CHAPTER 11
*BANG
*BANG
*BANGTatlong putok na baril na umalingawngaw dito sa dining hall. Nanlamig ako habang nanginginig ang aking kamay dahil pa naman ay may dinadala ako ngayon.
"Take my wife... Now!" Napalingon ako kay Prince Braxten na ngayon ay malamig ang reaksyon nito at nakatingin ng diretsyo sa pintuan ng dining Hall. Nagkakagulo na ang lahat pero pinag-utos ng asawa ko na bantayan narin ang mga Royal Maids at iba pa.
"P-paano ka?" Natatakot kong tanong. Nagsimula ng maglaglagan ang mga luha ko dahil narin sa kanya na baka may anong mangyareng masama.
"See you in secret house wife, don't worry.. I will be fine.." saad nito sabay halik sa aking labi. Napakagat labi nalang ako at may biglang humila sa akin, nakita ko ang isang Royal Guard na humihila sa akin. May ibinulong dito si Braxten na siyang dahilan ng pagtango ng babaeng hawak ang pulsuhan ko.
Napatingin sa akin si Braxten at tumango habang ako ay nangingilid na ang luha sa takot at kaba.
"Don't worry magkikita pa tayo mamaya.." saad nito kaya tumango nalang ako sabay nagpaubayang magpahila sa babaeng isa sa mga Royal guards.
"Mahal na Prinsesa, wag po kayong mag-alala at magiging maayos ang lahat.." saad nito habang nagmamadali kaming naglalakad sa secret pathway dito sa kahariaan ni Braxten habang pinapalibutan ako ng pitong lalaking guwardiya habang sa tabi ko ay ang isang babaeng guwardiya.
Pagkalabas namin sa secret pathway ay nakita ko ang mga kulay itim na sasakyan, maraming nakapalibot dito. Tago itong dinadaanan namin kaya hindi rin kami nakita ng mga black in mens na nakapalibot sa palasyo.
Napakunot naman ang noo ko ng may nag bukas ng pintuan sa isang kotse at lumabas doon ang isang lalaking kahawig ni Braxten. Wala rin reaksyon ang mukha nito kahit nasa malayo ako ay kitang kita ko sila.
"Mahal na prinsesa, halina po tayo baka makita po tayo, mahalaga pong mabuhay ang nasa sinapupunan ninyo.." napatingin naman ako sa babaeng guard, Tumango ako at sinundan sila. Napapagawi ang tingin ko doon pero agad ring umiiwas dahil baka matisod ako o baka madapa dahil hindi ako makatingin.
Sino yung lalaking iyon?....
~*~*~*
Nag-aalala na ako kakahintay kay Braxten dito sa secret house na medyo malayo sa kahariaan nila. Hindi pa nga familiar sa akin ang daan na sisiguro kong nasa sikretong daanan din kami dumaan.
Nasagi sa isip ko ang isang lalaki na kahawig ni Braxten. Alam kong iisa lang siyang anak dahil ito ang papalit bilang hari kapag nagretiro na ang Hari ngayon.
Naguguluhan ako kung bakit ganoon nalang ang sitwasyon kanina. Kung pupunta siya doon bakit kailangan pa niyang mang utos na magpaputok ng baril kung gusto naman niyang bumisita?
Ewan ko pero parang may kakaibang balak ang lalaking iyon at ewan ko kung bakit ako kinakabahan ng ganito simula ng mahagip ng mata ko ang kahawig ni Braxten.
Posible kayang... Pinsan niya iyon?
Ehh sino naman siya? Wala akong kilalang kamag-anak ng mga Andrada at tanging pamilya lang talaga ni Braxten dahil nga ipinakilala na ako doon noon dahil ikakasal na kami noon.
Napabuntong hininga nalang ako para maibsan ang kbang nararamdaman. Alas sais na ng gabi at malapit ng maghapunan. At kanina pa ako nakaupo dito sa king size bed. Hindi naman medyo kaliitan ang kwarto, sakto lang Sa dalawang tao, pati rin ang bahay saktong laki lang.
BINABASA MO ANG
His Runaway Princess
Storie d'amoreAshylinelle is a princess who hides her identity throughout Lashek because of the danger waiting for her. She wanted to go outside but her father didn't let her. But one day, she's surprised when she's engaged to someone that she never saw in her wh...