KABANATA 15

13 1 0
                                    

Desiree POV

NAKAHIGA pa din ako at ayoko na dito dahil kung ano ano ang pinapainom nila saken, ilang araw na akong nakaratay dito. binalita ni helena na malapit na daw ang graduation namin at ako daw ang mayroong highest grade, magpagaling daw ako para makapunta ako sa graduation namin. Si Mama naman ay binabantayan ako palagi at kita ko ang pamamaga ng kanyang mga mata dahil sa kaiiyak, minsan kapag wala si mama ay si paulo ang nagbabantay sakin.

Sinailalim na ako sa pag chechemo, at sabi pa nang doktor ay pwedeng malagas ang buhok dahil sa gamot na meron ito.

Gusto kona lumabas sa hospital at ayoko na dito. dahil parang mas mamatay ako ng maaga kapag nandito ako, kaya nagpauwi nalang ako sa bahay.

Nagpapachemo pa rin ako dahil na din sa tulong ni tita diane at paulo, hindi ko alam kung paano ako makakabawi sakanila, dahil alam ko na di naman din ako tatagal.

Kain, Tulog. paulit ulit nabubugnot nako, pero nagbibigay ang prof ko ng lesson para makabawi ako at dahil matigas ang ulo ko kahit ayaw nila ay napilit pa din nila ako.

"MAAAAAAAAAA!" pagsigaw ko habang umiiyak.

"MAMAAAAAAAA!!!" pag uulit ko.

dali daling pumasok si mama sa loob ng kwarto at nakita kong natataranta sya.

"ANAK BAKIT? MAY MASAKIT BA SAYO? ANO ANAK?" tanong ni mama na bakas ang pag aalala.

"Look at this Ma, naglalagas ang buhok ko!!!" sabi ko at pinakita kay mama ang mga hibla ng buhok ko.

Nakakababa nang self confidence, makita akong kalbo. iyak ako ng iyak hanggang sa makatulog nalang ako ganun ang laging sitwasyon.

"MAAAAAAAAA?" umiiyak na sabi ko.

"Anak? bakit?" tanong ni mama.

"Sobrang sakit po ng buto ko, ayoko na po maaaa, pagod na po ako, gusto ko na po magpahinga, tigil na po natin to ma." sabi ko at di ko namalayan na may dugo nanaman ang ilong ko pinunasan yon ni mama dahil sabi nya ay mas normal lang ang pagdurugo ng ilong kesa hindi iyon lumabas.

"Anak? lalaban ka diba? aattend ka ng graduation mo bukas, diba gusto mo yon?" sabi ng ina.

iyak nalang ang naiganti ko dahil ayoko din nakikita si mama na umiiyak.

Alam ko na di na ako gumagaling dahil alam kong palala na iyon ng palala pero pilit pa din akong lumalaban dahil sabi ng mama ko na habang may buhay may pag asa! pero hindi ko maialis sa sarili ko ang takot na baka isang araw ay hindi na ako magising na baka hindi ko sila mayakap.

ARAW ng graduation ko ngayon at pinasuot ako ng puting dress ni mama at natuwa ako ng makita ko si paulo na kalbo, maging si Ash at dustin, natatawa ako kase sabi pa ni dustin sakin ay gusto nya daw ang gupit ko kaya nagpagupit din daw sya ng katulad sakin, katulad ni dustin ay ganon din ang sabi ni ash saken. dahil magsusummer na rin daw mainit daw kase, Si Paulo naman ay mukhang itlog pero ayos lang kasi bumagay naman sakanya.

"Bagay ba babe?" sabi nya.

natawa naman ako.

"Oo, ang gwapo mo pa din kahit kalbo kana." sabi ko.

Nilagyan ni mama ng tela ang ulo ko para kapag pinagpawisan ay deretso na sa tela, sabi pa nila ay bibilhan daw ako ng wig yung kulay pink natawa naman ako.

pupunta na kami sa school namin at sinasabitan kami ng bulaklak, naka wheelchair ako habang tulak tulak ni paulo at makarating kami sa aming upuan, pinaki usapan na kung pwede ay doon ako sa unahan para hindi ako mainitan.

Nakita ko naman si helena at kasama ang magulang at boyfriend nyang si Elmo, Niyakap nya ako at sinabihan ng Congrats Besh! nakakatuwa dahil sa wakas ay yung lalaking pinapangarap nya ay sila na sana ay magtagal na sila.

Isa isa nang tinawag ang mga kaklase ko at kasabay na din ang pagtawag ng mga may mga award.

"Ms. Coreen Desiree Rivas, our Valedictorian." sabay sabay ang palakpakan at kasabay kong umakyat sa stage si Mama at si Papa.

"Thankyou po." sabi ko.

at sinabit ni mama ang medalya.

"Thankyou mama at papa." sabi ko.

"Hello? Congrats sa atin guys, we did it! isa nalang ang hiling ko ang makitang masaya ang pamilya ko, bago ako mawala sa mundong to, i accept the fact na mawawala din ako kaya nakahanda na po ako. Maikli lang po ang buhay ng tao, mas piliin natin na sumaya kahit na sa maliit na bagay, sa isang araw maraming pwedeng magbago, hindi natin alam kung kailan tayo tatagal sa mundong to kaya dapat wala tayong sinasayang na oras. yun lang po at Salamat and Congratulations guys!" pagtapos ko ng speech.

Niyakap ako ni mama habang umiiyak na sila.

ILANG linggo na ang lumipas at kagaya ng sinabi ko na nanghihina na ang katawan ko at pinatigil kona den ang pagpapa chemo ko. dahil patuloy akong nanghihina kapag sinasagawa yon.

UMUWI si Paulo sa U.S para bisitahin ang magulang nya dahil hindi din ito naka attend ng kanyang graduation si tita diane ang umattend sakanya.

Si dustin naman ay pumupunta dito dahil namimiss nya daw ako, si ash naman at aphro ay lagi silang nasa tabi ko dahil gusto daw nila ako kasama.

Dumadami at mga pasa sa katawan ko at madalas na din ang pagdurugo ng ilong ko, hindi na ko makakain ng maayos dahil parang nawawalan ako ng panlasa, isa lang ang gusto kong hilingin bago ako mawala.

itutuloy....

Beautiful ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon