Desiree POV
Gaano kasakit ang nararamdaman ko? ako lang ang makakapagsabi ayoko na sayangin pa ang mga bagay, ayoko na magsayang ng oras na makasama ko ang pamilya ko, Ang leukemia ay isang cancer sa dugo or sa bone marrow usually leukocytes or the white blood cells, nagsearch ako kung paano ba yon malalabanan pero ang isa lang ang masasabi ko mamatay din ako, ayon din ang kahahantungan ko.
Gano kasakit ang mayrong Acute Myeloid Leukemia (AML) tinatamaan nito ang mga buto at nagiging abnormal ang myeloblasts o isang type ng white blood cells.
bumagsak ang katawan ko, nagkakaroon ako ng mga pasa sa katawan at tinatakpan ko nalang ng iyon ng jacket. siguro'y nakakapansin na din sila mama sa kinikilos ko pero wala pa rin akong balak sabihin sakanila ang lahat.
wala akong lakas ng loob para masami sakanila yon. natatakot ako na iwanan sila, natatakot ako.Kung walang pasok ay nasa kwarto ako magdamag at nagkukulong at kapag pumapasok sila aphro at ash ay nasisigawan ko, iniiwas ko na ang sarili ko sakanila dahil mawawala din ako sakanila.
NAGBIHIS nako at sinuot ang jacket para di mahalata ang mga pasa sa katawan ko.
tinatawagan ako ni tita diane para kumustahin at mag ingat daw ako palagi."Ma? Pa? tara na?" anyaya ko.
nasa labas si helena at nagsuyo ako na kung pwede ay sya na ang maghatid samin sa pupuntahan at di naman ako nabigo.
"San ba talaga tayo pupunta anak?" tanong ni papa.
"Secret po, wag na po kayo makulit." sabi ko.
Agad agad kaming dumating sa bahay na pinagawa ko at agad na tumambad ang kulay puti na bahay at may motif na puti at maroon, tinanong ko kase si papa noon kung sya ang gagawa ng bahay ano ang disenyo at gaano kalaki, kung ano ang kanyang sinabi ay aking tinupad. Marami akong nalagpasang pagkain, naglakad ako hanggang sa paaralan para maipon lang ang pera pampagawa rito umabot ng ilang libong piso, katumbas ng tatlong taon kong pagpupursige.
"Ma? Pa? Diyan na po tayo titira." sabi ko habang nangingilid ang luha sa mata.
kala ko ay makakasama nyo pa ako sa bahay na yan pero sorry papa at mama.
"Anong ibig mong sabihin anak?" napapaluha na sabi ni mama.
"Regalo ko po sa inyo, Mama at Papa, Diba pa nagtanong ako sayo noon kung ikaw ang gagawa ng bahay, anong disenyo at gano kalaki, ayon na po yun papa." sabi ko at tuluyan na akong napaluha.
"Anak, napakaswerte namin ng papa mo sayo." sabi ni mama na kitang kita ang galak sa kanyang mga mata.
Niyakap ako nila mama at papa.
Agad kaming pumasok sa loob at napakaganda talaga ng disenyo. Mayroong guest room ngunit isa lang dahil di na kaya ng pera at mayroong Apat na kwarto kila mama at papa kila aphro at ash at yung isa sana ay akin pero mukhang di ko na din magagamit.
"NAPAKAGANDA NITO ANAK!" niyakap uli ako ni papa.
no, ako maswerte sa inyo papa at mama napalaki nyo ko nang maayos at sinusuklian ko lang mga binigay nyo sa akin.
"Nagustuhan nyo po ba?" tanong ko.
"Oo anak." sabay na sabi nila.
Agad na din kami umalis sapagkat sinabi ko na bukas na bukas ay lilipat na din kami doon at ipapablessed namin ang bahay.
NANG makarating kami sa dati naming tinitirhan at pinapasok ko muna si helena para magmeryenda na din.
Agad akong nagtungo sa kwarto at nagtanggal ng jacket.
Nagulat ako ng bumukas ang pinto at niluwa nito ang bestfriend ko."Omaygad besh, bat ang dami mong pasa?" tanong nya nang may pag aalala.
"Natamaan lang siguro to kung san, hayaan mona ginagamot ko naman." pagtanggi ko.
"Ulol ka, wag mokong tinatanga dyan nagsearch ako sa punyetang leukemia na yan, at kailan mo balak maglihim sa pamilya sa ganyan na sitwasyon mo? napakatigas ng ulo mo." sabi nya sakin ng umiiyak.
"Alam mo naman pala bat kapa nagtatanong?" sarkastiko kong tugon.
"besh ano ganyan ka nalang hihintayin mo na mamatay ka? hihintayin mo di ka man lang lalaban? paano si paulo? si tita si tito si ash at aphro? paano ako ? paano kaming nagmamahal sayo?" sabi nya habang di na napigilan ang sarili na umiyak.
" i dont know kung kakayanin kong lumaban, gusto kona magpahinga, makakaalis kana." saka nako nagtulakbong ng kumot.
Dinig ko pa ang mga yabag ng paa nya.
wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak. wala akong magawa para labanan. hindi ko alam naguguluhan na din ako.
itutuloy....
![](https://img.wattpad.com/cover/209884807-288-k719798.jpg)
BINABASA MO ANG
Beautiful Paradise
Подростковая литератураYour realize how things is important until its GONE. Makakaya mo bang mawalan ng taong minamahal? Kaya mo bang magsakripisyo?