CHAPTER SIX

7 2 0
                                    

*Daniel Cliffe Doyle*

"Daniel Cliffe Doyle.."  ayan ang tanging lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung talagang siya yan, pero kahit hindi ko pa siya nakikita. Nararamdaman ko siya yung lalaking iniwan ako.

Pinunasan ko ang mga luhang  tumutulo sa pisngi ko. Tila bang ayaw tumahan ng mga mata ko sa pagiyak.

"Cliffe.."  hindi ako magsasawa ulit-ulitin tawagin ang pangalan niya hanggang sa may makuha akong sagot.

Natatakot ako humarap sa kanya at alam kong hindi niya din kayang humarap sakin. Tanging usap lang ang kumunikasyon namin ngayon.

"Sorene, babe.."

Biglang bumuhos nanaman ang mga luha ko.

Ang dami ko gustong itanong sa kanya kaya lang pagod na pagod ang bibig ko sa kakaiyak. Gusto ko alamin lahat lahat kung bakit bigla na lang siya nawala. At ngayon nandito siya, na para bang hindi niya ako iniwan.

"A-ano ka..kailangan m-mo?"  Hindi ko na kaya. Ang sakit sakit. Hindi na din kaya ng mata ko, kaya nilabas ko lahat ng luhang naipon sa mga mata ko.

At bawat patak ng luha, lahat ng iyon may dahilan. At lahat ng dahilan na gusto ko marinig galing sa kanya, hindi ko alam kung ano at paano ko papanigan iyon. Parang sumabog na ang puso ko sa ilang taon netong nakakulong sa lungkot.

Nagtatalo ngayon ang puso't isip ko. Hindi ko alam kung sino ang susundin ko.

Ang puso kong gusto patawarin siya.

Ang isip ko na, ayaw pakinggan ang sasabihin niya. Dahil alam ko mas lalo akong masasaktan.

Bakit ko ba 'to pinagdadaanan? Alam ko may rason lahat, kung bakit nangyayari 'to. Inaantay ko lang, kung kailan ako magiging handa.

"I miss you Sorene. I really missed you."

Gusto ko siyang yakapin, halikan, lambingin at kausapin ng marinig ko na namimiss niya ako. Pero mas nangingibabaw pa din lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Miss na miss na rin kita Cliffe. Sobra.

"I-I miss you t-too."  yun na lang ang lumabas sa bibig ko. Yes, totoo. Hindi ko kailangan mag sinungaling sa sarili ko. Ayoko na dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko.

Naramdaman kong lumapit siya sakin at niyakap ako. Wala akong magawa at niyakap ko din siya pabalik.

Ang sarap sa feeling na nararamdaman ko ulit ang mga yakap niya.

Ilang taon din ako nangulila sa kanya..

Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya habang magkayakap pa din kami.

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sakin. At ganon din ako. Ayoko na matapos ang araw na 'to.

Cliffe, umuwi ka na please..

Mag stay ka na ulit sakin..

Protesta ng puso ko.

Choosing The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon