ADA XXXVIII

6.8K 59 3
                                    

Takot akong magpakasal.

Takot ako sa commitments.

Takot ako sa pagmamahal.

Pero merong isang tao na pinaniwala ako na karapat dapat rin akong mahalin. Yung taong minahal ako ng buong buo. Yung taong hinintay at sinamahan ako sa paghilom ng sugat sa puso ko. Yung taong pinaramdam saakin ang salitang kinakatakutan ko noon.

Yung tao na iyon ay nakaluhod ngayon sa harap ko at inaaya na akong magpakasal.

Totoong nakita ko yung dati kong sarili, iyong takot na takot, pero ngayon, I can see myself marrying him and spending our whole lives together. Kung meron man akong siguradong gawin ngayon, iyon ay pakasalan ang lalakeng minahal ako ng buong buo.

Umiiyak ako hindi dahil sa takot at pangamba. Umiiyak ako ngayon dahil sa saya.

"Gabby, ofcourse." He gave the most dashing smile bago ito tumayo. Nilagay niya ang singsing sa daliri ko. Pinunasan ko ang pisngi niyang basa ng luha bago dampian ang kaniyang labi ng halik. "I love you."

When we broke the kiss, nagulat ako ng makitang napalibutan na pala kami ng pamilya namin. They were crying pero meron ring ngiti sa kanilang labi. Another tear excaped my eyes when I saw my mother crying. Lumapit ito saamin at pinudpod ng halik ang pisngi ko.

"Congratulations, anak." Kinagat ko ang ibabang labi ko to stop myself from crying pero tila walang sawa ang mata ko sa kakaluha. She hugged me tighter at naramdaman ko nalang na yakap yakap na kami ni Tatay. He kissed my forehead bago nilingon si Gab.

"Gabriel, aalagaan mo ang anak ko, nagkakaintindihan tayo?" Tumawa ang lahat ng magsalita si Tatay habang yakap kami ni Nanay.

"Yes, Tito." Nakahawak si Nanay sa bewang ko habang parehas kaming nakatingin kay Tatay at Gab. Tatay offered a handshake pero ng tanggapin iyon ni Gab ay hinila siya ni Tatay para mayakap. Ilang minuto silang nasa ganung state at nacongratulate na ako ng mga kapatid ko ay naguusap parin sila.

"Call me Tatay. You're already part of the family."

"Finally! Mayroon narin akong anak na babae!" Nawala ang tingin ko kina Tatay at Gab when Tita Melissa ran to me and hugged me. Muntik pa akong hindi makahinga dahil sa higpit ng yakap nito saakin. "Welcome to our family, Ada. The first time I saw you, alam ko na na ikaw talaga ang papakasalan ng anak ko."

"Melissa's right. Welcome to our family." Ngumiti ako bago yakapin sina Tita Melissa at Tito Joseph or should I call them Mom and Dad?

Bumalik si Gabriel sa tabi ko matapos nila magusap ni Tatay. Agad pumaikot ang kamay niya sa bewang ko at humalik sa tuktok ng ulo ko.

Damn, I'm so happy.

Hindi ko rin mapigilan na mapatitig sa singsing na nasa daliri ko. The mere look at it, halatang pinagisipan ang pinaggawa rito. The whole band has small diamond stones at nasa gitna rin ang hugis bilog na diamond. It was extravagantly beautiful.

"You should be thinking of me." Nawala ang pagtitig ko sa singsing na nasa daliri ko ng magsalita si Gabriel. Nagpalipat lipat ang tingin niya saakin at sa daan. He's driving pero nagawa parin nitong hawakan ang kamay ko.

"Of course, I am." Hinalikan ko ang kamay nito na hawak ko. Ang isang kamay ko naman ay nasa tiyan ko.

___

Dahan dahan akong umikot sa kabilang side, pero hindi ko parin mahanap ang kumportableng pagtulog. Pinilit kong matulog uli pero tila may sariling mundo ang mata ko kaya bubuklat rin matapos ang ilang sandali.  Ilang oras na ba akong gising? Hindi ko na alam.

"Do you need anything, babe?" Kagat labi ako ng lingunin ko ang pupungay na Gabriel. "Uncomfy? Do you need more pillows?" Umiling ako ng makitang pabangon na sana ito sa kama namin.

"Sorry. Hindi ko lang talaga mahanap ang comfy na pagtulog." Lumapit ako rito and hugged him.

"You sure? Okay lang ba kayo ni Baby?" He pulled me closer and snuggled in my belly.

"Yeah. I don't--- ow." Natigil ako sa pagsasalita ng sumakit ang tiyan ko. Hindi naman sumakit ng ganito dati. Gab became alert at hindi na ako tinanong muli. Binuhat niya na ako at doon ko lang naramdaman na basa na ang undergarment na suot ko. "Oh my god, Gabby. Baka lumabas na si Baby!"

Walang bahid ng taranta kay Gabriel. Nagawa rin nitong tumawag sa ospital na pagdadalhan niya saakin. Kaya noong makarating na kami sa ospital ay agad rin naman akong inasikaso.

Everything is a blurr. Hindi ko namalayan na nasa loob na ako ng delivery room at umiire para malabas ang aking anghel. Naramdaman ko uli ang contractions kaya napahigpit ang hawak ko kay Gab. Hawak ko ang kamay nito at patuloy lang ito sa paghalik sa noo ko at pagbulong ng magagandang salita sa tenga ko. It sort of calmed me.

Mabuti nalang meron akong anghel sa tabi ko na ginagabay ako ngayon. After few more push, narinig ko na ang munting iyak ng anak namin.

Panganay ko...

"Baby Boy Smith." Ramdam ko ang pagod at sakit pero hindi iyon humadlang sa ngiti sa labi ko."Give another push for your second baby."

"Another?"

Bago ako tuluyang nakatulog ay narinig ko pa ang impit na iyak ng anak namin.

Ang bunso ko...

___

Nikie's Note

Ngayon palang humihingi na ako ng pasensya sa mga tao na nagbigay ng pangalan na hindi ko mapipili. Pasensya na po. Love ko parin naman kayo. 💕

ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon