KABANATA 4

17 0 0
                                    

Desiree POV

"oo pau, laki nya na no?" sabi ni tita.

"tino po tsa ate dei?" tanong saken ni dustin.
"hello dustin? ako si kuya paulo. apir?" sabi nya at agad naman umapir si dustin sakanya.

"HAHHAHAA nakakatawa kayong tignan. tara na at kumain na tayo, baka lumamig pa ang mga pagkain." sabi ni tita.

At si dustin na ang naunang pumunta don sa upuan nya.
pagkaupo namin ay agad kong sinandukan si tita diane at si dustin. ganon pa rin ang ginagawa ko simulat sapul.

"Kain ka nang marami dustin ah, para hindi magagalit si mommy at daddy mo. okay ba yon?" sabi ko.

"Opo ate dei, gagalingan to po kumain para di galit ti daddy at mommy." sabi nya.

magsasandok na sana ako nang biglang hawakan ni paulo ang kamay ko.

"ako na ang magsasandok sayo desiree" sabi ni paulo.

wala nakong magawa kundi hayaan kase naman nasakanya na ang sandok. papansin ka mister?

"ehem" sabi ni tita diane.

natawa na lang kami at pagkatapos namin kumain.

"dei ikaw na ang bahala dyan ah. pau? umuwi kana ren at baka hinahanap kana ng daddy mo." sabi ni tita.

"Opo tita ako na po ang bahala dito." sabi ko.

umakyat na sila ni dustin at kami nalang ni paulo ang nandito sa baba.

magliligpit na ako ng pinagkainan at kung ano ano naman ang tanong sakin ng lalaking to.

"desiree? ilan taon ka nag start magtrabaho? parang sanay na sanay kana sa lahat ng bagay." sabi nya.

"ako? bata palang kasi ako tinuruan na ko ng inay na magtrabaho, naranasan kona magtinda ng mga gulay sa palengke, at mag aral ng walang tulog dahil sugapa na ako sa trabaho bata palang ako, kase mahirap kami." sabi ko.

"Galing naman, nakaka amaze ka kase bata mo palang nakipagsapalaran kana." sabi nya.

"HAHAHAHA well ganon naman ang gampanin ko e, kase alam mo ba na may kapatid akong kambal sina aphro at Gaiz, tapos si papa karpentero si inay naman ay nasa bahay lang, kaya ako habang nag aaral ako nagtatrabaho din ako." sabi ko.

pumalakpak sya habang Nilagay kona sa lababo ang mga plato at alas 9:00 na din pala.

"Di kapa ba uuwi? anong oras na ah, baka hinahanap kana ng daddy mo." sabi ko.

"ah oo nga di kona namalayan, tsaka wala si daddy sa bahay nasa amerika pa sila ni mommy. kakauwi ko lang kase kanina." sabi nya.

napaka bobo netong lalaking to, imbis na magpahinga ay haynako.

"sige na umuwi kana at magpahinga kana." sabi ko.

"sige na salamat sa oras desiree, bukas ng alas 8 susunduin kita ah. walang tanggi tanggi" sabi nya.

haynako, hinatid kona si paulo sa gate dahil uuwi na sya.

"Goodnight, desiree." sabi nya

bigla akong kinilabutan at ngiti na lamang ang naibawi ko sakanya.

pumasok na ko sa loob ng bahay, at nag umpisa na akong maghugas ng plato.

pagkatapos ay nagreview na ako, para sa exam namin bukas.

pagkatapos kong magreview ay agad nakong pumanik sa taas para matulog.

nang humiga na ako ay bigla akong napaisip at tinignan ang binigay ng doktor nung nagpacheck up ako.
ayoko pa sana itong tignan pero hayaan mona. wag nalang pala may susunod na araw pa naman e. bigla akong nakaramdam ng antok.

itutuloy....

Beautiful ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon