Nang nakarating na ako ng classroom, nagulat naman ako sa lahat ng kaklase ko tumingin agad sa akin.Tumingin naman ako sa likod kung may tao, pero wala naman. Sadyang ako lang ang isang pumasok ng classroom.
Nakita ko rin sa mga mata nila na disappointed sila.
Nagtaka naman ako at kumonot ang akin noo papunta sa upuan ko.
Narinig ko naman na nag bubulungan sila.
Kinabahan ako, baka nakita nila ako ng pumasok sa office ni Xander.
Pinilit ko marinig iyon habang dahan dahan lumalakad papunta sa aking pwesto.
Mabuti na lang at nakapaglinis ako ng tenga kanina sa bahay, dahil naririnig ko ang ibang bulungan ng mga kaklase ko.
"Jessica, alam mo na ba ang balita?" sabi nung nasa harapan.
Bat ba sila nag bubulungan? Bulong bulong pang nalalaman naririnig din naman.
At anong balita?
Narinig ko naman ang isa. Medyo malakas ang bibig netong si ate girl. At mukhang dito pa ako makakakuha ng balita.
Hindi ako chismosa, i ka-clarify ko na. Gusto ko lang malaman kung ano iyon. Baka kasi ako na pinagchi-chismisan ng mga 'to.
"Melody, omg. May bago daw tayong kaklase." kinikilig pa ang hitad habang kinukwento niya.
Yung katabi naman niya parang diamante ang mata sa sobrang excited.
"And guess whaaatt, super gwapo pa!" see? Ang lalantod.
Wait, bagong kaklase? In the middle of semester? Wow amazing.
Siguro matalino ito. Kaya siguro mag adjust sa lahat ng subjects. Ang pagkakaalam ko kasi bawal na mag transfer ang isang studyante sa kalagitnaan ng taon. Correct me, if I'm wrong.
Kala ko naman kung ano na. Ligtas.
Tumingin naman ako kay Sheryll na kanina pa hindi mapakali. Parang may bulate sa pwet. Nerbyos na nerbyos ito. Ano ba meron ngayon?
Tumingin naman ako sa pintuan at wala pa ding bulto ni Xander.
Nasaan na kaya yon? Sabi niya susunod na siya eh. Bulong ko sa isip ko.
Bakit, miss mo na siya agad? Sabi naman ng puso ko.
Hell no.
Tinignan ko naman ang orasan sa kwarto, at limang minuto na siyang late. Ano kaya nangyari don?
Nakaramdam naman ako ng sakit sa tuhod. Limang minuto na rin pala ako nakatayo.
Dumiretso na ako sa upuan ko dahil naisipan kong hindi pala ako nag take notes kahapon sa kanya. Kokopya na lang ako sa notebook ni Sheryll.
Pagkaupo na pagkaupo ko. "Sorene, buti naman dumating ka na." sabi niya.
Kita sa mukha niya ang pag-aalala. Napansin ko din pala kanina nung palakad ako, ang mga itsura ng mga kaklase ko 'eh halo-halo. May ibang excited, at may mga iba din na natatakot.
"Sabihin mo nga sakin She, ano bang meron?" tanong ko habang binubuksan ang bag niya upang hanapin ang notebook.
"May bago tayong kaklase— " sabi neto.
"Aaah. Kaya pala yung iba nating kaklase hindi mapakali kaka-antay."
Kinuha ko na ang notebook niya sa bag at sinimulan na mag sulat. Madaling-madali ako kumopya ng notes hangga't wala pa si Xander. Baka maabutan ako non.