Chapter 21

852 14 0
                                    

CHAPTER 21





Naglalakad lakad ako sa garden habang kasama ko si Lea. Sinusundan niya ako at inaalalayan. Isang araw na siya dito at masasabi kong maalaga siya.


"Mahal ma Prinsesa, gusto niyo po ba ng tubig?" Mahinhin nitong tanong, tumango ako dahil nakaramdam ako ng uhaw. Binigyan naman niya ako ng tubig saka ininom ko iyon.


Patuloy lang kami sa paglalakad dahil malapit narin ang labor ko habang siya ay tinatanong ako kung gusto ko daw ba ng tubig. Natutuwa ako sa kanya dahil masyado siyang maalaga at maasikaso, mali ang pagkakahinala sa kanya. Ika nga 'Don't judge the book by it's cover..'



Pero kalahati sa akin ay nakakaramdam ako ng kakaiba sa babaeng ito pero isinantabi ko muna iyon dahil nga.... Basta!

Maalaga siya at maasikaso.


"Mahal na prinsesa, kain na po kayo at alas siyete na po." Ngumiti ako sa kanya at tumango. Sinundan siya.


Wala ngayon si Braxten dahil may mahalagang gagawin siya sa ibang kaharian at malapit narin sa kanya ipasa ang trono dahil tumatanda na ang hari.


Tahimik akong kumakain Nang may narinig akong yapak ng kung sino. Napatingin ako doon at iyon nalang ang paglaki ng ngiti ko kung sino.


Si Braxten na nakangising pumunta sa aking direksyon at hinalikan.


"Ano ng nangyare? Mukhang maaga kang umuwi ha? Kaninang alas singko ka pa umalis diba?" Takang tanong ko pero bumuntong hininga ito at umupo sa tabi ko.


Lumabas si Lea at binigyan ng plato, kutsara at tinidor si Braxten. Mahinhin ang bawat galaw nito kaya hindi mo talaga masisi na Hindi mo paghinalaan. Sa mukha niya palang ay parang inosente, ewan ko lang sa utak ko kung ano ang sinasabi!


Nagkuwento si Braxten tungkol kanina, napapatango ako sa mga suggestion niya at mukhang maganda naman iyon. Pero daw ang problema daw ay ayaw ibigay ng mga taga Dekalfan ang lupa kaya pinagdisisyunang wag nalang daw ang lupang iyon at wag daw ipilit sabi ni Braxten. Napangiti ako sa desisiyon niyang iyon, napaka understanding!


Yung akala mong wala lang pakealam sa paligid yun pala ay may tinatagong malambot na puso.

Nahagip ko ng aking mata si Lea na ngayon ay nakatingin kay Braxten. Nung nakita niya akong Nakatingin sa kanya ay umiwas siya at pinagpatuloy ang pagpuputol ng mga masasamang damo. Napakunot naman ang noo ko doon.

"May problema ba?" Napalingon naman ako kay Braxten na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa akin. Bumuntong hininga lang ako at umiling.

Napatingin din si Braxten sa malawak na garden kung saan si Lea na nagpuputol ng mga damo. Kitang kita kasi dito sa dinning hall ang garden dahil malawak iyon.


Kita ko mula sa gilid ng mata ko ang pagbuntong hininga niya at hinawakan ang isang kamay kong may hawak na tinidor.

"I love you..." napalingon naman ako sa kanya at ngumiti. Ginagawa talaga nito ang lahat para palambutin ang puso ko.


"I love you too Braxten.." ngumiti siya at ibinalik ang atensyon sa pagkain habang ako ay napatingin sa gawi ni Lea na nakatingin ulit kay Braxten, Nang makita niya ulit na nakatingin ako ay agad siyang bumalik sa pagdadamo.


Napabuntong hininga ako at nagsimula naring kumain kahit pasimple akong sumusulyap kay Lea na nag iiwas ng tingin kapag nahuhuli ko siyang nakatingin kay Braxten...


His Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon