Nang makapasok na ako sa bahay, dahil kakarating lang namin ni Kuya Jepoy.
Halos hindi ko nga namalayan ang byahe dahil buong atensyon ko ay nakikinig sa kinukwento niya.
Nakita ko si mommy na nakaupo sa salas at seryosong-seryoso sa tinitignan ang hawak na papel.
"I'm home." Bati ko ng makapasok ako.
Lumingon ito at sinalubong ako ng halik sa pisngi.
"Mom, ano po iyon?" tanong ko habamg nakatingin sa papeles na hawak niya.
"Lumabas na anak ang resulta sa imbestigasyon ng daddy mo."
Nagulat naman ako at hinila si mommy para umupo.
Sa Two–Years namin inantay, sa wakas may nilabas na ang mga pulis.
"Ano po balita?"
"Na-natagpuan na nila ang sasakyan ng daddy mo, Sorene." umpisa ni mommy.
Nakita ko naman nag simula ng tumulo ang luha niya.
Niyakap ko ito at hinagod-hagod ang likod. Para mabawasan man lang sa nararamdaman ni mommy.
"Saan po natagpuan?"
"Sa may Avida Village."
Nagtaka ako, kung bakit andoon?
Yun ba ang araw na umuwi si daddy dito sa pinas?
"Mommy.." yakap yakap ko ito.
"Ang sabi ni Chief.. hindi daw aksidente ang nangyari sa daddy mo." mas lalo pang bumuhos ang luha niya ng sinabi niya iyon.
Napanganga ako sa gulat.
So, totoo pala ang prediction ko?
"Ano po ibig niyong sabihin?" tanong ko para mas maging malinaw ang katanungan sa isip ko.
" S-Sinadya ang aksidente anak. T-tinanggal ang break ng sasakyan na gamit ni Gerald." patuloy pa din ito sa pag-iyak.
"Alam na po ba kung sino ang may gawa non?" tanong ko.
"Sa ngayon Sorene, wala pang nilalabas na statement kung sino iyon. At kung sino man iyon, pagbabayaran niya ang ginawa niya sa asawa ko.."
Tinulungan ko mag punas ng luha si mommy. Niyakap ko ito.
***
Si daddy ay isa sa mga pinaka-malaking na invest sa Doyle Corporation.Ang D.Corp ang Top 1 na pinagkukuhaan ng mga variety of TEA. At isa na ang 'The Lovely Lily'. Mayroon din itong factory kung saan nakatayo ito sa likod ng building ng D.Corp.
Nag resign na ang daddy ko sa kumpanya dahil pinagbawalan siya ng doctor niya na ma-stress. Dahil nung araw na iyon, nagkakaron ng problema ang kumpanya. Puro stress na din ang inabot ni daddy. Kaya iyon ang dahilan kung bakit ito nag resign sa trabaho. But still, isa pa rin siya sa mga investors.
Ang pangalawa naman sa pinaka-malaking nag invest ay si Roberto Guzman. Ang matalik na kaibigan ni daddy. Tinulungan ni daddy si Tito Robert para umahon sa buhay, dahil noon ay nag hihirap ito. At ang pagkakaalam ko tiyuhin ni Xander iyon. Dahil nagkikita rin sila kapag may reunion silang nagaganap.
Sobrang bait ni daddy kaya imposibleng may naka-away siya.
Bagong nawala si daddy, napag-usapan ang tungkol sa pera na in-invest niya sa kumpanya. At ang napag-usapan kung kanino ito mapupunta. Kung sakali man mamatay si daddy, dahil sakit siya sa puso.
Kahit ayaw namin iyon pag usapan, wala kami magagawa. Dahil mapilit ang aking ama. Ang naging desisyon noon, ay kay mommy mapupunta ang pera ni daddy sa Doyle Corp.
Gusto pa nga ito ibenta, ngunit hindi kami sumang-ayon.
Nang malaman ng iba na balak ibenta ang in-invest na pera ni daddy, ang dami nag presinta na bibilhin iyon. Pati si Tito Roberto—gusto din bilhin. Ngunit hindi pumayag si daddy ibenta ito sa kaibigan. Dahil nag pupumilit noon si Tito Roberto na sa kanya na lang daw ibenta.
Dahil hindi kampante si daddy na kay Tito Robert mapupunta ang pera kahit pa na kaibigan niya ito.
Dahil may ugaling lasinggero, at pala-sugal sa casino ang kaibigan niya.
Kaya ito nalugi at nag hirap noon dahil nawala lahat ng pera niya dahil nag All-In siya sa isang casino na pinaglalaruan niya. Ngunit natalo ito.
Ayaw naman ni daddy, mapunta ang pera sa kanya. Baka gamitin lang ulit ito sa pagsusugal at pag-iinom.
At napagdesisyunan nga na ipapaman na lang kay mommy, tutal asawa naman niya ito.
***
Nag text ako kay Cliffe—kung pwede maaga siya pumasok sa school. Dahil gusto ko ito makausap.
Eto na ang arae na handa na akong tanungin siya. Ilalabas ko na lahat ng katanungan ko na nabuo sa dalawang taon.
Sana naman magkaroon man lang siya ng ideya kung bakit gusto ko siya makausap.
Ilang minuto at nag reply na.
Pumayag naman ito at sa garden na lang daw kami mag-usap.
---
Tinawagan ko na si Kuya Jepoy para mag maneho. Hindi rin naman kasi ako nakapagpaalam ng personal kay mommy, dahil maaga daw itong umalis ng bahay. Inaasikaso daw ang kaso ni daddy.
Nang makarating na ko ng school, minabuti ko na dumiretso sa garden at baka kanina pa si Cliffe nag-aantay.
Nakita ko siya na nakaupo sa Bermuda grass, at mukang inaantay na ako neto.
"Cliffe." bati ko.
Tumingin naman siya sa dako ko at ngumiti.
"Hi. Good morning."
Ngumiti rin ako at umupo sa tabi niya.
Kagabi pala, inayos ko na sarili ko. Tinanggal ko lahat ng awkward feelings ko kay Cliffe. Dahil ngayon nakabalik na siya, hindi ko dapat paulit-ulit maramdaman iyon. Lalo ng magkasama kami.
Nakita ko naman na may inilabas siya sa bag niya.
"Let's eat." aya niya.
Naalala ko hindi pala ako nag umagahan. Hindi ko na iyon tinanggihan, at kinuha ang pagkain.
Ilang minuto din kaming binalot ng katahimik. Wala rin kasing masyadong tao dito sa garden. Dahil maaga pa.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, pero bahala na.. andito na ko eh..
"Cliffe.. alam mo naman kung bakit gusto kita makausap diba." I prayed.
Sana alam niya—kung hindi mag mumukang tanga ako neto.
Tinignan niya lang ako at mukang wala siya balak mag umpisa.
Bat nga mag uumpisa, eh hindi niya nga alam. Ano ka ba Sorene.
Alam ko hindi dapat ako mag uumpisa, dahil hindi naman ako ang nang-iwan. Andito na eh, so do it.
"Bakit Cliffe? B-bakit ka biglang nawala? Iniwan mo ko." nilakasan ko na ang loob ko. Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa.
This is it.