39th rank na si ADA ( Ang Munting Gaga) sa TEEN FICTION! GRABE KAYO! 😭
Friday pa ang sabi kong update pero dahil sa good news na ito ay... tada!
Enjoy! Don't forget to place your comments. 😉
____
Nakaunan ang ulo ko sa isang braso ni Gabriel habang nakayakap rin ako rito. Natatakpan lang ng kumot ang hubad naming katawan dahil katatapos lang naming mag 'exercise'. Lagi kapag tapos namin ay yayakapin niya lang ako at hinahaplos ang ulo ko. Panay rin ang halik nito sa ulo ko na mas ikinakikilig ni pempem.
"I can't come to Bri's wedding." Patuloy ito sa paghaplos ng buhok ko kaya para na rin akong hinihila ng antok. "I have to attend a party at NYC." Tumingin ako sa kaniya habang nakayakap parin.
"Anong meron?" Ilang araw nalang ay kasal na ni Brianna. Bakit ngayon niya lang sinasabi saakin?
"There's a party I needed to attend to for our family business. Dad and Mom are currently in europe. It's the same day as Bri's wedding."
Napalabi ako dahil sa sinabi niya. Makikita ko nanaman ang mga kamaganak ng Mommy nila Bri at Charles at panigurado na makakarinig nanaman ako ng mga salita sa kanila. Noong pagpaplano palang nga ng kasal ni Brianna ay hindi na maganda ang pakikipagsalamuha nila saakin. Paano pa kaya sa mismong party na? Kung magiging kasama ko man si Gab, atleast hindi nila ako agad malalapitan at masasabihan ng masama at magkakaroon ako ng excuse para walang kausapin sa kanila. Pero ayoko rin namang sabihin ito kay Gab at papiliin siya. Mukhang importante ang pagpunta niya ng NYC e.
"Hun?"
"O-okay lang saakin. Basta uuwi ka agad." Iniwas ko ang tingin sa kaniya at yumakap nalang. Ayoko rin naman na makita niya sa mata ko na nagsisinungaling ako.
"You sure? Hindi ka ba magtatampo?" Paano pa ako magtatampo ngayon kung naririnig ko nanaman siyang nagtagalog. Mygaaaddd! Binigyan niya ng halik ang noo ko bago ako niyakap ng mahigpit.
Hindi na ako sanay na walang Gabriel na nanggugulo, nangaasar, nangungulit at naglalambing. Hindi na ako sanay na hindi siya kasama araw araw.
Pero pagmamahal na ba ito? Masasabi ko narin bang gusto ko ito? Mahal ko ito?
I've been changing since we met. At hindi iyon ikinasama saakin.
___
The dashing bride and groom went to the center of the dancefloor and had their first dance as husband and wife. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na ngumiti na parang tanga. Kitang kita kasi ang saya at pagmamahal sa mukha nilang dalawa.
Nakakainggit tuloy. Kapag ba ako ang ikinasal ay ganito rin ang makikita ng mga tao sa mata namin? Huh. If ikakasal ka pa.
"Sis?" Nawala ang tingin ko sa newly weds ng humarang si Charles. "Let's dance?" Tumango ako kay Charles bago abutin ang kamay. Nagsunuran narin ang iba at nakita ko rin sina Nanay at Tatay na nagsayaw narin. Hindi ko tuloy mapigilan na mamiss si Gab. "Minsan iniisip ko na mas mahal mo na si Gabriel kesa saakin." Tumawa ako sa sinabi ng kapatid ko. Mahina ko rin itong pinalo sa kaniyang dibdib.
"Sira ka."
"Cheer up, Sis." Humalik ito sa pisngi ko at itinuloy na namin ang pagsayaw hanggang sa natapos ang music.
"Ma'am Ada, please get ready for your speech." Nabuhayan ako ng dugo ng marinig ang bulong saakin ng isang coordinator. Kanina pa ako nakaupo at kung saan saan nanaman napunta ang isip ko. Tumango lang ako rito at inabot na ang microphone na binibigay nito.
"Good evening everyone. I'm Adaleine, half sister of the bride." Hindi nawala sa pagsulyap ko sa bisita ang pagtaas ng kilay ng pamilya nila Bri. "We are all gathered here today to celebrate the union of my Big Sis to her Prince charming- Kuya Steven. My sister, Brianna, had the most gorgeous eyes I have ever seen but her eyes became more beautiful since the day he met you. Her eyes twinkled with so much love and affection that only you, Kuya Steven can give and you're a hella lucky guy to truly find a princess like her. Remember Kuya, I'm always the first one she will call if you ever mess up." Ngumiti ako sa kanila at panay naman ang iling ni Kuya Steven. "I look forward to the future you have together. We love you both and are so happy to see you happy and in love. I wish you the very best 'Happily Ever After' a girl could ever dream of. Here's to strong future together. Congratulations!" Itinaas ko ang hawak na wine glass and did the toast. Lumapit ako kay Bri at yumakap.
"I love you, my baby sister." She said in my ear. Humiwalay ito at hinawakan ang mukha ko. "You're my sister, okay? Kapatid ka namin ni Charles." Kagat labi akong tumango rito. Ofcourse ayaw nila na sinasabi ko na half siblings ko lang sila. Gusto ko lang talaga sabihin iyon dahil nandito ang mga kamaganak nila.
After my speech in front, nagdecide akong lumabas muna ng venue to catch some fresh air. Para kasing kinakain ako ng lupa sa loob dahil sa mga tingin saakin. Siguro paranoid lang ako. Nasobrahan lang ako sa kape kaninang umaga.
Nakasandal ako sa railings at nakatanaw sa magandang garden sa baba. Makukulay ang ilaw non na nakapaligid sa mga puno at marami ring mga bulaklak sa paligid. It's so peaceful out here at hindi tulad sa loob na maingay.
I felt an arm held my hips. Akala ko si Charles lang ito pero nagulat ako ng makita ang isang tao na matagal ko ng hindi nakikita. Nanlambot ang tuhod ko at mas napakapit ako sa railing na nasa likod ko na ngayon.
"Ada," My heart began to beat so fast just by the sound of his voice calling my name. My lips trembled and I suddenly don't know what to say.
Nandito ngayon sa harap ko si Chester Medina. The man who broke me.
___
Nikie's Note:
So... #TeamChester or #TeamGabriel? Comment naman kayo jan! Hahaha
Ang librong ito ay fiction, kung may pangalan, lugar o pangyayari man na mauugnay sa totoong pangalan, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya at kathangisip lamang.
Don't do anything that the people in this book do. This book may contain mature words and actions that are not suitable for very young readers. Please be guided. 😉
Ps. Magingat ang lahat sa COVID-19. Maghugas ng kamay o gumamit ng alcohol, use facemask, uminom ng tubig at huwag ng lumapit sa mga may sakit. Be safe everyone! 😘
BINABASA MO ANG
ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETED
RomanceHighest Rank : #1 in Teen Fiction Completed: October 18, 2020 Kapag nagtanong ka sa baranggay kung 'nasaan si ada', alam na agad kung bakit. marahil naghahanap ka ng pampainit ng iyong malamig na gabi o magpaparamdam sayo ng sarap na hanggang langit...