Chapter 23

846 12 0
                                    

CHAPTER 23




"Ahhhhhhhhhhh!!!"

"Sige pa po ire pa!" Sabi ng komadrona.


"Ahhhhhhhhhhhh!"

Pawis na pawis na ako dahil sa sakit. Labor ko na ngayon at ngayon narin paglabas nI baby sa aking sinapupunan.


Matapos ang ilang oras ay Sa wakas at narinig ko na ang iyak ng aking anak. Nanghihina kong iminulat ang aking mata at nakita ko ang aking anak an binabalot ng isang tela para hindi ito malamigan.

Nilinis na ng mga Maids ang kwarto at ako dahil sa panganganak ko. Nakangiti kong tinitingnan ang anak kong mahimbing na natutulog. Kamukhang kamukha siya ni Braxten.

May narinig akong mga yapak, kaya napalingon ako doon sa may pumasok at ganun nalang ang ngiti ko ng makita ko si Braxten na natigilan at may nalaglag ng isang butil na luha sa kanyang mata.


Nagmamadaling tumungo sa amin si Braxten. Nang makalapit siya ay lumuhod ito Sa sahig para makapantay niya ang anak naming mahimbing natutulog. Napasinghot siya at ngumingiti. Kita ko sa mukha niya ang saya ng makita niya ang aming anak.




~*~*~*


Dahan dahan kong iminulat ang aking mata at Ang unang bumungad sa akin ay isang bulto ng lalaki habang buhat buhat niya ang aming anak. Nanubig ang aking mata sa aking nakita, parang may humaplos sa aking puso sa nakikita ko.



Napalingon sa akin si Braxten at ngumiti sa akin. Bakas parin ang saya niya habang karga niya ang baby.


Umupo ito sa gilid ng kama kaya dahan dahan akong umupo. Tinulungan naman niya ako gamit ang isang kamay na isandal ako sa headboard.

Tumabi ito sa akin at isinandal rin ang likod nito habang hawak hawak niya ang anak namin. Nakita namin itong gumalaw at aakmang iiyak ay tinahan ito ni Braxten.


Malusog ang aking anak, maputi ang balat at kamukhang kamukha ni Braxten, mula sa ilong at mata pati nga sukat ng mukha ay nakuha nito. Nakuha naman nito sa akin ay ang kilay at labi. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang anak namin na natutulog ng mahimbing.


"Ano ang ipangangalan natin sa kanya?" Napatingin naman ako kay Braxten na nakatingin sa anak namin.


"Hindi mo pa ba binibigyan ng pangalan?" Umiling lang ito bilang sagot.


"Ikaw ang nanghirap na ilabas siya kaya Ikaw na ang magdedesisyon kung ano ang pangalan niya.." napaisip naman ako kung ano ang pangalan niya...



"Ehh kung Jack Ekon?" Napaisip naman siya naisip kong pangalan.


"Because Jack means The Shining, while Ekon means Strong....." napatango tango naman siya sa paliwanag ko.



"Ok, Jack Ekon, our baby boy.." napangiti ako habang tinitingnan silang mag ama. Ang saya saya ko ngayon dahil sa wakas ay nakita na namin sa personal si Baby dahil palagi namin siya nakikita sa ultrasound..




~*~*~*


Nandito ako sa garden habang pinapaarawan si Baby. One week na siya mula nung lumabas siya sa aking sinapupunan. Ibinalita narin kina Mama Ang nangyare Kaya ayun, sobrang saya nila kung pumunta sila dito Nang makita nila ang apo nila.


His Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon