Chapter 25

875 13 1
                                    

CHAPTER 25



"TUMATAKAS ANG MGA BIHAG!" Nagsimula ng magtambol ang aking puso dahil sa kaba dahil may narinig kami sa di kalayuan ng sigaw. Nagsipihitan sila sa akin kaya tumakbo na kaming lahat.

Hindi ko na alam kung nasaan na ang iba dahil nagkahiwahiwalay na kami. Ngayon ay kasama ko si Mara habang hawak hawak naman ako ni Ron, isa sa mga kawal.

May narinig akong mga putukan pero hindi kami nagpatinag doon at mas lalong tumakbo.

Malapit na kami sa lagusan kung saan kami tatakas ng biglang huminto ang mga ibang kawal na sumunod sa amin kaya napahinto narin ako.

"Halina kayo! Maabutan tayo!" Umiling lang ang mga kawal sa akin kaya nagtataka ako.

"Mauna na po kayo Mahal na prinsesa at kami po ang bahala para hindi po kayo maabutan ng mga kalaban. Ron, bilisan niyo! At maabutan kayo!" Kahit naguguluhan ako ay bigla nalang kami tumakbo. Hawak hawak ang pulsuhan ko ni Ron, napapatingin ako sa mga kawal na nagpaiwan para lamang sa kaligtasan ko.


"PARA SA KALIGTASAN NG PRINSESA!" Agad nilang sigaw. Napaluha ako sa sinugaw nila. Ni hindi man lang ako nagpasalamat dahil kahit mapanganib na ay gagawin parin nila ang lahat para maging ligtas ako kahit buhay na ang kapalit nila.

"Malapit na po tayo Mahal na Prinsesa" sabi ni Mara habang tumatakbo. Ibinalik ko ang aking tingin sa aming dinadaanan. Kung gagawin nila ang lahat para maligtas ako pwes hindi ko sasayangin ang lahat nang pinaghirapan nila...



~*~*~*



Hinihingal kaming napaupo sa isang kahuyan. Nasa kagubatan kami at malayo na ito sa palasyo. Naalala ko ang nga nagpaiwan doon, nalulungkot ako dahil wala sila ngayon dito.


Gusto kong magpasalamat pero huli na ang lahat. Wala eh! Nasa bingit na kami ng kamatayan! Kaya wala na kaming choice kundi iwan sila doon para hindi kami masundan. Bakit ba kasi nangyayare ito? Pwede namang tahimik nalang!

Napahikbi ako ng naalala ko na naman Ang nangyare kanina. Kamusta na ba si Braxten? Sina Mommy? So Baby Jack?.

Ayoko ng ganito! Gusto ko ng simple lang ang buhay at walang away o gulo! Gusto ko tahimik na buhay!

"Mahal na Prinsesa, wag po kayo mag alala magiging maayos rin po ang lahat." Napatingin ako kay Mara na ngayon ay namumula ang mata na sinisiguro kong umiiyak din siya dahil sa nangyare kanina.

"Patawad po Mahal na prinsesa at hindi po namin nabantayan ng mabuti si Prinsipe Braxten--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Ron na nagsalita ako.


"Walang may gusto ang mangyare, ok? Walang may gusto kaya wag tayong magpatawaran.." napabuntong hininga ako at niyakap ang sirili.

Tahimik ang namayani sa amin, ang tanging maririnig mo lang ay ang mga kuluglig dahil malapit naring mag agaw dilim.

"Mahal na Prinsesa, dito muna po kayo ni Mara at maghahanap po ako ng makakain po natin.." tumango nalang ako bilang sagot dahil wala ako sa mood makipag usap matapos Ang nangyare.


Naiwan kaming dalawa ni Mara dito. Nag iipon siya ng mga kahoy para daw makagawa daw siya ng apoy pangpainit sa kinatatayuan namin.

Habang inaayos ni Mara ang kahiy na naipon niya ay nagulat nalang ako ng may biglang nagpukpok sa sa ulo niya. Napaatras ako ng makita ko si Lea na galit kung tumingin sa akin.


His Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon