SOMEONE POV
ITO na ang huling araw na makikita ang kanilang mga anak.
napagdesisyunan nila na sabay na itong ipalibing upang matupad ng dalawa ang balak na magpakasal.Lahat ay naroon at nagbibigay ng last message.
"He was a good son, kahit na may pagkukulang kami ng mommy nya, di nya kami binigyan ng sakit ng ulo, dahil sabi nya sa amin na he always understand us. Kahit na sobrang busy namin, hindi sya nagrebelde, naging matured ang anak ko, naalala ko pa noong bata sya at nagkaroon ng butas ang puso nya kapag bumibisita kami sa hospital ay lagi syang tulog di namin sya naabutan na gising, he always wrote a letter na nagsasabi na mag ingat kami palagi, na kumain kami sa tamang oras, he's sweet. pero sobrang nagsisisi ako dahil kahit konting oras ay wala kaming bonding sa isa't isa. Busy kami sa pagpapalaki ng business pero hindi sa pagpapalaki sa anak, we give everything to him pero hindi ang oras namin. Son sorry for everything, i'm so sorry alam ko huli na but i want to say sorry and sana maging masaya ka with Desiree." sabi nito at umopo na.
kasunod na magsasalita ay ang nag alaga sakanya si yaya lotty.
"Katulad ng sinabi ng ama nya, Mabait syang anak, ako ang kasama nya at minsan pa'y umiyak sya sakin kala ko ano na ang nangyare kinagat lang pala sya ng ipis sa labi at kitang kita ko ang pamamaga ng labi nya sabi pa nya "Mama la look at this, namamaga yung labi ko, i think kinukulam ako" sabi pa nya pero ang totoo ay kinagat sya ng ipis dahil kumakain sya ng matamis kahit gabi nya, yan tuloy pero alam nyo po ba na sobrang sweet nyang bata bigla bigla nalang syang manlalambing at noong nagkekwento sya tungkol sa babaeng gusto nya ay nako kitang kita mo yung tuwa sa mga mata nya, parang naliligo ng pabango sa sobrang bango pero namimiss kona si Paulo, namimiss kona ang kakulitan nya—-
di na kinaya ni yaya lotty kaya't umopo na sya.
nagsabi na din ang lahat at kay dei na ang ama nya ang nagsimula at sumunod ang ina.
"Si desiree? sobrang bait na bata nyan, nag aaral sya habang nagtatrabaho, alam nyo ba na pinagawa nya kami ng bahay dahil sa pagsisikap nya, sobrang lakas ng loob nya never syang naging mahina, una palang ay nababahala na kami sa nangyayare sakanya pero ayaw na namin sya pilitin pero nung nakita kona sobrang pale na sya, pumayat at bumagsak ang katawan alam ko na may mali, pinapatatag ang loob nya at sabi pa nya ay sobrang swerte nya at naging magulang nya kami. pero mas swerte kami dahil naging anak namin sya, kahit na di nya sabihin samin na nahihirapan sya dahil pinagsasabay nya ang pag aaral at pagtatrabaho, hangang hanga kami sakanya. and now masaya na ako at gusto kong sabihin sa inyo na bago sya mawalan ng hininga gusto nyang magpakasal sa lalaking gusto nya, gusto ko yon matupad." umiyak nanaman siya.
Sumang ayon na din ang magulang ni Paulo, at sinabi na din nila sa pari yung tungkol doon.
Bago sila ibinaba sa huling hantungan ay nagpakasal sila kahit di na sila sumagot.
pinagamit ng ama ni paulo ang apelyido nila kay desiree."Sa kapangyarihan na ginawad ng panginoon sakin, Si Coreen Desiree Rivas at Paulo Gilbert Monteverde ay kasal na."
agad na nagyakapan at binababa na ang kanilang mga kabaong kasabay ng pag aalag ng mga bulaklak sa kanilang kabaong.
hanggang sa mailibing na sila at masaya ang pamilya nila na kahit sa konting panahon ay alam nilang napasaya nila ang kanilang mga anak.
Coreen Desiree Rivas-Monteverde
06/20/1995- 04/19/2014
Rest in Peace.Paulo Gilbert Monteverde
10/18/1993-04/19/2014
Rest in Peace.Sa buhay natin di natin alam kung anong kahahantungan ng buhay ngunit kung nakahanda kana ay hindi na magiging mahirap.
Mahalin mo yung taong nandyan pa bago ito mawala at di muna mayayakap pa.kailangan mong maging malakas sa panahon na nakakaramdam ka ng lungkot.
Kailangan pahalagahan ang bawat sandali, at kailangan ay mahalin ang bawat oras na mayroon para hindi na tayo magsisi sa huli.
itutuloy....
BINABASA MO ANG
Beautiful Paradise
Teen FictionYour realize how things is important until its GONE. Makakaya mo bang mawalan ng taong minamahal? Kaya mo bang magsakripisyo?