CHAPTER 31
Prince Braxten Niko Andrada
"Bro, hindi ko parin makita ang mag ina mo.." napabagsak ang balikat ko sa sinabi ni Rosh. Nandito kami sa Kagubatan at dito nagpasyang mag usap dahil mahirap na at marinig ako ng mga tao doon.
Limang taon ko na silang pinapahanap ng patago. Nung nakuha na ng mga hindi kilalang armadong lalaki ang palasyo ay naghari na sila. Maraming tao ang naghirap dahil sa kasikiman nila.
Galit, poot ang nararamdaman ko. Nung habang nasa selda pa noon ang asawa ko kasama ang mga kawal at mga maids ay ikinulong ako ni Lea sa kwarto. Wala akong magawa dahil hawak nila ang ulo ng asawa ko at ng... Anak ko..
Nakita ko noon na sumusunod na si Mara doon pero laking gulat ko ng kausapin niya ako at gumawa ng plano..
"Mahal na prinsipe.." walang emosyon ko siyang tiningnan. Hindi ko akalain na traydor rin pala siya!
Nagulat ako ng lumuhod siya sa akin habang nakaupo ako sa isang upuan. Nakayuko ito at naririnig ko ang munting hikbi.
"Mahal na Prinsipe, mali po Ang iniisip niyo. Hindi po ako traydor. Si Lea lang po.. Napapansin ko lang po palagi si Princess Ashy na parang nanghihinala siya kay Lea, ng ibinigay niya sa akin si Baby Jack ay nagulat nalang ako ng may humablot sa akin at muntikan ko na pong mabitawan si Baby Jack.." nagtatakang nakatingin ako sa kanya. Why she telling me this?
"Mahal na Prinsipe. Sana po ay sumang ayon po kayo sa aking plano. Ang plano ko po ay papatakasin ko si Princess Ashy.." Parang nabuhayan ako sa sinabi niya pero paano?
"H-how?" Desperadong tanong ko
"Gagawa po ako ng paraan. Naitakas ko na po si Baby Jack at nasa mabuting kamay siya. Si Princess Ashy nalang po ang kulang.." napangiti ako sa sinabi niya.
"How could you do that?" Takang tanong ko.
"Kasi po, Marami na po kayong natulungan. Nang dahil po sa inyo, hindi ko po matutulungan ang mga magulang ko.. Marami na po kayong nagawang mabuti sa amin kahit nasa itsura niyo po ang pagkasuplado.." napatawa ako ng mahina sa sinabi niya. Bata pa si Mara at nagtatrabaho na kaya bilib ako dito sa batang ito. Matalino na nga masipag pa!
Ginulo ko ang buhok niya, "Maraming salamat Mara at tinutulungan niyo kami.." ngumiti si Mara at biglang tumayo ng makitang bumukas ang pintuan at ang niluwa nun ay si Lea na parang masaya ng makita ako. Nabalik sa walang emosyon ang mukha ko nang lumapit siya.
Umalis na si Mara at pasimpleng sumulyap siya at tumango. Hindi na ako tumango dahil titig na titig sa akin si Lea.
Parang ahas na ipinalupot ang kanyang braso sa aking leeg at aakmang hahalikan ay umiwas ako.
Hindi ko kayang ipagpalit ang ang labi ng asawa ko!
Pilit niya parin akong hinahalikan. Dahil sa napupuno na ako ay tinulak ko siya na siyang dahilan ng pagkahiga niya sa kama..
Napabuntong hininga ako at napailing. I don't know what to do! I've been crazy with almost a five years to find them!
BINABASA MO ANG
His Runaway Princess
RomanceAshylinelle is a princess who hides her identity throughout Lashek because of the danger waiting for her. She wanted to go outside but her father didn't let her. But one day, she's surprised when she's engaged to someone that she never saw in her wh...