CHAPTER 36
Tanghali na at makulimlim na ang labas. Ayon sa balita ay may malakas na ulan ang darating kaya umuwi na si Prince Braxten sa palasyo, baka daw mahalataan siyang may tinatago.
Huminga ako ng malalim habang pinapanood ang mga butil ng ulan na nalalaglag sa kalupaan habang ako ay nakatanga lang at parang malungkot na naman ang mood ko dahil wala dito si Prince Braxten..
Ilang oras lang ang nakalipas ay umalis na siya at ramdam ko na naman ang lungkot sa pag alis niya... Para bang nangungulila ako agad..
Parang nawalay ulit kami ng limang taon..
"Huy, prinsesa.." napalingon naman ako kay Kuya Bayani na nakanguso sa akin. Napakunot naman ang noo ko sa inasta niya.. Bakit?
"Why?" Takang tanong ko dito. Gusto kong matawa sa reaksyon niya sa akin dahil nakanguso siya at nasa taas ang tingin niya...
"Papangit ka daw kapag ganyan ka sa reaksyon mo.." napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ang weird niya talaga.
"Sino may sabi?" Tanong ko ulit. Nahuli ko ang muntikan siyang matawa dahil sa akin.
"Sabi ni 'Ehem, excuse me po!" Napatawa kaming dalawa sa panggagaya niya sa isang Tv Reporter. Grabe.. Kaboses niya.
"Hoy! Hoy! Hindi kayo nangsasali ha!" Napatingin naman kami kina Kuya Bagwis na lalapit sa aming direksyon.
Gusto kong matawa sa mga reaksyon nila dahil mukhang stress sila sa nangyayare.
"Stress kayo?" Tanong ko dito. Nakasimangot sila habang tumatango.
"Magpahinga na kayo Kuya.." paalala ko sa kanila pero umiling lang sila kaya nagtaka ako..
"Bakit?" Tanong ko dito pero umiling lang ulit sila..
"Baka... Mahanap ka nila kaya humihigpit ang siguridad namin sayo" napabuntong hininga ako sa sagot nila.
"Hindi ba ibig sabihin nun ay bawal na kayong magpahinga? Tao rin kayo kaya pwede rin kayo magpahinga--"
"Ehh pano ang mga kalaban niyo? Kapag natanto ka na nandito ka.." nag aalalang sabi ni Kuya Makilang
"Kuya, wag kayong mag alala.. Hindi naman ako lalabas dahil iyon ang utos ni Prince Braxten.. At saka--hayysstt! Ganito nalang..." napakamot ako ng batok habang nag iisip kung paano sila magpapahinga.. "Sige ganito.. Ikaw Kuya Makilang at Kuya Bagwis ang magbabantay sa umaga.. Umpisa nito ay nasa... Alas singko ng umaga.. Kayo naman Kuya Bayani at Kuya Alon ay sa Gabi mga... Alas singko rin ng hapon.. Okay na ba iyon?" Nagkatinginan naman sila at nagsiangyunan.
"Basta, sa ngayon ay magpahinga na kayo. Kuya Bayani at Kuya Alon.. Mamaya na kayo kaya magpahinga muna kayo... Kaya ko ang sarili ko hinding hindi nila ako mahahanap promise!" Saad ko habang nakataas ang kanan kong kamay na para bang nanunumpa..
Pumayag naman sila kaya pumunta na sila sa knaya kanyang kwarto nila at saka natulog na..
Tanging malakas na hangin at ulan ang naririnig ko mula sa labas habang ako ay nakatunganga ulit sa bintana na nakasarado dahil baka mapasukan kami dito ng ulan..
Habang pinapanood ko ang ulan na bumabagsak sa kalupaan ay may nahagip akong isang bulto ng tao na katabi lang nun ay puno. Nakasandal siya doon at mukhang sa aking direksyon siya Nakatingin.
Nagsitaasan ang balahibo ko na kahit nasa malayo siya ay nararamdaman kong seryoso ang kanyang paraan sa pagkatitig sa aking direksyon.
Nararamdaman ko ang panghihina ng aking tuhod at hindi mawala ang tingin mo dito. Mukhang nahipnotismo ako sa pagkatitig niya, nagsimula ng tumambol ang aking puso hindib dahil sa tuwa dahil sa..... Kaba.
Dahil sa kabang nararamdaman ko ay ayaw kong sinarado ang kurtina na nagsisilbing pangalawang pagsarado sa bintana para hindi makita Ang nasa loob nito.
Sinapo ko ang aking dibdib na parang kinakapos ako sa hangin. Taas, baba ang aking dibdib dahil sa kaba. Nararandaman ko ring nanghihina narin ako... At parang sa bawat oras ay.... Matutumba ako.
Tumakbo ako patungong kusina para kumuha ng tubig. Nilagok ko iyon para kumalma ako, kinakabahan ako sa taong iyon. Nakabalot lahat ng katawan niya at hindi ko talaga malalaman kung babae ba siya o lalaki...
Dahil naka coat siya ng kulay itim at hindi ko makita ang mukha niya... Basta nararamdaman ko lang ang... Seryosong pero matalim na titig niya sa akin...
Sino ba siya?
Para mas lalong kumalma ako ay binuksan ko ang radyo para umingay naman ang bahay..
"Kung babasehan mo lang ang ulan sa problema ng isang tao... Parang mabigat isipin kung paano mo iyon masusulusyunan dahil ang ulan ay yan ang luha ng mga tao.. Na patuloy na bumabagsak..."
Napakagat labi ako sa sinabi ng isang DJ sa radyo.. Kung babasehan ko ang ulan sa problema ko... Kailan ito matatapos?
Paano ko ito mapipigilan? Kung gayong ang mga tao ang gumagawa ng paraan para magkaroon ka ulit ng panibagong problema?
"... Kung sakaling ulan ang iyak natin... Paano natin ito mapipigilan?.."
Nabalik ako sa ulirat ng sabihin ng DJ ang huling binanggit niya. Napaisip naman ako, tama nga naman ang DJ, kung luha narin ang ulan.. Paano nga mapipigilan?
Kung makikita mo lang ang nakakasakit sa mata at puso ay wala sa oras na babagsak ang luha... Kaya paano?
".. Wala tayong magagawa at ang problema ay nasa paligid lang natin.. Basta-bastang lumalabas kung saan na tayo masaya... Hindi man natin alam kung paano ito matatapos... Basta nasa tabi lang natin ang makapangyarihang nilalang na nasa taas.."
Ewan ko pero biglang tumulo ang luha ko. Magkahalong pangungulila, galit at lungkot ang nararamdaman ko sa ngayon..
Hindi ko na pala namalayang bigla ko na palang binitawan ang basong iniinuman ko para mabalik ulit ako sa ulirat..
Napakagat labi ako habang pinagmamasdan ang basag na baso na nasa sahig... Parang nakaramdam ako ng kaba na hindi ko mawari.. Parang may nanagyayareng masama pero hindi ko alam kung ano...
Sinapo ko ang aking dibdib at nakaramdam ulit ako ng kaba. Naisip ko ulit ang isang bulto ng tao na nakasandal sa puno, gusto kong makilala siya kaya dali-dali kong tumakbo patungong bintana kung saan ko siya nakita..
Binuklat ko ang kurtina pero laking gulat ko na wala na yung taong iyon pero may isang sulat na nakapatong sa bintana.
Naka plastic cover ito kaya hindi nababasa ng ulan. Dahan dahan ko itong kinuha at kinakabahang tiningnan iyon...
Sa kalahating nararamdaman ko ay gusto ko na itong buksan Pero sa kabila naman ay nagsasabing huwag ko itong buksan...
Dahil sa curiosity ko ay dahang dahan ko itong binuksan habang nanginginig ang magkabilang kamay ko at kinakabahan..
Parang huminto ang takbo ng oras na mabasa ko iyon at napaupo nalang Sa sahig habang parang isang gripong patuloy na bumubuhos sa aking mata..
Para akong nabuhayan kaya ko ulit itong binasa..
'Nasa sa akin ang inyong anak.. Nasa mabuting kalagayan siya..
-Mara...'
======================
To be continue...
BINABASA MO ANG
His Runaway Princess
RomanceAshylinelle is a princess who hides her identity throughout Lashek because of the danger waiting for her. She wanted to go outside but her father didn't let her. But one day, she's surprised when she's engaged to someone that she never saw in her wh...