SOMEONE POV
KAKASARA palang ng pinto ng makita ng nanay ni dei si helena na umiiyak.
"Anong nangyare? bakit ka umiiyak?" tanong ng may pag aalala.
"wala po ito tita, aalis na po ako." natatakot ang dalaga na baka masabi pa nito sa magulang kayat tumakbo na ito at sumakay sa kanyang sasakyan.
Habang ang ama't ina ni dei ay nababahala na din sa nangyayare sa anak kapag tinatanong ay okay lang ako ang lagi ngang tugon sa magulang.
"Nanay? bakit po ganun si ate? masungit po sya, may dalaw po ba sya?" tanong ni ash sa ina.
"Oo anak baka may dalaw lang ang ate mo." sabi ng ina.
kahit sila'y nababahala na din.
SA kabilang banda ay pumunta si paulo na lasing na lasing sa bahay ng kanyang tiya.
"Tita? Alam nyo po ba bakit nakipaghiwalay sakin si dei?" tanong nito.
"Pasensya na hijo, wala ako sa posisyon para sabihin ang kalagayan nya." sabi nito.
"Bakit tita naging mabuti akong anak, naging sunuran ako kay daddy at mommy pero yung babaeng mahal ko bakit nya ako iniwan? masama ba akong tao para maramdaman lahat ng to?" pag aasik nya at pumatak na ang luha sa kanyang mga mata.
"tumuloy kana at bukas ay sasabihin ko sayo." sabi ng kanyang tita.
Lahat ay naalarma sa kinikilos ng dalaga.
Desiree POV
MAAGA akong nagising at nakita kona agad si helena, kakalipat lang namin sa bagong bahay tapos na din namin na ipablessed.
tuwang tuwa sina aphro at ash nang makita ang kanilang mga kwarto napakalaki daw ng kwarto nila para sa kanila at gusto nila ay tabi na lang sila pero okay lang sana kung pareho sila ng gender pero hindi e magkaiba sila."Tara na?" sabi ko.
"Tara." sabi nya.
Alam ko na nalulungkot si helena pero mamamatay din ako.
"Ma? Pa? alis na po ako." sabi ko.
"di kaba mag aalmusal muna anak?" tanong ng ina.
"Hindi na po ma, tsaka busog pa po ako." pagtanggi ko.
"Anak may problema kaba? simula kase ng umuwi ka dito parang naninibago kami sayo." sabi ng ama.
"Wala po akong problema pa, sige po mauuna na po kami." sabi ko at di ko na hinintay pa na magsalita ang aking ama.
baka kase masabi ko pa sakanila, natatakot ako hindi dahil mawawala na ako, natatakot ako dahil maiiwan ko sila.
tahimik lang ako sa byahe at makarating sa paaralan. ang dating masaya ay napalitan ng lungkot. Sumasakit ang buto ko, at minsa'y nahihirapan pa akong maglakad dahil konting galaw lang ay hinihingal na din ako, kumakain ako pero di na ganon kadami dahil mabilis na akong mawalan ng gana, aakyat ako sa kwarto at magmumukmok at makakatulog nalang dahil sa kakaiyak. wala akong magawa, kung meron man ay ang pag iyak.
"Nandito na tayo besh" malumanay na ani ng kaibigan.
"Tara na." sabi ko.
Nang makapasok kami sa room ay nakita ko si Paulo na walang emosyon, nabalitaan ko pa na naglasing sya at don natulog kila tita diane, pasensya na paulo di mo deserve na iwan.
Ganon pa din ang takbo ng klase at nagpapaliwanag na sila about sa graduation pero wala akong maintindihan.
"Dei? pwede ba tayo mag usap?" sabi nya.
may tono sa boses nya na malapit na syang umiyak.
"Ano pang pag uusapan natin." walang sigla kong sabi.
"Yung tayong dalawa lang please?" sabi nya.
"Saan?" tanong ko.
"tapos naman na ang klase natin, tara?" sabay hinawakan nya ang kamay ko.
NANG makarating kami sa sinasabi nya ay agad nya akong niyakap na napakahigpit, para bang ayaw na nya akong bitawan.
"Anong sasabihin mo?" tanong ko.
"Bakit di mo sinabi saken?" pangangarag na boses ang napansin ko.
"Sinabi ang alin?" nagmamaangmaangan kong ani.
"Na may sakit ka, na may leukemia ka, na kaya ka nakipaghiwalay sakin, bakit di mo sinabi yon dei?." nakita kona ang mga luha sa mata at niyakap nya ulit ako.
"Kanino mo nalaman yan?" habang akap nya pa rin ako.
"wala na kong pake kung sino pa ang nagsabe ang mahalaga dei, sabay natin lalabanan yang sakit mo, dei magtiwala ka sa sarili mo please alam ko mahal mo ako kaya mo lang nasabi yon dahil ayaw mo ako na masaktan pero mas masasaktan ako kapag nawala ka at wala akong nagawa." pag iyak nya.
"Tama na, ayoko na hindi moko deserve paulo, hindi ako yung babae para sayo. Hindi mo ako makakasama hanggang kaya mo. mawawala din ako kaya mas mabuti na tapusin na lang natin to." sabi ko at inalis ang pagyakap nya saken.
"Lalaban tayo, di ako susuko sayo, dei mahal na mahal kita wag mong pahirapan ang sitwasyon natin dalawa, di ako susuko sayo paglalaban kita kahit bagyo pa ang dumating, Mahal kita." sabi nya.
"Mahal din kita pero ayoko masaktan ka at umasa na balang araw gagaling ako, na hindi ako mawawala sayo paulo, kailangan mo akong palayain." sabi ko napahawak nalang ako sa dibdib ko sapagkat naninikip nanaman ito.
"Di ako tanga para sundin ang mga sinasabi mo dei, wala na akong pake basta magpapagaling ka at lalaban ka." aniya
At bigla nya akong niyakap kasabay ng pagdurugo ng ilong ko at wala na akong maalala pa.
itutuloy....
BINABASA MO ANG
Beautiful Paradise
Novela JuvenilYour realize how things is important until its GONE. Makakaya mo bang mawalan ng taong minamahal? Kaya mo bang magsakripisyo?