Beautiful Paradise

94 0 0
                                    

Desiree POV

Nakasakay ako sa jeep papuntang Guadalupe ng may makatabi akong isang lalaki, matangkad, maganda ang tindig ng katawan, mukhang nagwowork out araw araw, makapal ang kilay at sobrang perfect ng hugis ng mukha pero mukhang barumbado.

ako naman si tanga todo ang titig sakanya. mukhang ngayon ko lang kasi nakita ang mukha nya rito, di naman sya siguro galing probinsya hays.

"Bayad ho, makikisuyo" aniya

ngayon ko lang narinig ang boses nya, husky na parang namamaos siguro may ubo to kaya ganun yung boses. dali dali ko nang inabot ang bayad sa driver at nilabas ko nalang ang cellphone ko.

pero bago ang lahat gusto ko munang magpakilala sa inyo.

My name is Coreen Desiree Rivas, 19 years old. I am now a college student, and also a working student. Scholar ako sa school na pinapasukan ko kasi mataas naman ang grado ko, pagkatapos kong pumasok dederetso nako sa amo ko, isa akong taga alaga ng bata, at ako din ang naglalaba at nagluluto dahil busy ang amo ko dahil mabait naman sila ay doon nako tumutuloy at kapag sabado ay umuuwi ako sa bahay mismo namin para bisitahin ang mama at papa ko, galing ako sa mahirap na pamilya at alam ko ang hirap nila mapag aral lang nila ako.
Meron akong kambal na kapatid babae at lalaki yun, sina Aishel Aphrodite at si Ash Gaizher mag 7th birthday na sila this coming january may sapat na akong ipon para makapag handa sila.

1 New Message
From: Helena
Besh? asan kana?

Me:
Traffic besh. bakit?

Helena:
Anong oras na besh,
malapit na pumasok
yung masungit naten na
prof. bilisan mona.
mag iingat ka.
iloveyouu :>

Me:
Oo besh eto na, salamat
sa care. iloveyouutoo :>

❣️❣️❣️❣️❣️❣️❣️❣️❣️❣️❣️❣️

Pagkababa ko nang jeep dali dali nakong naglakad upang sumakay ulit ng panibagong jeep, bigla akong nahilo, kayat huminto muna ako sa paglalakad.

hanggang sa.

pagdilat ko nang aking mata puro puti lamang ang aking nakikita, puting ilaw at puting kisame.

"nasan ako?" agad kong tanong

may isang lalaking maskulado ang nakatayo sa'king harapan.

"Ikaw?!" pagkagulat ko.

sya ang lalaking nakasabay ko sa jeep kanina lang pero bakit nandito sya?
teka lang sandali kanina kase nahilo ako, OMG! nag collapse ako?

"teka miss? ayos ka na ba?" taranta nyang sabe.

"oo ayos na ako, hindi ako assumera pero ikaw ba nagdala saken dito sa hospital?" i asked

"yes. btw im Paulo Gilbert Monteverde" at nilahad nya ang kanyang kamay sa akin.

"Ako nga pala si Desiree." tsaka kami nag shake hands.

"Are you okay now?" aniya.

"Oo salamat sa paghatid dito, pero kailangan ko na kaseng umalis. salamat huh." tinanggal ko lahat ng nakakabit saken at di ko na hinintay ang nurse para sila na magtanggal non.

agad agad na akong lumabas ng hospital tinawag ako nung paul ata name non.  basta ayon, pero di ko na sya pinansin kase paktay ako sa teacher namin kapag ginawa ko pa yon, at nakapagpasalamat naman ako kaya okay na yon diba? atleast nag thankyou ako pero sa oras na mag krus ang landas namen, kailangan kong makabawi.

sumakay na ako ng jeep papunta sa paaralan ko, magtatapos na ako this year bilang isang Guro, bata palang ako nais ko nang maging guro. gusto kong makatulong sa mga bata, mahilig kase ako sa mga bata e. kaya't close na close ako don sa kambal kong kapatid.

nagmadali na ako dahil nasa tapat na ako ngayon ng aming paaralan.

"Ikaw nanaman? late kana lagi ah" sabi ng guard.

"pasensya na po, dumaan papo kase ako sa hospital e." sabi nya.
"halata nga." nakatingin sya saken.
suot suot ko pa rin pala ang White gown ng hospital. kahihiyan to dei, kahihiyan.
di ko napansin dahil sa pagmamadali.
"Sige pumasok kana." aniya.
dali dali na akong pumasok at buti nalang at wala daw si Mrs. Raymundo.

Itutuloy...

Beautiful ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon