Chapter Three

13 2 0
                                    

*Sorene Lily Jackson*

***

Papunta na kong locker room. Para iwan ang i ang libro. Para bukas hindi na madami ang aking bibitbitin.

Bago ko muna buksan ang locker ko, tawagan ko muna ang driver ni mommy para ihanda na ang sasakyan.

Marunong naman ako mag drive. Tamad nga lang.

On call..

"Kuya Jepoy, palabas na ho ako ng school. Salubungin mo na lang ako sa labas ng school. "  Sabi ko.

" Sige po ma'am."  Sabi sa kabilang linya.

Nang buksan ko na ang locker ko, may nahulog na sulat. Which is pamilyar sa akin.

Kinuha ko agad iyon at inilagay muna sa bag ko. Mamaya ko na lang ito babasahin pagdating sa bahay.

Nailagay ko na mga ibang libro ko at pumunta na sa labas ng school para umuwi.

Palakad na ko palabas, ng nakaramdam ako na may nagbabantay ng tingin sakin.

Nung una hindi ko yon pinansin..

Pero nasa kalagitnaan na ko palabas, hindi ko mapigilan lumingon-lingon sa paligid.

Halos konti na lang ang  tao sa school. Yung iba, busy.

Parang may nakatitig sakin.

Tumingin ulit ako sa paligid.

"Mr. Hoodie?"  saad ko.

Nakita ko yung kausap ni Sheryll na lalaking may suot na hoodie.

Pinagmasdan ko iyon, at nakumpirma ko na nakatingin nga siya sakin. Para bang binabantayan niya ko.

Tumaas ang balahibo ko ng nasulyapan ko nanaman ang mata niya. Dark na dark.

Pamilyar talaga sakin 'tong lalaki na ito.

Nakatingin lang ako sa kanya. Hanggang sa lumapit na yung driver ni mommy.

"Ma'am Sorene, tara na po?"

Napatingin ako kay kuya at tumango.

Nang naglalakad kami papuntang sasakyan. Lumingon ulit ako kung saan nakapwesto si Mr. Hoodie, kumunot noo naman ako ng napansin ko wala na siya doon.

Pinagbuksan na ako ni kuya ng pinto ng sasakyan, at binaling ko na lang ang atensyon ko sa cellphone.

Kinuha ko ang earphone ko sa bag, at sinalpak ito sa tenga ko.

Pumili ako ng kanta sa cellphone, at tumingin na lang sa labas ng sasakyan.

Kumusta na kaya si Cliffe?

Nasaan kaya siya?

Namimiss niya ba ako?

Choosing The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon