Nakauwi na kami ni mommy ng bahay. Nakakapagod ang araw na ito. Pagtapos namin kumain kanina sa mall nag libot-libot pa kami.
Naalala ko din pala na hindi investor si Tito Xavier. Siya pala yung lalaking gusto ipakilala sakin ng nanay ko kaya pala kung mag kwentuhan sila kanina 'eh parang magkakilala na 'to ng husto.
Pagtapos non, kinulit-kulit pa din ako ni Xander. Shempre hindi ako nagpatukso JOKE. Hindi ako nagpaapekto sa kakulitin niya. Pero kung sakali, nasapak ko na yon sa harap ng pamilya namin. May taglay din palang kakulitin iyong si Sir.
"Anak.." tawag sakin ni mommy.
"Why?"
"Pasensiya na kung hindi ko na sabi agad sayo tungkol kay Xavier. " paliwanag niya.
" No need ma. Sinabi na sakin ni Xander."
Yeah. Nagkausap din kasi kami ni Xander about my mom and his dad. Nabanggit niya nga na may namamagitan sa dalawa. Kaya nung nasa sasakyan na ko pauwi, hindi na lang ako umiimik. At inantay na lang si mommy ang mag open-up kung anong meron sa kanilang dalawa ni Tito Xavier.
Alam ko naman na naghahanap lang si mommy ng tyempo para sabihin sakin. Pero alam ko na lahat na nobyo niya nga ang lalaki.
Masaya naman ako ng konti dahil tama ang napili ni mommy na lalaki. Sobrang bait kasi talaga ni Tito Xavier.
Pero hindi pa din mawawala sakin ang alaala ni mommy at daddy. Iba pa din talaga kasi magmahal ang daddy ko. The best.
Nabanggit din pala ni Xander yung sa mom niya. Kaya pala ang lakas ng loob ligawan ni Tito ang mommy ko noon. Dahilan na iniwan na sila ng mommy niya at may ibang pamilya na daw. Kaya ngayon, minsan lang daw dalawin sila kapag ka-aalis daw si Tito Xavier. Hindi nagpapang-abot.
Nung una daw, ayaw niya din tanggapin na may namamagitan sa magulang namin. Pero pinilit niya iyon unawain, hanggang sa na realize niya na para naman daw iyon sa ikakasaya ng ama niya. Dahil simula ng iniwan sila ng mommy niya, hindi niya na daw nakikita ngumiti ang ama niya. Ngayon na lang daw nung nakilala ni Tito Xavier ang mommy ko.
Mabait din pala etong si Xander, shempre konti lang. Mas madalas pa din na seryoso at mukang galit. Halata na nakuha nilang dalawang mag kapatid ang pustura ng daddy nila nung pinagmasdan ko silang tatlo. Mapagkakamalan nga silang triplets twin.
Si Tito Xavier naman mabait din. Mas mabait pa nga ito kaysa sa mga anak. Nakita ko naman na masaya si mommy sa kanya, okay na iyon. Atleast ngumingiti na din si mommy. But I need time. Just give me more time to accept that.
***
Umakyat na ako at nag shower para makatulog na. Pagod na pagod ang araw na 'to. Puro lakad ba naman ang ginawa namin pagtapos kumain.
Nagtext naman si Sheryll na nakauwi na daw siya. Sinabay na kasi siya nila Tito Xavier pauwi. Tutal madadaanan naman nila ang bahay neto.
***
Araw na ng Linggo at Monday na ulit bukas. Hayy, ayoko pa pumasok.
Nagbihis na ako dahil pinapapunta lang naman ako ni mommy sa The Lovely Lily.
Ituturo naman daw sakin kung paano magpatakbo ng business, at uumpisahan ko daw muna sa TLL. Pinili ko tumanggi, but I lose.
Mommy knows the best—ika nga.
Whatever.
"Good morning Ma'am Sorene!" bati mula sa staff ni mommy.
Narinig ko naman bulungan ng iba,
" Grabeng dyosa naman pala ang anak ni madam, ano?"
" Kung ganyan lang din magiging amo ko, dito na ko lang habang buhay mag ttrabaho, sis."
" Sana hindi siya masungit."
Ngumiti na lang ako sa kanilang lahat at bumati.
Kumuha ako ng apron pagkapasok ng pagkapasok ako. Wala naman sa wisyo ko ito.
Well, ang ganda ng TLL. Pang high class din naman. Halata na alagang-alaga ni mommy 'to. Kahit na medyo busy siya sa trabaho. Napansin ko din na puro babae ang mga staff. At bubungad sayo pagpasok mo dito, ang kaka-brewed lang ng kape. Napakabango, ang relaxing sa feeling.
Medyo madami din ang tao. May mga ibang customer na nag-aaral pa at may dalang laptop.
May iba naman na nag mi-meeting. At may iba na nag bbreakfast lang at gumagamit ng cellphone.
Tinuro sakin ni mommy, lahat lahat. Kahit sa pag b-brew ng black tea and green tea.
Kung paano din mag timpla, at kung paano mag serve ng order sa customer. With smile.
At yung iba paano mag cashier. At sa opening at closing, huwag daw kakalimutan ang inventory. Napansin ko din na mahirap iyon gawin. Dahil bibilangin mo lahat ng stocks at lahat ng na used.
Umaabot din ng Thirty-Thousand ang benta neto sa isang araw lang. Malaki din ang kinikita kumpara sa ibang competitor nila.
Pagtapos naman nag pa meeting si mommy sa mga staff niya. Closing time na at nandito ako sa labas ng café para suminghap ng hangin dahil nakaramdam na ako ng pagod.
Pagtapos ko naman magpahangin sa labas, pumasok na ako sa loob. Naabutan ko naman na nag uumpisa na ang meeting.
Blah..blaah blah blaah..
'Wait mo na ako' senyas ni mommy sakin. Hayy. Bored na bored na ako. Kahit naman pa-paano may nalaman din ako sa araw na 'to.
Pumunta muna ako ng banyo, at mukang matatagalan pa ang didiskusyon nila.
Nilabas ko ang mini pouch bag ko na puro make-up ang laman. Retouch time!
Pag bukas ko ng pinto ng banyo may humila sa kamay ko papasok ng kwarto. Yes, may kwarto ang TLL para iyon sa mga staff kapag breaktime. Pwede sila mag pahinga at umidlip.
Tinignan ko kung sino ang humila sa kamay ko kaya lang hindi ko ito makita sa itim na nakabalot sa buong kwarto.
Nang maisarado niya ang pinto, sinandal naman niya agad ako sa likod ng pinto.
"Sino ka? Hmm." pagpipiglas ko.
Hawak niya ang kamay ko, at pinipilit ko itong kalasin para mabitawan niya ako. Sa sobrang lakas niya, hindi ko iyon magawa.
"S-sino ka ba huh, at bakit mo ko hinila?" tanong ko. Baka sakali sagutin niya ko.
Bigla niya ako hinalikan sa leeg dahilan ng pagkaungol ko. "Aaahh.."
Sisigaw na daw ako para humingi ng tulong ngunit agad niya natapkan ang bibig ko.
"Hmmm, hmm.."
Umakyat ang mga halik niya papunta sa labi ko.
Hindi ko sinasabayan ang bawat halik na binibigay niya sa labi ko.
Nakaramdam naman ako ng luha na tumulo sa pisngi ko.
Help! Helllpp!
Sigaw sa isip ko.
Tumigil naman siya at wala akong ginawa dahil napatulala na lang ako, habang umiiyak.
Kung sino ka man, hayup ka!
![](https://img.wattpad.com/cover/209741610-288-k479008.jpg)