Nang sumunod na araw ay pumunta ako sa ospital kung saan nakaconfine si Chester. Nakita ko itong hinang hina sa kaniyang hospital bed. Pero kahit man marami ng nakadikit at nakaturok sa kaniyang katawan ay nagawa parin nitong ngumiti ng makita ako. I stayed by his side hanggang sa kailangan na nitong matulog. Ng lumabas ako ng kaniyang kwarto ay naabutan ko ang Mommy nito na kausap ang isang doctor. Lumabas na ang resulta ng mga tests ni Chester at napagalaman namin na kumalat na ang cancer cells sa katawan nito. Pinapatigil na ang kaniyang Chemotherapy at may mga treatments nalang na gagawin na hindi ko na nasundan. Umiiyak si Tita Maricris (Mommy ni Chester) at ang tanging nagawa ko nalang ay yakapin ito. Alam ko naman na makakayanan ni Chester ito e. Ng magpaalam na ang doktor ay pinaupo ko muna si Tita at hinintay itong mahimasmasan.
"Ada, thank you for coming." Hinawakan ni Tita ang kamay ko at kahit may mga luha pa ito sa pisngi ay nagawa parin nito na ngitian ako. "Alam ko maraming nagawang kasalanan ang anak ko at ako na mismo ang humihingi ng tawad sayo. I'm sorry you had to go through a lot of pain just because of what my son did to you in the past. Pero alam mo ba noong nalaman namin ang kondisyon niya ay pinilit ko na siyang pumunta agad rito sa america para makapagpagamot. Hindi biro ang cancer na mayroon siya at kinakailangan na agad siyang matignan ng spesyalista. Ilang buwan ko siyang pinilit pero noong nalaman niya na nandito ka at may chance na magkita kayo ay saka lang siya pumayag. He wanted to take treatments dahil ikaw ang naiisip niya at dahil gusto niya na makapagusap kayong dalawa. Before your sister's wedding, tumawag na saakin ang isa niyang doctor and that's when we knew na kailangan ng matanggal ng isa niyang paa to stop the cancer cells. Pero iniliban iyon ni Chester dahil gusto niya na makita mo siyang maayos parin. Kaya masyado iyong naging matagal at ngayon nga ay kumalat na sa buong katawan nito angcancer. At ngayon, nakita ko kung paano mo siya napapasaya. Simula kahapon ay bumalik muli iyong sigla niya at panay na ang kwento tungkol sayo. Alam kong sobra na itong hinihiling ko pero sana tulungan mo si Chester. Kailangan ka niya ngayon. Kailangan ka ngayon ng anak ko, Ada."
Alam ko na mahirap ito para kay Tita at parehas lang na gusto namin na mas mapahaba pa ang buhay ni Chester. Kaya pumayag ako na dadalawin lagi si Chester sa ospital pero hindi bilang girlfriend nito kundi bilang isang kaibigan na nagaalala rin para rito. Ngunit hindi naging madali iyon dahil naging possessive si Chester to the point na ayaw niya akong paalisin ng kaniyang kwarto at nagwawala ito kapag hindi ako nakikita. Hirap ako magpaalam rito kapag umuuwi ako dahil ayaw nito ako paalisin pero ginagawan naman iyon ni Tita ng paraan.
Panay rin ang tanong saakin ni Charles kung saan ako nagpupunta pero hindi ko sinasagot ang mga tanong nito at basta nalang aalis ng bahay. Pati si Gab ay hindi alam ang tungkol dito at nakokosensya na ako dahil ilang araw ko naring hindi sinasagot ang tawag niya.
Ilang araw muli ang nagdaan at mas naramdaman ko na nakakulong na ako kay Chester. Kaya naman sinubukan kong kausapin si Tita Maricris tungkol rito pero panay lang ito tanggi at paulit ulit nito saakin na kailangan ako ni Chester.
"Tita," hindi ako pinapansin ni Tita Maricris pero mapilit ako kaya hinawakan ko na ito sa kamay. "Tita, gusto ko rin po na maging maayos na ang kalagayan ni Chester. Pero sakanya parin po nakasalalay ang laban na ito at wala po akong maititulong doon. Pasensya na po pero ayoko rin pong lokohin si Chester. Hindi na po magiging kami ni Chester, tita. Nandito po ako bilang isang kaibigan at hindi isang girlfriend."
"I'm sorry, hija. Kapag kasama ka kasi ng anak ko ay masaya ito. Pasensya na at nakakalimutan ko na hindi na nga pala kayo."
"Gusto ko po sanang kausapin si Chester, Tita. Kasi habang nandito po ako, saakin parin po siya aalalay at hindi ko po mapapangako kung hanggang kailan ako pwede na nasa tabi niya."
Nang gabi ring iyon, kinausap ko na si Chester.
"I know you're happy with someone else yet you stayed by my side. Salamat sa ilang araw na pagsama mo saakin. Salamat, Ada. Be happy." He kissed me on my forehead bago ngumiti at binitawan ang kamay ko.
___
Nikie's Note:
I guess we're down to few more chapters. Watch out till the end. 😉
Mas napapasaya niyo ako sa comments niyo. Sa comments niyo rin nakasalalay ang updates. More comments, more chances of new updates. Hehe
Ang librong ito ay fiction, kung may pangalan, lugar o pangyayari man na mauugnay sa totoong pangalan, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya at kathangisip lamang.
Don't do anything that the people in this book do. This book may contain mature words and actions that are not suitable for very young readers. Please be guided. 😉
Ps. Huwag ng lalabas ng bahay! Be safe.

BINABASA MO ANG
ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETED
RomanceHighest Rank : #1 in Teen Fiction Completed: October 18, 2020 Kapag nagtanong ka sa baranggay kung 'nasaan si ada', alam na agad kung bakit. marahil naghahanap ka ng pampainit ng iyong malamig na gabi o magpaparamdam sayo ng sarap na hanggang langit...