Desiree POV
Arghhh kahihiyaaaaaan talagaaaa.
bakit ganon? napaka liit naman talaga ng mundo.
nagpalit nako ng damit dahil ayokong sabihin ni tita na napaka bagal kong kumilos. well? kahit 3yrs nako magtatrabaho dito may hiya pa den naman ako.baba na sana ako nang narinig ko si tita at paulo na nag uusap, di naman ako tsismosa pero parang ganon na nga.
"Oh paulo, kelan kapa dumating? sabi ng daddy mo totally okay ka na daw ah, kumusta naman ang operasyon?" sabi ni tita.
"ah tita okay naman po. medyo naka recover nako." sabi nya.
operasyon? na operahan sya? malamang teh, kaya nga operasyon e, bobo lang?
pagbaba ko, iba na pinag uusapan nila.
"hm tita? excuse lang po ah, magluluto na po ako ng pagkain, nasan po pala si tito?" sabi ko.
"Sige dei, Si John nasa trabaho pa nya, nasa tagaytay sila ngayon nag attend sya ng seminar, 3days sila doon. ikaw pau anong gusto mong pagkain? alam mo bang masarap magluto si dei." sabi ni tita.
"Tita hindi naman to, marunong lang po ako." sabi ko.
pahumble ka girl?
"Nako, sige nga tita dito nako kakain mukhang masarap ang ihahain ni desiree e." sabi naman netong paulo nato.
"Di ka magsisisi pau, sa sobrang sarap ng luto nya, kaya nga di kami nagsisi ni john na kunin sya e." sabi ni tita.
"Sige po tita magluluto na po ako." sabe ko.
Mag 6:00 na kase ng Gabi. May Oras ang dinner dito, kelangan 8:00 tapos na lahat at pagkatapos ay matutulog na ang amo ko, at ako? magbabasa ng mga lecture, aaralin ko lahat, mahirap kase kapag college lalo na at magtatapos na ko ng pag aaral dinidikta nalang yung mga lesson kaya dapat matalas ang pandinig mo. buti nalang at nakakasunod ako, pero kapag wala akong tulog keyword nalang ang sinusulat ko at sinesearch ko nalang yon sa internet.
hinanda kona ang mga ingredients ang lulutuin ko ay Adobo, ang adobo with tausi. Turo saken yon ni inay, maaga palang ay natuto na ko sa lahat kaya sabi ni inay saken ay pinagmamalaki nya ko.
kada magluluto ako nagpapatugtog ako.
(playing: 2002 by Anne Marie)
habang pinapatugtog ko yon ay sinasabayan ko at kasama na den ang pag indak.
"Ops i got 99 problem singin bababa tentenenennnnn-
"ang galing mo pala sumayaw at kumanta"
bigla akong nagulat at nahiwa ko nang bahagya ang daliri ko dahilan para masugatan ito. nakanang!
"Ouch!" sigaw ko
" look i'm so sorry, di ko alam na magugulat ka." sabi nya.
"hindi okay lang." pero sa loob loob ko minumura na kita ponyeta kang lalaki ka, alam ko may utang ako sayo ng loob pero di mo to pwedeng gawin, pamangkin kapa ng amo ko, wtf ano bang kamalasan ang darating saken.hinugasan ko ng tubig ang nahiwa kong daliri at nilagyan iyon ng band aid.
"sorry talaga desiree." sabi nya.
mukha naman sincere kaya pinatawad kona, pero nakakahiya nakita nya kong kumakanta at sumasayaw. Arghhh!"okay lang nga ang teluk mo." sabi ko.
pagkatapos kong magluto ay naghain nako ng pagkain sa mesa.
"Tita? ready na po ang pagkain, teka lang po at tatawagin ko po si dustin." sabi ko.
"sige dei at sabay sabay na tayong kumain." sabi nya.
oo ganyan talaga si tito at tita, dahil ng ako lang ang katulong nila sa bahay di nila ako hinahayaan na mag isa kumakain, tsaka hindi katulong ang tingin nila saken, kundi parang isang anak. mamimiss ko sila kapag nagkataon, syempre aalis din ako dito no, kapag nakahanap nako ng trabaho at maiangat ko si papa at mama.
aakyat na ko sa taas para gisingin ang napaka kulet kong alaga.
"Dustin? baby kakain na daw sabi ni mommy mo, gising kana baby, tara naaaaa" bigla namang pagmulat ng mata neto at niyakap ako.
napaka sweet ng alaga ko na yan. namimiss ko tuloy yung mga kapatid ko si aphro tsaka si Gaiz.
"Ate dei, nandyan na po ba daddy to?" tanong niya.
"nako baby, wala pa si papa mo nasa tagaytay may seminar sila e. bakit namimiss mo na ba papa mo?" sabi ko.
"opo e, namimit kona po ti daddy ko." sabi nya.
walang bonding ang mag ama dahil palaging nasa trabaho ang mga ito, ang mama nya naman bihira nya lang makasama, kaya ang ending kami ang naglalaro. minsan nga'y sinama ko ito sa aming bahay noong nakaraang sabado at aliw na aliw ito sa mga kapatid ko. kaya pinapayagan naman ni tito at tita na isama ko si dustin sa bahay.
"hayaan mo baby, uuwi din si daddy, at sasabihin ko na magbobonding kayo. okay ba yon?" sabi ko sakanya.
ito lang ang mahirap sa mga mayayaman e, yung wala silang time sa mga anak nila, pero nabibigay naman nila ang mga gusto nila pero ang nagiging ending nagrerebelde ang iba? tama naman ako diba?
"opo ate dei, mataya po yon." sabi nya.
at binuhat kona sya, napakabigat na nang batang ito.
"Nako dei buhat buhat mo nanaman yan si dustin." sabi ni tita.
"Ito na ba si dustin tita?" tanong ni paulo.
itutuloy.....
![](https://img.wattpad.com/cover/209884807-288-k719798.jpg)
BINABASA MO ANG
Beautiful Paradise
Genç KurguYour realize how things is important until its GONE. Makakaya mo bang mawalan ng taong minamahal? Kaya mo bang magsakripisyo?