CHAPTER SEVENTEEN

1 1 0
                                    


Good morning sunshine!!

Pagbati ko sa umaga habang nakapikit at nakahiga pa din ako sa kwarto.

Nakakatamad ngayong araw. Papasok nanaman. At ilang araw na din mag babakasyon na. Wala pa din ako balak kung saan kami mag babakasyon. Siguro kay mommy ko na lang iyon tanungin. Tutal lagi naman siya ang naka-assign kung aalis.

Bumaba na ako ng bahay at nakita ko si Manang Jo na nag aayos ng umagahan.

"Hi Manang, good morning." pagbati ko sa kanya at niyakap siya.

"Good morning din mahal kong prinsesa." binalikan din ako ng yakap ni manang at pinaupo niya na ako para kumain.

Kumain naman ako at tinanong ko si manang kung nasaan si mommy. Maaga daw ito umalis dahil may inasikaso daw tungkol sa kaso ni daddy.

Gumaan naman ang aking loob dahil sa balita na sinabi ni manang.

Pagtapos ko naman kumain, naligo at nagbihis na ako papasok ng school.

***
Naglalakad ako ng hallway na may papansin na tinawag ako.

"Psst."

I know it's him. As always. Nag kunwari na lang ako na hindi ko narinig.

Naramdaman ko naman ang bulto niya na nasa gilid ko, hiwakan pa ako ng kamay.

Agad kong inalis iyon, baka may makakita pa sa amin.

"What?"  iritadong sabi ko.

Nasa harap pala ako ng office niya. Hell yeah, madadaanan mo talaga ang office niya papasok ng classroom namin.

Ngumisi naman siya at bumulong.

"I miss you baby." ani niya.

Para namang nakuryente ang puso ko sa sinabi niya.

Ayoko maging marupok

Pinilit ko ang sarili ko na huwag ipahalata na apektado ako sa sinabi niya. Kahit naman damang-dama ko iyon, at itong puso ko gustong kumawala sa hawla at tumalon-talon sa saya.

"M-Miss mo mukha mo!" sabi ko.

Muntik ko ng masabi ang danger word, 'miss you'

Buti na lang at kaya ko pang pigilan ang sarili ko. Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko. Maling-mali.

Tumingin-tingin siya sa hallway at bigla akong hinila papasok ng opisina niya.

Gusto kong pumiglas pero ang katawan ko mismo ang gusto na magpahila sa kaniya sa loob.

"Miss na kita Sorene, ilang araw mo din ako iniwasan."  ani niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Pinalo ko naman siya. "Ano ba, baka may makakita sa ginagawa mo. Bitawan mo nga ko."

"Edi makita nila. Para malaman nila na may nangmamay-ari na sayo."  sabay kindat at haplos sa aking bewang pababa sa may pwetan ko.

Napako naman ako sa kinatatayuan ko. At gusto ko na lang mag palamon sa lupa dahil sa narinig ko sa kanya. Anong ibig sabihin niyang may nag mamay-ari na sa akin?

Iba nanaman ang tibok ng puso ko, at mas lalo pa ito lumalakas nung hinaplos niya ako.

Hindi pwede, mali talaga. May Cliffe ako.

Ayoko maramdaman ang nararamdaman ko noon nung nililigawan ako ni Cliffe.

No. No. No.

Wala lang 'tong ginagawa sakin ni Xander.

Choosing The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon