Chapter Two

10 2 0
                                    

*Xander Guzman*

---

"Ms. Jackson. See me at my office. Now." sabi niya at umalis na.

Napatulala naman ako. Bakit ako?

Grabe talaga kamandag netong si Sir. Nakakatakot ang awra niya sa tuwing magsasalita. Paano pa pag nagalit yan. Wait, bakit nga ako pinapapunta niya, hindi itong si Sheryll na nakangisi sa tabi ko.

"Why me?" napatanong na lang ako.

"I-I don't know best?" patanong niya din.

Binawi niya ang kanyang kamay at tinago sa bulsa ng palda. Nakita ko iyong hawak niya ay isang black envelope na binigay sa kanya nung lalaking kausap niya kanina.

"Nevermind."  sabi ko.

"Sige na best, puntahan mo na si Sir. Mukang ikaw ang trip eh."  napatawa naman siya ng mahina.

Naglalakad na ko sa hallway ng nakaramdam ako ng kaba. Why? Pinatawag lang naman ako ng terror kong prof kahit  wala naman akong ginagawang kasalanan.

Pinilit ko kanina si She na samahan ako, pero tinanggihan niyo iyon. Natatakot daw ang gaga. Pero ang lakas ng loob niyang mag palate sa class ni Sir Guzman. Takot pa siya sa lagay na yan ah.

"Tss."

Kumatok muna ako bago pumasok sa office ni Guzman este–Sir. First time ko makapasok dito. Laking gulat ko nga ng pinatawag ako. Usually kasi, hindi naman siya nagpapatawag sa office niya unless may ipapagawa sayo or papagalitan ka.

Hayy, kung hindi yummy at gwapo 'tong si Sir, hindi ko 'to susulputin.

Joke. Baka ibagsak pa ko. Peace.

Nang makita ko si Sir na nakaupo sa swivel chair niya, napanganga ako. Kitang-kita mo talaga sa likod niya kung paano siya mag work out. Litaw na litaw sa katawan niya, kung gaano siya kasarap–

Inikot niya ang kanyang swivel chair paharap kung nasaan ako.

Tinikom ko agad ang bibig ko na nakanganga.

"Sir, bakit niyo po ako pinatawag?"

Nag lakas loob ako magsalita ng diretso. Ayoko naman ipakita na natatakot ako. Wala naman ako ginawang mali. Bakit nga ako matatakot. Duh.

"Sa tingin mo, Ms. Jackson?"  seryosong tanong niya.

Tumaas  ang balahibo ko. Ang lakas ng dark aura niya. At mukang galit pa 'to.

"P-po?"  ulit ko.

Mas lalo akong kinabahan ng tumayo siya sa kinakaupuan niya at palapit sa akin. Oh no.

"May ipapa-utos po ba kayo s-sir?"  utal kong sabi sa kanya na palapit na palapit sakin.

Napa-atras ako ng konti.

Ibang takot ang nararamdaman ko ngayon. Parang may mali.

Choosing The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon