CHAPTER TEN

3 1 0
                                    

"Alam mo gutom lang yan. Tara na nga hanap tayong makakain."

Gutom na nga din ako eh.

Habang naglalakad kami para maghanap ng restaurant. Bigla nanaman sumigaw 'tong babaeng 'to. Mabibingi na ko sakanya eh!

"Ayun best! Doon tayo kain!"  turo niya sa Finestra's Oni Wagyu Restaurant.

" Let's go." aya ko. Napatalon naman siya na parang bata.

Hayy nako ewan ko sayo She.

"Kala ko tatanggi ka eh. Hihi."  hinila niya na ako.

Halatang-halata na nagwawala na mga alaga niya sa tyan sa sobrang gutom.

Nang makarating kami sa restaurant, sinalubong naman kami ng babae sa receptionist. Tinanong kung may reservation ba kami or appointment.

"Wala po miss, ba–"  sabi ni Sheryll.

"My company." 

Napalingon kami sa nagsalita.

"Mom?"
"Tita?"

Sabay naming banggit ni Sheryll.

Ano ginagawa ni mommy dito?

" Sheryll, how are you? " Lapit ni mama sa kaibigan ko at bineso ito.

" Hi tita! Long time no see po. I'm fine po. "  gumanti rin ito ng beso.

At talagang magkahawak kamay pa sila ah.

Hello, andito ako! Baka hindi niyo napapansin.

Umubo ako para mapansin nila, na ANDITO ako kasama nila.

"Hmm.."

" Hi baby."  bati ni mommy sakin at akmang lalapit sakin para yakapin. Ngunit umatras ako.

Well, tumuloy pa din si mommy palapit sakin at niyakap at hinalikan ako sa pisngi. That's my mom.

Bumulong naman ako sa kanya, "Stop calling me baby in public. I'm not a baby."  iritado kong sabi.

Napatawa naman si mommy at tinaas ang kanyang kamay na parang susuko na.

"Yes po!"  pang-aasar niya.

Tuluyan ng hinila kami ni mommy papasok kung saan siya nakapwesto. Napansin ko din na may dalawang lalaki sa table ni mommy. Yung isa nasa mid 40's na. Yung isa naman, bata pa. I mean parang kasing edad ko lang.

Sabay sabay naman silang tumayo ng makita parating na kami. Tinignan ko naman si mommy nakangiti lang naman.

Baka eto yung sinasabi ni Manang Jo, na 'investors' daw?

"Xander this is my daughter, Sorene and her bestfriend, Sheryll." panimula ni mommy.

Ngumiti naman ako sa kanila.

" Sorene and Sheryll, this Xander and his son Xandro."

Ngumiti din sila amin.

Whoa whoa whoa, mag-ama ata 'tong dalawa. Hawig na hawig, at halata sa mga mata. Mala asul na mata.

Kulang na lang magtayo kami ng grupo. At ipapangalan ko 'TEAM ASUL' lol.

"Hello po." bati namin ni Sheryll.

Umupo na kami sa upuan. Malamang sa upuan, alangan naman sa lamesa. Common sense.

Bali ang katabi ko sa right side ay si mommy. Sa left side ko naman si Sheryll na hindi mapakali. Parang may bumate sa pwit, at galaw ng galaw.

Well kaharap niya lang naman si Xandro, na gwapo. Hehe. At kaharap naman ni mommy, si Sir Xavier.

"Best, magkaaway ba sila ng papa niya? At talagang magkalayo pa sila ng upuan ah."  bulong ni Sheryll.

Kahit kailan talaga hindi maiwasan ang bunganga netong si Sheryll. Pati dito nadadala ang ugali niyang makichismis.

Papa agad? Sabagay mahahalata mo naman na mag-ama sila. Mata pa lang. Pustura pa lang ng katawan nila.

Paano ba naman, may isang vacant seat pa sa gitna nila. Ang awkward tuloy tignan.

Napansin naman ni Sir Xavier ang bulungan namin ni Sheryll.

"Anyway, padating na din yung  isa ko pang anak. Lumabas lang saglit at may tinawagan."

Ahh, kaya.

" Okay ko po sir."  I said.

Nagsitawanan naman sila mommy at Sir Xavier.

Ano kaya nakakatawa?

" Nako iha, wag ko na ko i-sir. Just call me da–" 

Sumingit naman si mommy.

" Call him Tito."

Okay.

Napansin ko naman si Tito Xavier na ngumit ng mapait.

Napansin ko din nung tinitigan ko ito, parang pamilyar siya. Kasi yung hubog ng muka niya. Siguro isa itong business man.

Baka nakita ko lang ito sa magazine. Kaya siguro familiar siya sakin.

Nagulat naman ako kay Sheryll na kinalabit ako at niyugyog yung braso ko at lumapit sa tenga ko at bumulong nanaman.

"Diba si ashssgman yon? Bakit siya nandito?"

Hindi ko naman maintindihan sinasabi ng babaitang 'to. Medyo malakas din kasi mag-usap sila mommy at Tito Xavier.

"Anong bakit siya nandito? Sino? sabi ko.

" Ayuuun! Diba si Sir yon? "  turo niya sa lalaking papasok ng restaurant.

Muntik ko na mabuga yung kinakain kong steak ng makita ko nga si Sir Guzman.

Napahawak naman ako sa pulsuhan ni Sheryll.

"A-ano, ginagawa niya dito?"  pabulong ko din sa kanya.

"Ewan best. Baka may ka-date hihi."

Paran kaming tanga ni Sheryll dito. Dahil kanina pa kami na bubulungan. Pa sulyap-sulyao pa nga si Xandro sa amin at parang naiinis. Ang sama ba naman ng tingin sa aming dalawa. Akala niya ata siya pinagbubulungan namin.

Humigpit naman ang pagkakahawak ko kay Sheryll dahil nakita ko na palapit na ng palapit sa direksyon namin si Sir.

Ganyan kami katakot sa kanya. Walang araw kasi na hindi namin siya nakikitang ngumiti. Pinaglihi ata 'to sa sama ng loob.

"What is your problem both of you?"  inis na sabi ni Xandro.

Napansin naman ni Tito Xavier ang tono ni Xandro at lumingon sa likod kung saan kami nakatingin.

"Son, come here!"

Choosing The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon