Desiree POV
di na nga ako nabigo at agad na bumusina ang kotse niya at pagkalabas ko ay tumambad ang napaka gwapong lalaki sa aking mata.
"let's go, boo?" sabi nya.
tango nalang ang naisagot ko, natameme ang beauty ng lola mo.
pagkasagot ko palang sakanya ay alam na nila mama na masaya ako sakanya at di na sila tumutol pa dahil di na daw ako bata. napaka thankful ko kase may magulang ako katulad nila. At syempre may lalaking nagmamahal saken."Kanina kapa tahimik, ayos ka lang ba?" bigla nyang nilagay ang kamay sa noo ko at tinitignan kung may sakit ba ako o wala.
"Anong ginagawa mo?" pag mamaang maangan ko.
"I checked you kung may sakit kaba o wala, tahimik ka kase kanina pa." kita ang pag aalala sa mga mata nya.
nalalapit na kase ang birthday ng kambal at kinakabahan ako.
"Wala naman, kasi kinakabahan ako sa birthday ng kambal." sabi ko.
"Bat ka naman kakabahan?" tanong niya.
"eh syempre ngayon ko lang sila magpapahandaan ng ganun, mamaya kase—-
"Mamaya kase ano?" tanong nya.
"Wala hayaan mona." pagsuko ko.
agad kaming nakarating sa paaralan namen at as usual ganon pa rin ang gawain namin di ko nanaman namalayan ang oras, hays nababaliw na ata ako e. pano ba naman kasi ako kakalma, malapit na din ang monthsary namen di ko alam kung ano ireregalo e first time ko lang magboyfriend no? masyado kase akong busy sa pagtatrabaho at pag aaral at di ko inalala pa ang pagkakaroon ng boyfriend.
Buti nalang at nandito si helena."Helena? anong magandang ibigay sa boyfriend?" tanong ko.
"Ahm, virginity teh. charowt." sabi nya.
"Shunga kaba? virginity agad?" nabatukan ko tuloy sya.
"Ang magandang ibigay ay ipagluto mo sya ng pagkain, kasi sabi nila naaakit ang mga lalaki kapag marunong magluto ang mga babae. ganon ang ginawa ko sa boyfriend ko kaso iniwan pa din ako ng loko." sabi nya.
"HAHAHAHA okay lang yon atleast umalis na yung pesteng bakla na yon, bakla pala yon at gusto nya pa ay ang kapatid mo HAHAHAHA kaya pala gusto lagi pumunta sa balay nyo." pang aasar ko pa.
"Oy ikaw nakakatampo kana ah, di mo nako inaano porket nagkajowa ang bakla, punta tayo sa mall ngayon tara naaa, uwian naman na e." sabi nya.
wala nakong pasintabi na pumayag baka umatungal nanaman ang gaga.
NANG nasa mall na kami nagtext ako kay paulo na wag nako sunduin dahil kasama ko naman si Helena at syempre pumayag naman sya at ang sabi pa ay wag akong magpapagabi at itext ko sya kapag nakauwi na.
Naghire na den pala si tita diane ng isa pang katulong kasi daw kapag kailangan ni dustin ng sasama sa school ay di ko naman kaya makapunta, nahihiya na nga ako e baka kase makapal na mukha ko.
"Besh? tara nood tayo ng sine?" sabi ni helena.
agad naman kaming nagtungo at pinanood namin ay I Love You, Goodbye. na pinagbibidahan ni Ms. Kathryn at Mr. Alden bagay sila pero mas bagay pa din si Kath at Daniel grabe ang tagal na nila akalain mo yun, sila yung love team na matatag for real sanaol. HAAHHAHA
Matapos namin manood ay parang naninikip ang dibdib ko at nahihilo natutuwa naman ako kay helena at parang enjoy na enjoy akong kasama well sa tagal namin magkasama di kami nagkakasawaan sa isa't isa."Besh? okay ka lang?" sabi nya ng mahigpit akong mapahawak sa braso nya.
Agad akong tumango at tila parang umiikot ang paligid.
"Besh dumudugo yung ilong mo, besh! besh! besh——
SOMEONE POV
Nataranta na nanghihingi ng tulong si helena at wala na sa ulirat kabadong kabado sapagkat ang kaibigan ay bigla nalang bumagsak, kinabahan na ito at buti nalang at may tumulong sakanila at agad na dinala sya sa hospital.
ito na nga ang kanyang kinakatakutan na mangyare?
Nang makarating sila ay hinihintay ni helena na magising ang kanyang kaibigan at di nya na muna tinawagan ang magulang ni desiree sapagkat alam ni desiree na ayaw nya na mag alala ang magulang nito.
ilang sandali ay nagising na si dei.
"Ayos kana ba dei?" tanong ng kaibigan.
"Oo ayos na ako, ano bang nangyare?" sabi ng dalaga.
"Bumagsak ka kanina at sabi ni doc ay tawagin ko sya kapag ka gising mo, teka lang at tatawagin ko si doc, diyan ka lang okay?" sabi ng kaibigan.
At pagbalik ni helena ay kasama nya na ang doktora.
"Are you aware sa mga nangyayare sa katawan mo hija?" tanong ng doktora.
"Hm ano po ibig nyo sabihin doc?" tanong nito.
"Meron kang Stage 2 leukemia, at di na maganda sa katawan mo ang magpagod, you need a rest." sabi ni doc.
Agad na napahagulgol ang kaibigan at katulad ng kaibigan ay parang bumagsak ang mundo nito.
"Doc hindi po pwede dahil pinag aaral ko pa po ang mga kapatid ko. Ano pong gagawin ko?" sabi nya habang pumapatak ang mga luha.
"Kailangan monang magpa chemo dahil kung di mo gagawin yon ay babagsak ang katawan mo." sabi ng doktora.
"Pero dok di po ako pwedeng tumigil sa pagtatrabaho." sabi nya.
"Di ka titigil o ang kalusugan mo naman ang mapapabayaan. mauuna na ko." pagpapaalam ng doktora.
itutuloy...

BINABASA MO ANG
Beautiful Paradise
Teen FictionYour realize how things is important until its GONE. Makakaya mo bang mawalan ng taong minamahal? Kaya mo bang magsakripisyo?