CHAPTER 48
Nakatulala akong nakatingin sa kawalan. Parang hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila! Parang isang.. Panaginip lang ito..
"Napatay po siya ni Lea si Prinsipe Braxten.."
Napapahikbi ako sa mga paulit ulit na sinasabi ni Mang Ernes. Parang ayaw kong maniwala dahil alam kong hindi ako iiwan ni Braxten! Alam ko iyon!
Sabi pa nga niya susunod pa siya!
Ang unfair mo naman Braxten! Mahal na Mahal niya at Mahal na mahal mo ako! Pero bakit mo ako iniwan?
May plano pa tayo diba? Diba ito ang gusto natin? Nakumpleto na tayong pamilya! At nakamit na ang pinakahihintay mo ang mawala na sa kaharian ang mga kampo ng mga demonyo!
Pero Bakit agad ka nalang nang iwan? Alam mo bang napakasakit nun? Alam mo bang kung ano ang gusto kong gawin? Gusto ko ng mamatay pero naiisip ko si Jack!
Paano na si Jack? Paano na kami? Ano? Iiwan mo lang kami ng ganiti basta basta? Napaka unfair mo naman!
Susunod ka pa! Alam ko yun! Pero ayoko ng maniwala pang babalik ka na kasi alam kong... Hindi na..
Masakit sa katotohanan pero wala akong magawa kundi umiyak, humikbi at tanggapin ang lahat ng sakit na dinala ng pagkamatay mo Braxten!
Iniwan mo kami ngayung kumpleto na tayo! Aalis ka na walang pasabi? Saan na ang pangako mo? Ano na ito? Iiwan mo nalang kaming ganito?
Ayokong mawala ka pero tangna! Ang sakit! Ang sakit sakit! Na paulit ulit nag eecho ang sinasabi ni Mang Ernes!
Humihina ang hikbi ko habang nakasandal sa isang puno. Katabi ko si Jack na ngayon ay mahigpit ang yakap at natutulog ulit. Ganun din ang mga taong kasama namin at ako lang ang natitirang gising dito..
Walang tigil ang pag iyak ko mula kanina dahil hindi ko parin matanggap ang pagkawala ni Braxten!
Ang Lea'ng yun!!
Biglang lumukob ang galit sa aking sistema ng naisip ko si Lea. Ito ba ang gusto niya?! Ito ba?! Pota!!
Napakuyom ng mahigpit ang aking kamay dahil sa matinding galit. Galit dahil pinatay ni Lea si Braxten! Akala niya mamahalin siya ni Braxten?! Ano bang nakukuha niya kapag nakuha niya si Braxten?! Katawan niya?!
Sorry nalang siya dahil hinding hindi niya makukuha ang utak at puso ni Braxten dahil sa akin iyon nakalaan! Ako lang ang mahal ni Braxten at wala ng iba!!
Sisiguraduhin kong mamamatay siya!! Gusto ko siyang durugin sa sarili kong kamay! Nanggigigil ako sa kanya!!!
Huminga ako ng malalim at pinunasan ang aking pisngi dahil may luhang bumagsak doon. Inalis ko ang kamay ni Jack sa akin at tumayo.
Lalakad sana ako para kumuha ng kahoy panggatong para bukas sa pagluluto ng may narinig akong kaluskos sa paligid.
Naging alerto ako at nilapitan si Jack Pero bago nun ay may umatake na sa akin.
Napalayo ako pag atake nun at Si Lea iyon!
Biglang lumukob sa akin ang matinding galit ng makita ko siya. Para siyang baliw na nakangiti sa akin habang hawak hawak niya ang isang kutsilyo.
BINABASA MO ANG
His Runaway Princess
RomanceAshylinelle is a princess who hides her identity throughout Lashek because of the danger waiting for her. She wanted to go outside but her father didn't let her. But one day, she's surprised when she's engaged to someone that she never saw in her wh...