Chapter One

10 2 0
                                    

SORENE'S POV

Nakatingin sa kanya habang nag aayos ng gamit. "Hindi ka ba matutulog dito?" Tanong ko sa kanya. Ilang araw na din kasi na hindi siya umuuwi dito sa bahay namin.

Tinignan niya lang ako at pinagpatuloy na ulit ang ginagawa niya.

Hindi maalis sa isipin ko ang mag-alala.
Kaya nag tanong ulit ako kahit na alam kong makukulitan at maiinis lang siya sakin.

"Babe. Ilang araw ka ng hindi umuuwi.."

Dagdag ko, "M-matutulog ka ba dito? "

Tumingin siya at agad din inalis ito upang ipagpatuloy ang pag-aayos ng gamit.

"Sorene, alam ko nag-aalala ka. Pero diba, ginagawa ko 'to para sa 'future' natin. "

Napabuntong hininga na lang ako.

Tumingin lang ako sa pag-aayos niya ng gamit. Hindi naman niya sinagot ang tanong ko. As usual, ano pa nga bang bago? Eh, ganyan naman lagi niyang isasagot sakin.

'para sa future naman natin 'tong ginagawa ko'

Nagsalita ulit ako nung patapos na siya. "I know babe, pero ilang bes–" naputol ang sinabi ko ng lumapit siya at hinalikan ako sa noo.

" O sha, kailangan ko ng umalis. I love you."

Ngumiti na lang ako ng mapait.

"I love you too. Drive safe. "

***

" Ayun ang huling usap namin ni Cliffe. Diba ang sakit? " sabi ko kay Sheryll  na tatlong taon ko ng malapit na kaibigan.

Reply niya, "Mas masakit pa sa kagat ng langgam ang hiwalayan niyo ni fiancé mo best. "

" Anong fiancé ka dyan. Correction po EX FIANCÉ. Duh." sabi ko sa kanya.

"But still, fiancé pa rin." pagmamatigas niya.

Aba talaga naman! Ayaw magpatalo netong kaibigan ko. Shempre ako din no.

"No. Hindi naman na kami nag sasama at nag uusap. Iniwan niya na ko diba?" diniin kong sabi sa kanya yung 'iniwan'.

Totoo naman kasi, halos mag dalawang taon niya na ko iniwan. Masakit lang sa part ko. Sobra.

"Bakit may official break-up ba na nangyari? Wala naman diba!"

Napaisip ako sa sinabi ni Sheryll. Halos ma-realize ko na wala naman ganon nangyari. Pero...

"What do you mean?" pagtataka kong tanong sa kanya.

"Di mo pa din ba gets? Ang slow mo today girl. Pwede mo pa siya hanapin at i-pamuka   sa kanya na "Hello, ako yung babaeng iniwan mo out of nowhere!" Ganon best!" at talagang inaksyon niya pa ah.

Naparoll-eyes naman ako sa sinabi niya. As if naman mahanap ko yon.

Mahirap hanapin ang ayaw mag pahanap.

At talagang ako pa ang maghahanap? Hindi naman ako yung ng iwan. Ako ang iniwan.

Sa pagkakaalam ko, wala naman ako ginawang mali para iwan niya ko. Hay nako, kahit ganon ginawa niya. Mahal ko pa din siya. Sinubukan ko naman hanapin siya, pumunta ako sa daddy niya. Miski ang daddy niya ayaw ipaalam kung nasaan man siya.

Nagising ako sa sikat ng araw tumama sa muka ko. Napatingin ako sa side table para tignan kung anong oras na.

Napakamot ako sa batok ko ng makita ang oras.

Choosing The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon