SOMEONE POV
NAGULAT si helena sa kanyang nakikita.
hinabol nya ang dalawa at
"Sino ka?" sabi ng babae.
"Dei? I miss youuu so much" sabi nito at niyakap ang babae.
"Miss Angel ang pangalan nya at hindi dei." sabi ng lalaki.
"Paulo?" sambit nya.
"Mark ang pangalan ko at hindi Paulo." sabi ng lalaki.
"Huh? pero—-
"Miss baka nagkakamali ka lang, tara na nga babe." sabi ng babae.
Umalis na sila at may puting liwanag ang tumakip sa kanyang mukha.
Napabalikwas sya sa higaan nang mapagtantong panaginip lang pala yon, siguro ay nagtatampo na si dei sakanya dahil ilang taon na rin nyang di nabibisita ang kaibigan, mayroon na rin na sariling business si helena kasama ang kanyang asawa na si elmo at tinupad ang sinabi ng kaibigan na magtayo ng isang restaurant dahil sa galing magluto ni helena, hindi na nya natuloy ang pagiging guro at mas pinagtuunan nya ng pansin ang pagluluto nya.
MABILIS syang bumangon at pumunta sa puntod ng kaibigan.
"Hello besh! its been a 6 years simula ng mawala kayo ni paulo ano teh 'til death do us part talaga? nakakaloka ka e no? pero besh alam mo miss na miss na kita, pinakilala na nga kita kay shandy e, si shandy anak ko yon HAHAHAHA bantayan mo kami lagi ah, alam ko naman na dinadalaw ka nila tita, bigla ka kaseng nagparamdam nakanang tokwa alam kong miss moko pero baka mamaya ako na sumunod sayo bangungutin ako HAHAHA tsaka nga pala besh alam mo ba pinangalan ko sa Restaurant na tinayo ko? Coreena HAHAHA bongga diba Coreen+Helena equal Coreena. taray isang letra lang ang namutawi pero besh bantayan mo kami lagi. mauuna na ako ah. I love you besh!" sabi nya.
napakaikli lang ng buhay ng tao. at di mo alam kung hanggang saan.
Sumabay sa agos sabi nga nila.
Hanggang sa kamatayan ay sila pa rin. Destined nga sabi nila, at ngayon nasa MAGANDANG PARAISO na sila, kung saan ay magiging masaya at maligaya sila.'TIL DEATH DO US PART.
BEAUTIFUL PARADISE All Right Reserved. (Copyright). AmandaxMarcella. 2020
BINABASA MO ANG
Beautiful Paradise
Ficção AdolescenteYour realize how things is important until its GONE. Makakaya mo bang mawalan ng taong minamahal? Kaya mo bang magsakripisyo?