko naman sila masisisi dahil ilang buwan akong walang pasabi sa kanila.
Nagkwentuhan lang kami tatlo hanggang sa kailangan na nilang matulog. Kakababa ko lang sa laptop ko ng marinig ang katok sa pinto.
"Hi." Isang anghel ang bumungad pagkabukas ko ng pintuan. "Ice cream?" Ngumiti ako at kinuha ang isang pint ng ice cream. "Can I come in?" Inirapan ko ito bago mag- gesture na pumasok siya.
Umupo ako sa sofa at nilantakan ang Ice cream na dala ni Gab. Para hindi awkward ay binuksan ko ang tv. Nakatutok ang mata ko sa tv habang kumakain ng Ice cream.
Hindi naman kasi kami friends ni Gab e. Ni hindi ko nga alam kung bakit may pa-ice cream siya. Pasasalamat siguro nito sa palibreng palasa ng semilya ko? Siguro iyon nga.
"Busy ka ba kanina?" Eto nanaman siya sa tagalog niya. Ughhh!!!! Magpigil ka, Ada!
"No. Nagkaroon lang ng onting chika sa mga kaibigan ko sa pinas." He nodded at ibinalik sa tv ang tingin. Hindi ko naman maalis ang tingin ko sa mukha niya ngayon. Shet lang talaga. Ang pogi niya talaga. How can someone be this handsome?
Napaiwas ako ng tingin ng bigla nito akong lingunin. I cleared my throat bago magsalita. "Hindi ka ba pupunta sa bar mo?" Nilingon ko uli ito ng hindi siya sumagot.
His expressive eyes are looking at me. Mas lumapit siya saakin at ang tantsa ko ay 2 inches nalang ay mahahalikan niya na ako. Naduduling ako sa sobrang lapit niya saakin.
"I'll help you forget him." I'm lost for words when his lips met mine.
___
Nikie's Note:
Something oozing with hotness is coming. Pero kailangan ko ng quota na 15 votes and 15 comments para ipublish ang next chapter. Thanks in advance! 😉
Ang librong ito ay fiction, kung may pangalan, lugar o pangyayari man na mauugnay sa totoong pangalan, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya at kathangisip lamang.
Don't do anything that the people in this book do. This book may contain mature words and actions that are not suitable for very young readers. Please be guided. 😉
BINABASA MO ANG
ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETED
RomanceHighest Rank : #1 in Teen Fiction Completed: October 18, 2020 Kapag nagtanong ka sa baranggay kung 'nasaan si ada', alam na agad kung bakit. marahil naghahanap ka ng pampainit ng iyong malamig na gabi o magpaparamdam sayo ng sarap na hanggang langit...