CHAPTER 15
"Ano na Ang gagawin natin?" Tanong ni Prince Rosh habang ako ay tulala lang mula nung bumaba kami ni Prince Braxten. Nag alala na ako at maraming what if na bumabagabag sa akin.
What if, sinasaktan sila ngayon? What if, pinapahirapan sila? At marami pang what if!
Nanginginig ang kamay ko kanina pa pero hindi iyon binitawan ni Braxten dahil kanina pa ito mahigpit ang hawak niya dito.
"Then do it!" Hindi ko na masundan ang sinasabi nila dahil nakatulala lang ako sa kawalan at walang pakealam sa paligid dahil ang tanging umiikot ang utak ko ang mga posibleng senaryo na nabubuo sa aking utak.
Yung sinasampal si Mama o kaya tinatadyakan si Papa. Ewan ko kahit ano na lang ang nabubuong senaryong nasa isip ko. Kinakabahan na ako sa nangyayare.
Ano bang kasalan kina Mama at Papa? Bakit sila kinuha ng mga estrangherong tao? Ano bang atraso nila?
Napakagat labi ako ng maramdaman kong nilalaro ni Braxten ang daliri ko sa ilalim ng lamesa. Napatingin naman ako sa kanya pero seryoso itong nakatingin sa mga ibang prinsipe.
"Kung gagawin natin iyon.. Ibig sabihin magiging bait natin si Princess Ashy?" Nabalik ako sa aking ulirat ng marinig ko ang aking pangalan. Bakit?
Taka ko silang tiningnan pero si Braxten ay mas lalong hinigpitan ang pagkakawahak sa aking kamay at nilalaro parin ito.
"No!" Matigas na sagot ni Braxten. Nagtaka naman ang lahat sa kanya.
"Why? Yun nalang ang paraan--" nagulat kami ng bigla niyang itinapon ang isang basong babasagin na nasa harapan niya. Ibinalibag niya iyon sa gilid niya na walang tao. Hindi parin niya tinatanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Madilim ang mukha nito pero mas nakakadagdag iyon sa kagwapuhan niya.
"Prince Braxten, iyon nalang ang paraan para mailigtas sina King--"
"At saka mapapahamak ang asawa ko dahil buntis!" Madiin nitong sabi habang nagtatagis bagang. Napalunok nalang ako sa reaksyon niya. Bumuntong hininga ito at ibinalik sa paglalaro sa aking daliri.
Bipolar pala itong taong ito pero walang reaksyon ang mukha habang nilalaro niya ang kamay ko. Tumahimik ang lahat ng nandito nga ilang minuto ng basagin ko iyon.
"S-sige tutulong ako.." napatingin naman silang lahat sa akin.
"Ashy.." tawag sa akin ni Braxten. Nilingon ko siya at nginitian. Ipinatong ko ang aking isang kamay sa kamay naming magkahawak.
"Kapag kaligtasan nina Mama at Papa, tutulong ako.." Sabi ko dito. Napangisi naman silang lahat habang si Braxten ay hinigpitan ang hawak sa dalawa kong kamay. Napalingon naman ako sa kanya.
"Wag kang mag alala. Mag iingat ako" nagbuntong hininga ito saka pumayag kahit labag ito sa kalooban niya.
"Ok! The plan A are now start!"
~*~*~*
"Are you ready Princess Ashy?" Tanong ni Prince Rosh. Kahit hindi ko pa siya nakakausap ay alam kong mabuting tao ito. Napasulyap ako kay Braxten na nakatitig lang sa akin ng seryoso.
Napakagat labi ako at tumango.
"Wear this, ilagay mo ito sa pantali mo sa buhok. Pindutin mo lang ito kapag may maling nangyayare.." Tumango ulit ako at tinanggap iyon. Hindi parin ako makapaniwala na mga eksperto pala silang lahat dito. Mga kaibigan ito ni Braxten, ang iba ay pinsan niya.
BINABASA MO ANG
His Runaway Princess
RomanceAshylinelle is a princess who hides her identity throughout Lashek because of the danger waiting for her. She wanted to go outside but her father didn't let her. But one day, she's surprised when she's engaged to someone that she never saw in her wh...