Chapter 42

787 8 0
                                    

CHAPTER 42


Naglalakad lakad ako dito sa maliit na garden. Habang paikot ikot doon ay napapaisip ako..

Paano nila akong nahanap? Ano bang nangyayare na naman? Nasaan na ba si Braxten? Anong nangyayare sa kanya doon?


Sinabunutan ko ang aking sarili dahil sa frustration. Ilang araw nang wala dito si Braxten! Wag niyang sabihin na naakit na siya ng Malanding Lea nayun?! Pota! Makakatikim talaga sa akin yun ng latigo!


Lalatiguhin ko ang kaibigan niya!



Salubong ang kilay ko habang paikot ikot sa graden at kinakagat ang kuko ko. Nakuu! Kapag nalaman kong may nangyare na sa kanila! Bibigyan ko siya ng parusa!


Potaa! Napaparanoid na ako dito! Dahil ilang araw na ang nakakalipas at wala pa si Braxten, pati rin sina Kuya Makilang..



Speaking of Kuya Makilang, ano ng nangyare sa kanila? Ok ba sila doon? Hindi ba sila nahuli? Gusto ko na sila makita dahil nag aalala na ako dito. Ayaw kong mapahamak sila dahil sa akin... Dahil isa akong prinsesa..



Parang nanghihina ang binti ko sa kakalakad dahil may mga senaryong nabubuo sa aking isipan na posibleng mangyare sa kanila...





May napapahamak na akong ibang tao dahil sa kagustuhan nilang mailigtas ako. Nakokonsesya ako at naguiguilty dahil ni isa ay wala man lang akong nagawa para protektahan din sila.



May nagbuwis ng buhay para manatiling ligtas ako... At doon ay hindi pa ako nagpapasalamat sa ginagawa nilang iyon..



Kahit anong sabihin kong, ginawa lang nila iyan para sa kaligtasan mo pero naguiguilty ako dahil ako parin ang dahilan ng pagkamatay nila..




At Isa pa, nang mawala sa trono sina Mama at Papa, Daddy at Mommy ay naging miserable ang buhay ng mga nandito sa Lashek dahil sa pinamumunuan ng isang gaham sa kayamanan ng bansa...


Wala na akong magawa kundi umasa sa ibang tao dahil sa kaligtasan ko.. Prinsesa ako at dapat ay ako ang nagpoprotekta dahil ito ang titulo ko... Ito ang totoong prinsesa...




Nakikipaglaban... Malakas ang loob para harapin ang mga problema sa bansa... Hindi iyong naghahanap ako nang ikapapahamak ng mga mamamayan na nandito..




Pero hindi naman ako ganun katapang.. Ikinulong ako nang buong taon sa isang Kwarto at hindi ko alam ang mga pasikot sikot dito kahit sabihin na nating nakalabas na ako--nakatakas na ako sa palasyo... Sa isang taong iyon ay hindi sapat para malaman ko ang mga galaw ng mga nandito... Sadyang nahihirapan ako sa mga situwasyong wala akong alam kundi.... Pagtaguan lang nila ako ng problema.. Tinatago nila sa akin ang totoong mangyare..




I feel like I'm nonsense..



At hindi ko alam kung paano ko ito maaayos. Susunod na akong Reyna sa Lashek dahil asawa ko si Braxten pero wala akong magawa... Prinsesa palang ako pero wala na akong magawa kundi matakot at... Umasa sa ibang tao para sa kaligtasan ko...




Pero malaking palaisipan sa akin.... Paano?




Paano ko sila magliligtas? Paano ang unang hakbang na gagawin ko?....




Wala akong alam kung paano sisismulan ang hakbang... Magaling ako sa pagplano pero sa mga ganito? Mga buhay na ng mamamayan ang nakasalalay dito... Dapat may magawa man lang ako Kahit isa... Hindi yung magkukulong lang ako Sa loob ng kwarto dahil iyon ang utos ng Papa ko pati ang asawa ko..



His Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon