Lunch break na. Natapos ko na din ang pagkain ko ng may nag text sa sa akin. Kinuha ko iyon sa bulsa.
From: Sheryll
Best don't forget sa garden, oki?
Oo nga pala, pinapapunta niya ako ng garden. Hindi ko alam bakit ako um-oo don. Tss. Wala din naman siya sinabi kung bakit.
Pumunta muna ko ng banyo, konting retouch lang. Polbo at liptint lang then dumiretso na ko sa garden. Meron pa naman ako twenty minutes, bago mag umpisa ulit ang klase.
Nakarating na ko ng garden. Tinext ko agad si Sheryll.
To: Sheryll
Nandito na ako. Where are you?
Habang inaantay ko magreply ang magaling kong bestfriend, umupo muna ako sa bench.
Palingon-lingon ako pero wala ako makitang Sheryll. "Nasaan na ba yon?" bulong ko.
Pinaprank lang ata ako ng bruhang yon eh. Patingin-tingin ako sa cellphone ko kung nag reply ba siya. Pero dahil pinagttripan niya ko, wala siyang reply kahit isa. Babatukan ko 'to pag nagkita kami.
Kasalanan ko din eh, pumunta rin ako..
Bumuntong-hininga ako.
Nawala ako sa pag-iisip ng may umupo sa tabi ko. Pero hindi ko naman iyon pinansin, tinuon ko pa din ang paghahanap ko kay Sheryll. Ano ba naman yan, She. Nasaan ka na ba kasi? Naiinis na ako ah.
Nabaling ang tingin ko ng makita ko yung katabi ko sa bench. Hindi ko naman maaninag ang muka, dahil nakatagilid at nakatingin ng diretso. Nakita ko naman na hindi naka-uniform. Outsider siguro 'to. Pero, paano siya nakapasok dito? Ang pagkakaalam ko kasi, sobrang strict ng mga guards dito pagdating sa mga outsiders.
Binaling ko na lang ang sarili ko sa mga taong nakatambay dito sa garden.
Nag ring naman ang cellphone ko.
Sa wakas nag text din ang babaita.
From: Sheryll
Sorry best. :)
Napakunot noo ako sa text niya. Anong sinosorry niya? Nag so-sorry siya kasi hindi siya susulpot? Aba! Ang galing mo Sheryll Fox. Napaka-galing mo!
Patayo na ko ng nag salita itong katabi ko..
"Sorene.."
Bakit kilala niya ko? Sino ba siya? Inisip ko kung kaninong boses yon. Pamilyar. Narinig ko na yung boses niya. Saan ko ba narinig yon?
"Babe.."
Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi niya..
Para ako na-statwa sa pagkakaupo. Hindi ko magalaw ang buong katawan ko. Tila bang ayaw nila gumalaw.
At
Iisang tao lang ang tumatawag sakin na babe.
.
.
.
Fvck. Hindi. Hindi! Hindi pwede...
Pinipilit kong gumalaw sa kinakaupuan ko. Pero parang hindi sang-ayon ang katawan ko.
Ayoko lumingon.
Ayoko tumingin sa kanya.
Ayoko matuklasan kung sino siya..
Ayoko, please.
Wag sana totoo ang nasa isip ko.. No.
Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko sa oras na yon. Hinayaan ko lang na tumulo ito sa pisngi ko.
"Babe.." nagsalita ulit siya.
Please no, and stop calling me babe!
Bumuhos na ang mga luha ko ng naramdaman ko hinawakan niya ang kamay ko.
Yumuko ako at tumingin sa damuhan. Basang-basa na ang pants ko dahil sa mga luha na bumabagsak galing sa pisngi ko.
"Sorene, S-sorry.."
Nang marinig ko ulit ang boses niya. Hindi ako nagkakamali.
Siya nga.
"Daniel Cliffe Doyle.."