CHAPTER FOUR

10 2 0
                                    

*Sheryll Fox and Sorene Lily Jackson*

****

"She!" tawag ko sa bestfriend kong kasalukuyang naglalakad sa hallway ng school. Mukang papasok na ito sa klase. Infairness, hindi late.

Napalingon naman ito sa likod "Best!" 

Lumapit patakbo papunta sa akin. Hinug at kiniss niya ako sa pisngi.

"Anong nakain mo at ang sweet mo sakin ngayon, huh?" pang-aasar ko sa kanya. 

Pinalo naman niya ako ng mahina sa kamay at tinaas pa ako ng kilay. 

"Sweet naman ako lagi sayo Sorene." sabi ko. Nginitian pa ko ng kay tamis tamis.

Tinarayan ko siya, "Talaga ba?" pang-aasar ko ulit.

Napalo nanaman ako. Ano ba problema niya, nagiging mapanakit na 'tong bruha na 'to ah!

"Best naman eh!" pabebe niyang sabi sakin. At niyakap ang braso ko.

Pagkaganyan si Sheryll. Matik na. Ibig sabihin may kailangan yan. Minsan lang naman maglambing sakin yan, kapag may hihilingin. Tss.

Dinerekta ko na siya. 

"Ano kailangan mo, aber?" tanong ko sa kanya.

"Eh.. kasi..." pabebe niyang sabi sakin.

"Eh ano kasi?" ginaya ko yung tono niya. 

Nginusuan lang ako ng gaga. 

"Ano ba kasi yon?" kinurot ko sa bewang. Ang arte talaga neto kahit kailan. Kung hindi ko lang 'to bestfriend, nilayasan ko na 'to. Inirapan ko siya.

"Punta ka ng garden mamaya." 

Ano daw? Sa garden? Ano nanaman ang gagawin namin don. 

"Bakit?" pagtataka kong tanong.

"Ehh, basta best!" pamimilit niya. Para siyang bata na pinipilit kunin ang gusto.

"Ayoko nga." tinanggihan ko.

"Please. Please. Please!!" para talaga siyang bata. Aish.

Nag pout pa talaga siya. Tss.

"Okay, fine. What time?" bored kong sabi sa kanya.

"Hmm.." nagisip pa talaga ang bruha.

Inintay kong sumagot si Sheryll. Nung makita ko busy sa pag ce-cellphone. Inuna pa niya talaga makipag-text, bago ako sagutin ah. At talagang nakangisi pa.

"What time?!" sigaw ko. 

Parang tuloy nabuhusan siya ng malamig na tubig sa sobrang gulat. Tumawa na lang ako ng mahina. 

"A-ano.. mga break time."

Nang makarating na kami sa room, umupo na kami sa aming upuan. At wala pa ko nakikitang bulto ni Sir Guzman. Speaking of Sir.. Naalala ko nanaman  yung pinatawag niya ko sa office. Bigla naman ako kinilig. Wait, whaaat? Anong kinilig. No! Hindi ako kinilig duh.

Choosing The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon