Desiree POV
NANG matauhan ako sa sinabi ng doktora ay para akong binuhusan ng napakalamig na tubig sa buo kong katawan nababalot ng takot hindi ko alam kung paano ako mag uumpisa.
"Besh? kailangan mo na tumigil sa pagtatrabaho, o ang kalusugan mo ang mapapabayaan. paano mo sasabihin kila tita ang sakit mo?" tanong nya.
"Hindi ko alam." yan na lamang ang naisagot ko.
"Besh? please para sa pamilya mo." sabi nya at niyakap ako tuloy nanaman ako sa paghagulgol.
"Anong gagawin ko? paano ako, besh natatakot ako." sabi ko.
Hinatid na ako ni helena sa bahay ng amo ko, kailangan kong mag isip ng maayos at di ipahalata sakanila na hindi ako okay.
Naabutan ko si tita diane na nasa sala at nanonood.
"Tita? May gusto po sana akong sabihin." sabi ko.
"Ano yun? halika umopo ka sa tabi ko." sabi nya.
"Tita aalis na po ako sa trabaho ko, tita kase po ano—-
"Kasi ano?"
"kase po tita, may stage 2 leukemia po ako." napahagulgol nako at yumakap kay tita diane.
"Oh My God! Dei " napaiyak na din si tita saken.
"Tita *sniff gusto ko po sana na makasama po sila mama at papa nang matagal pero mukhang kukulangin na po ako sa oras, tita papayag po sana kayo ay kahit wag nyo na po akong swelduhan, ayos na po ako at alam ko po na may pumalit na sa akin." sabi ko.
Umiyak na din si tita diane at di na napigilan ang sarili.
"Dei? kelan mo sasabihin sa pamilya mo ang sakit mo? deserve nila malaman, si paulo alam ba nya?" sabi ni tita.
"Ikaw palang po ang nakakaalam at si helena tita, tita kung maari po sana ay wag na wag nyong sasabihin kay paulo." sabi ko.
"Okay sige. magpahinga kana at oo pumapayag nako na hindi kana magtrabaho pero malulungkot si dustin." sabi nya habang umiiyak pa rin.
"Bata pa po si dustin at di nya pa po maiintindihan ang lahat" sabi ko.
umakyat nako sa taas at nag impake na den ako ng mga damit at mga gamit ko.
walang oras na nagdadasal na sana ay isa lamang tong panaginip.NAGDAAN ang mga araw at sa bahay na ako umuuwi kapag namimiss ko si dustin ay tumatawag ako para kausapin sya. nagulat sila mama nang bigla kong pag uwi at tinanong kung bakit ako umalis kila tita diane kung nag away ba kami o hindi at sabi ko ay hindi.
kami ni paulo ay wala pinapalabo kona ang sitwasyon ayokong sa huli ay masaktan sya, ayokong isang araw ay gumising sya at wala na ako. alam ng diyos kung gaano ko gusto mabuhay.
minsan ay nagpapasalin ako ng dugo sikreto akong nagpapasalin at kasama ko lagi ay ang kaibigan kong si helena.Ilang araw na akong nagkukulong sa kwarto at nagtataka na sila mama at papa sakin.
Si Ash at Aphro ay natupad ko ang kanilang hiling na magkaroon ng masayang party at nagpapasalamat sila saken dahil ako daw ang naging ate nila, masaya din ako sapagkat naging kapatid ko kayo.
"Anak? buksan mo ang pinto nasa labas si Paulo." sabi ni mama.
"Sabihin mo ma, tulog ako." sabi ko.
Wala akong mukhang maiharap kay paulo.
Sa paaralan ay iniiwasan ko na sya, si helena na ang naghahatid at nagsusundo sa aken dahil sya ang nakakaalam ng mga nangyayare.KINABUKASAN.
Gusto kong kausapin si paulo, hindi para sabihin sakanya ang sakit ko, kundi makikipaghiwalay na ako sakanya, hindi nya ako deserve dahil iiwan ko din sya pagdating sa dulo. ayoko syang masaktan sa pagkawala ko, mas mahihirapan lang ako kapag hindi ko ito nagawa.
Nasa garden kami ng school.
"Boo? bakit di ka sumasagot sa mga tawag ko? bakit di mo pinapansin ang mga message ko? bakit umalis kana kila tita diane? iniiwasan mo ba ako? may nagawa ba akong mali para ikagalit mo? boo? kausapin mo naman ako" sabi nya. habang nakita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata nya.
"Boo? hindi tayo bagay, hindi na kita mahal, ayoko na sayo napagtanto ko na di talaga kita mahal. lahat ng mga alaala natin wala lang lahat yon sakin, pasensya kana sana maging masaya ka." sabi ko at umalis na ako ng walang pasabi.
Sorry paulo kailangan ko itong gawin para di kana masaktan ng malala ayokong gawin sayo yun pero kailangan, Tandaan mo na ikaw lang yung lalaking minahal ko ng totoo at sobra pa sa sobra.
ILANG araw nalang at magtatapos na ako sa kursong tinapos ko ngunit tila lahat ng pangarap ko ay nawala dahil sa isang pangyayare.
"Ma? Pa? pwede po ba kayo sumama sakin bukas?" tanong ko.
"Saan naman anak?" tanong ni papa.
"Basta pa alam ko po na matutuwa kayo." sabi ko.
"Mukhang may surpresa ka samin ah." sabi ni papa.
"Matulog na po tayo Mama at papa." sabi ko.
Itutuloy.....

BINABASA MO ANG
Beautiful Paradise
Teen FictionYour realize how things is important until its GONE. Makakaya mo bang mawalan ng taong minamahal? Kaya mo bang magsakripisyo?