Paulo POV
NANDITO ako ngayon sa hospital at kasama si helena, sinabi ni tita sakin na may sakit si dei di na daw kaya ng konsensya nya kapag hindi pa ito sabihin maya't maya pa ay dumating na din sila tita at tito.
"Nasan ang anak ko? Nasan si dei?" sabi ng ina.
"Nasa loob pa po sya tita, wala pa po syang malay." sabi ko.
"Bakit nangyayare ito jusko, ano bang nagawang mali ng anak ko at sya ang naparusahan ng ganito." sabi ng ina.
Kasabay ay nandon na din si tita diane na kasama ang asawat anak.
"Kumusta na sya?" tanong ni tita diane.
"Nasa loob pa po sya tita." sabi ko.
Niyakap ni tita Diane si tita Melanie. Napahagulgol na din si tita dahil sa nerbyos kaya't dinala na din ito sa loob dahil nawalan na din ito ng malay dahil sa pag iyak.
Paglabas ng doctor.
"Sino po ang magulang ng pasyente?" tanong ng doctor.
"ako po doc." sabi ng ama.
"Aware ba kayo sa kinikilos ng anak nyo, dahil tatapatin kona kayo kailangan nya ng magpachemotheraphy dahil kung hindi ay aabutin na lamang sya ng buwan, sad to say pero kapag di iyon nagawa ay pwede syang mawala anytime, kailangan nya ng matinding pahinga pero sa tingin ko ay di na kakayanin ng katawan nya." sabi ng doctor.
"Doc? ano po ba ang gagawin para humaba pa ang buhay ng anak ko? doc? gawin mo po lahat para gumaling sya." napaiyak na ang ama.
"Gagawin ko lahat ng makakaya." atsaka na ito umalis.
Agad na kaming pumasok sa loob at lumapit agad ang dalawang kapatid ni Dei at si dustin.
"Ate dei? gising kana po dyan, diba maglalaro pa po tayo ng barbie? nangako po ikaw sakin ate." umiiyak na sabi ng babaeng kapatid.
bagamat bata pa ay parang naiintindihan na ang lahat.
"Ate gising na ikaw dyan ate paano na kami kapag wala ka? ate gumising kana dyan ate." hinawakan na nang kanyang ama ang lalaking kapatid ni dei dahil nasusuntok na nito ang higaan ng ate nya.
Lahat kami ay halos umiiyak na.Lumapit si dustin kay dei at pati ito ay umiiyak na.
"Ate dei kaya to pa umalit ka tamin kati po may takit ka, di mo na po ba ato babantayan? wala na po ako kalaro, wala na po magbabantay takin kapag wala po ti daddy at ti mommy. ikaw lang po ang gutto ko mag alaga takin ate dei giting kana po dyan ate dei——
biglang pagmulat ng mata ni dei at tila parang hinang hina ito at bakas sa mukha nya ang pagkagulat.
"yey! daddy mommy giting na po sya, giting na po ti ate dei." agad na niyakap ni dustin si dei at pati na ang kanyang mga kapatid.
Si tita melanie ay nasa kabilang room dahil naghestiracal kanina, lahat ay natuwa dahil nagising na ngunit katulad ko ay may nagbabadyang takot dahil sa sinabi ng doktor.
Si tito naman ay umuwi sa bahay nila upang kumuha ng damit, at ilang mga gamit dahil mukhang matatagalan pa ang pag uwi nila.
Si Tita Diane at Tito John naman ay nandito pa din, kasama ko naman sila Ash at Aphro at si Dustin.
Si Helena ay nagpaalam na din dahil marami daw syang gagawin at katulad ko ay ayaw nyang nagkakaganito ang kaibigan.
Nakatingin lang si Dei samin at parang nagtataka sa presensya namin. lumapit ako sakanya.
"Dei? ayos ka na ba? teka lang tatawagin ko si doc." sabi ko pero wala pa din syang nilalabas na salita sa bibig.
Pagkatawag ko sa doktor ay agad nya naman kinausap si dei para sa chemotheraphy nya, ngunit kagaya kanina ay wala pa rin syang nasasabi.
Nagpaalam na din si tito at tita diane para umuwi dahil meron silang kailangan gawin sa business nila at si dustin ay naiwan sa bagong yaya.
Nagising na din si Tita Melanie at pumunta kay dei at iyak pa din ng iyak.
"Anak? ayos ka na ba? may masakit ba sayo? sabihin mo lang kay nanay ah. Nandito lang ako babantayan kita." sabi ni tita at niyakap si dei at sya naman ang pagyakap ni dei sa ina.
At nagsimula na din itong umiyak. Ayoko marinig ang sasabihin nya at minabuti ko nang lumabas at isama si ash at aphro.
"Kuya? magiging okay na po ba si ate? kase nagising na po sya e," ani ng kapatid.
"Oo magiging okay ang ate nyo, gagawa tayo ng paraan para maging masaya sya, okay ba yon?" sabi ko.
"Oo kuya okay na okay, salamat po." sabi ni ash.
itutuloy...

BINABASA MO ANG
Beautiful Paradise
Teen FictionYour realize how things is important until its GONE. Makakaya mo bang mawalan ng taong minamahal? Kaya mo bang magsakripisyo?