CHAPTER NINE

5 1 0
                                    

Nakatalukbong ako ngayon sa kumot. Iniisip ko pa din ang sinabi ni mommy. Bakit naman agad agad mag dedesisyon si mommy? Hindi niya ba alam na masasaktan ako. Wala pa nga kami nakukuhang hustisya sa pagkamatay ni dad.

Sa ngayon hindi ko pa kayang harapin si mommy..

Kaya ba minsan wala siya, at hindi umuuwi dito? Imposible naman sa company natutulog iyon. Baka sa 'lalaki' niya.

Mom, wag mo muna gawin sakin ito. Ikaw na lang ang kinakapitan ko ngayon.. hindi ko kakayanin na pati ikaw mawala sakin.

***

Ilang araw na ang nakalipas ni hindi pa din nag papakita sakin si Cliffe. Hindi pa siya bumabalik. Hindi ko naman ito ma-contact sa cellphone, dahil nung iniwan niya akk nag palit ito ng numero.

Hindi kaya bumalik na siya sa pamilya niya??

Kaya naligo na at nag bihis. Sabado naman ngayon at walang pasok.

Nag light make-up ako at simpleng dress.

Sinubukan kong tawagan si Sheryll para magpasama. Ngunit hindi ito sumasagot.

Nag antay ako ng ilang minuto, at eto.. ang babaita tumawag rin sa wakas.

ON CALL:

"She, samahan ko!"  bungad ko sa kanya.

"Saan naman best? Gagala ba tayo, huh??"  rinig ko ang excitement sa boses niya.

Pagdating talaga sa mga gala gala na yan, pumapalakpak mga tenga niya. Tss.

"Hindi tayo gagala. Samahan mo ko, puntahan natin ang dad ni Cliffe." direkta kong sabi sa kanya.

" Wait. What??!"  sigaw niya.

Nailayo ko naman ang cellphone ko sa tenga. Ang tinis ng pagkakasigaw niya.

Kung magkasama lang kami neto, nabatukan ko na 'to.

"Diba galing ka na doon noon?"  pagtataka niya.

" Noon yon best. Iba na ngayon! " sigaw ko din.

Dagdag ko, " Tanda mo ba nung pinapunta mo ko sa garden ng school?"

"O-oo.. bakit?" nauutal niyang sabi.

" Sheryll, nakita ko si Cliffe! Nagkausap kami. Bumalik na siya. Gusto ko siya kumustahin. Hindi na kasi siya ulit nagpakita. Best, please.. "  paglalambing ko sa kanya.

Ilang segundo din na hindi sumagot si Sheryll.

Tinignan ko pa yung call ko baka binaba niya na.

"She, andyan ka pa ba?" 

Pero walang sumagot.

"Huy."

"Best naman, wag na natin puntahan. Kasi diba.. kung bumalik na siya edi sana a-ano.. edi sana pinuntahan ka na niya agad. " explain niya.

Napatulala ako sa sinabi niya. Tama ba?

Kung bumalik na siya, bakit wala pa din siya sa tabi ko?

May namumuo nanamin tubig sa mga mata ko.

"S-sige best.. punta na lang tayo sa mall."  aya ko.

Choosing The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon