CHAPTER SEVEN

9 2 0
                                    

*Sheryll Fox*

Natapos na ang klase ni Sir Guzman. Pero wala ako naintindihan dahil lumulutang ang isip ko sa nangyari kanina. 

Nagmadali na ko ayusin ang gamit ko at inaya na si Sheryll umuwi. 

At buti na lang pala, hindi ako napansin ni Sir na hindi nakikinig sa kaniya. Ang bait niya nga kanina eh. Turo lang siya ng turo at hindi nag pa recitation. Para sakin mabait na siya sa lagay na yon. Ang mga kaklase ko naman hindi mapakali habang nagtuturo si Sir kanina. 

Siya na yata pinaka-hot na professor dito sa campus namin. Young and single pa. Sa single, hindi ako sure. Hehe. 

Yung ibang prof kasi may mga edad na. 

"Sheryll." galit kong sabi sa kanya.

"Okay fine! Sorry na best." pagmamakaawa niya.

Defensive naman neto. Wala pa nga ko sinasabi, sorry agad ang lumabas sa bibig niya.

Pero, bat ganon? Parang nakaplano lahat ng mangyayari sakin. Samin ni Cliffe.

Cliffe..

Cliffe..

Cliffe..

Siya nanaman ang laman ng isip ko. Kanina pa 'to, simula ng maghiwalay kami sa garden. Wait. Nasaan na kaya siya? 

"Tulala ka yata?" singit ni She habang naglalakad kami palabas ng school. Dahil tapos na ang klase namin.

"Paano mo nalaman?" tanong ko.

"Ang alin?"  nagtatakang sagot niya.

"She, wag ka na nga magpanggap dyan."  sabi ko. Alam ko naman kasi siya nag plano ng pagkikita namin ni Cliffe. Siya lang naman ang nag papunta sakin sa garden kanina.

"Ang ano? Yung sa g-garden ba?" sabi niya.

Aba oo. "Oo, ano pa nga ba. Paano mo nalaman na nandun si Cliffe?" 

Paano nga? So, ibig sabihin nakakausap niya si Cliffe, habang ako nagpapakatanga ako hanapin ang lalaki kung saan ito nagtatago.

"Best, a-ano m-may assignment ka b-.." iniba niya ang usapan.

"Wag mo ibahin ang usapan Sheryll. Nagkakausap ba kayo ni Cliffe?" galit kong sabi sa kanya at tumigil. Napatigil din siya at nanginginig.

"E-eh k..kasi.."

"Eh kasi ano!?" sigaw ko. 

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa galit. Hindi dapat ako magalit sa kaniya. Pero, paano niya nalaman at nakausap si Cliffe. Alam ko planado lahat ng kanina. Bakit hindi niya sinabi sakin?

"Sorene, s-sorry.. sabi kasi ni C-cliffe, wag ko daw i-ipa..alam sayo." sabi niya.

"Ipaalam ang ano Sheryll? Na nakabalik na siya?! Ipaalam ba ang ano, pwede ba sabihin mo sakin! Mag kaibigan tayo!"

Nag umpisa na tumulo ang luha ko. Nanlalambot mga tuhod ako sa galit na nararamdaman ko ngayon.

"Ayoko man itago sayo 'to, dahil alam ko masasaktan ka best. Tinutulungan lang kita."  

Hindi ko napansin na nakaluhod na pala ako sa damuhan. Lumuhod din si Sheryll para pantayan ako. Hinawakan niya lang ako sa kamay at niyakap. Na kinagaan naman ng loob ko.

"S-salamat sa tulong mo, pero h-hindi matatanggal ang s-sakit kung wala.. ako makukuhang sagot sa k-kanya." patuloy kong iyak habang nakayakap siya sakin.

Choosing The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon