CHAPTER FOURTEEN

4 1 0
                                    


"Sorene, wake up!"

"Hey baby!"

Nagising ako ng may yumuyogyog sakin. Si mommy pala.

"Anak sa wakas nagising ka na. Papasok ka ba? It's alreay six-thirty AM"

Napaupo ako ng wala sa oras. " What?!!"

Tinignan ko ang orasan sa side table ko.

"Fvck."

Hindi ko na napansin si mommy at nag ayos na. Bumaba na din si mommy, at buti hindi ako inulan ng tanong. Well, male-late na nga kasi talaga ako.

Lintis kasi na yan eh, male-late pa nga! Bwiset!

Bumaba na ako, "Eto pinagbalot na kita ng pagkain. Alam ko naman na hindi ka na makakakain. Behave sa school, okay? Bilisan mo na, baka pagalitan ka ni Xander. Haha."

Buti na lang at dito umuwi kagabi si mommy, kung hindi wala gigising sakin. Si manang Jo, hindi naman niya hilig ang mang-gising kesyo baka daw magalit ako.

Kinuha ko na iyon at nag paalam na.

Buti na lang walang traffic at nakarating din ng school.

Nagmadali ako maglakad habang papunta ng classroom
.
.
.
BAAANG.

"Ouch!"

Nabunggo lang naman ako sa matigaas na....Xander??

Minamalas ka nga naman oh, eto pa mababangga mo. At makakasalubong.

Nakatingala lang ako at tinignan siya. Para akong na statwa sa kinatatayuan ko. Mas lalo sumakit ulo ko, argh.

Nagulat naman ako ng hinawakan niya ako sa bewang at inilapit sa kanya.

Bumulong ito, "You're late."

Hmmm ang bango talaga niya.

Iniwas ko ang mukha ko sa kanya.

" A-Ano ba.. "

Mas lalo niyang hinigpitan at nilapit ang bewang ko sa kanya. Halos magka-dikit na ang aming dibdib.

Narinig ko naman na lumakas ang tibok ng puso ko.

Lagi na lang! Walang araw na hindi lumalakas ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko 'tong mokong na 'to, lagi na lang pag nag sasalubungan ang tingin namin. At mas lalo na ngayon.. ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

Lord, wag mong sabihin na tumitibok ang puso ko para sa kanya. Ihhhh..

Parang nakuryente ang buong katawan ko ng hawakan niya ang baba ko.

"Gwapo pala ah."  sabay kindat.

Pinalo ko naman siya at tinulak. Naalala ko yung katext ko kagabi, at ng dahil don napuyat ako!

"Ano sinasabi mong gwapo? Ikaw? Ha ha, naririnig mo ba sinasabi mo? Baliw." pang-aasar kong sinabi sa kanya at tinawanan ko pa siya.

You wish.

Hindi ko na siya inantay magsalita at tumalikod na. Nag simula na ko maglakad ng marinig ko nagsalita ulit siya sa likod ko.

"Napuyat ka ba? Late ka eh."  sabi niya. Mukang naglalakad na din ito kasabay ko.

Bakit alam niyang puyat ako? Stalker ko ba siya? Tss. Whatever asshole.

Choosing The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon