CHAPTER 24
"Nanakawin mo ba lahat iyan?" Walang emosyong tanong sa kanya habang siya ay kinakabahang nakatingin sa akin.
Bigla niyang hinubad ang korona at inilagay iyon sa lalagyan. Kinakabahan ako sa kanya dahil parang may mangyayareng masama.
Nagbuntong hininga ito saka ako hinarap at yumukod. Nagtataka naman ako sa inasta nito.
"Ginawa ko pa kasi iyon dahil.." she trailed. Napatalon ako sa gulat ng makarinig ako ng mga putok ng baril sa baba. Tatakbo sana ako para puntahan si Jack Nang biglang hinila ni Lea ang aking buhok at inuntog ako sa pader.
Napahiyaw ako sa sakit dahil sa ginawa niya. Nanghihina narin ako at bumibigat na ang mga mata ko na parang gusto kong matulog nalang.
Naramdaman kong basa ang ulo ko na nasisiguro kong dugo iyon. Masakit at parang umalog ang utak ko dahil sa paghampas niya sa ulo ko sa pader.
Hinihingal ako habang hawak hawak niya parin ang buhok ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya na para bang matatanggalan ako ng anit.
"B-bakit mo ito ginagawa?!" Matapang kong tanong kahit nanghihina ako. Tumawa lang siya ng malakas sa tanong ko.
"Bakit ko ginawa?" Para siyang nababaliw na Di mo mawari nang tumawa ulit siya. Bigla niyang hinigpitan ang pagkahawak sa buhok ko, hindi ako makapalag dahil nanghihina ako sa paghampas niya sa akin sa pader. Nanginginig ang tuhod ko, sinasabi ko na nga ba! May binabalak siyang masama!
"Dahil, akin lang si Prince Braxten! Pero inagaw mo! Inagaw mo siya!! Ang landi mo!" Nanggigigil niyang sabi habang sinasabunutan ako. Wala akong magawa kundi ngumiwi dahil nanghihina ako at parang mawawalan pa ako ng malay.
Ang unang sumagi sa akin ay si Braxten! At si Baby Jack!
Kumuha ako ng lakas habang sinasabunutan ako ng walang hiyang si Lea. Nang makabawi ako ay siya naman ang tinulak ko ng malakas na siyang dahilan ng paghampas ng ulo niya sa mini table.
Ito na ang tyansa kong makatakas kaya wala na akong sinayang ng oras na tumakbo palabas para hanapin sina Jack.
Pagkapunta ko sa garden ay nanlamig ang buong katawan ko ng makita ko si Braxten na tinutukan ng baril habang siya ay tinutukan ang lalaking may hawak kay Mara na karga si Baby Jack.
Tatakbo sana ako patungo sa kanila ng may biglang pumalupot sa aking leeg at nakita kong si Lea iyon. Nang aakmang manlalaban ako ay biglang nagsalita ang lalaking may hawak kina Baby Jack.
"Subukan mong manlaban at mamatay itong yaya niyo at ang Baby niyo.."
Napahinto ako doon kaya naibalik ni Lea ang braso niya sa leeg ko at tinutukan ng baril. Pilit na nilalapit ako ni Lea patungo doon.
Nang makalapit kami ay magkatabi na kami ni Braxten pero pilit na inihiwalay kami ni Lea kaya Ang nangyare ay katabi niya si Braxten.
Nilingon ko si Braxten na sumulyap sa akin pati kay Baby Jack. Nanginginig na ako sa takot, takot na hindi para sa akin kundi takot para kay Baby Jack at kay Braxten.
"Wow!" Sabi ng lalaking may hawak kina Mara na ngayon ay umiiyak dahil sa takot at mahigpit na kapit niya kay Baby Jack na ngayon ay umiiyak narin. Nanghihina ang tuhod ko habang tinututukan ng lalaki ng baril si Mara at Baby Jack.
Ang anak ko...
"P-pakawalan mo ang anak ko!" Sigaw ko sa kanila habang umiiyak. Kita ko sa gilid ng aking mata ang pagtingin sa akin ni Braxten na ngayon ay natatakot na baka may mangyareng masama kay Baby Jack.
Lalapit sana si Braxten ng mas lalong itinutok sa akin ni Lea ang baril niya sa ulo ko.
"Subukan mong lumapit.... Mamamatay ang asawa mo.." malambing na sabi nito kay Braxten. Parang tumaas ang dugo ko hanggang sa ulo dahil sa galit.
"Pakawalan niyo kami!" Nagmamakaawang Sabi ko pero tumawa lang silang lahat.
"Hon--"
"Wag mo siyang tatawaging Hon, mahal ko" malanding sabi ni Lea, ibinigay niya ako sa isang lalaki at Bigla nitong tinutok ang baril nito sa akim habang si Lea ay parang uod na nilalandi si Braxten. Kita ko sa mata ni Braxten ang galit habang ang mga kasama ni Lea ay nagtatawanan.
~*~*~*
Nakatulala akong Nakatingin sa kawalan. Nandito ako sa isang selda ng palasyo. Nakita ko rin ang mga matatapat na kawal, maids ay nakakulong din. Wala si Braxten dito at si Baby Jack, hindi ko alam kung Anong nangyayare sa labas.
Alas singko na ng hapon at ang mga tagabantay ay bantay sarado kami. Napatingin kaming lahat sa pumasok at nakita kong si Mara iyon.
Nakakunot ang mga noo naming lahat. Traydor rin ba siya?
Nakita ko siyang pasimpleng gumalaw ang kamay niya na para bang may pinapahiwatig siya. Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagtango ng mga kawal at mga maids sabay tingin sa akin. Nagtataka naman ako.
Ngumiti ng matamis si Mara habang binibigay ang isang cart kung nasaan ang mga kape. Binigyan niya ito isa-isa at umalis na.
Pansin kong mga seryoso ang mga kawal at maids sa ginawa ni Mara, diba kanina biktima rin siya? Bakit siya ginawang maid ng mga sindikato?
Nagulat nalang kaming lahat na isa-isang nagsitumbaan ang mga kawal. Nang lahat ay natumba ay bigla nalang bumula ang mga bibig nilang lahat. Napalaki ang mata ko sa nakikita ko. Ibig sabihin...
Napatingin ako kay Mara na ngayon ay nakagwantes na at kinukuha ang susi sa isang tagabantay. Nang makuha na niya iyon ay lumapit siya sa selda ng mga kawal pinakawalan sila pati ang maid.
Sinundan ko siya ng tingin habang papalapit sa akin. Nang makalapit na siya sa akin ay binuksan niya ang kulungan ko kaya nakalabas rin ako.
Nagtataka akong napatingin sa kanya, baka anong mangyare sa kanya!
"Anong ginagawa mo? Alam mo bang mapapahamak ka!" Mahina kong sabi pero ngumiti lang ito ng matamis.
"Mahal naming Prinsesa, dahil sa kabaitang pinakita niyo sa akin ay dapat lang na iligtas po namin kayo. May plano si Prince Braxten para po sa inyo, para mapalayas ang mga masasamang tao. Pero po sa ngayon ay tumakas muna po tayo ayon po sa utos ni Prince Braxten..." napangiti ako doon sa sinabi niya pero unti unti ring nawala ng marealize kong may kulang
"Nasaan si Baby Jack?" Ngumiti lang din siya ng matamis.
"Wag po kayong mag alala at naitakas na po namin siya at nasa mabuting kamay po siya ngayon..." nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.
~*~*~*
Maingat kaming naglakad lahat sa secret pathway na dinadaanan namin noon. Nakita ko mula sa kalayuan ang mga armadong lalaking nakatalikod.
Kinabahan ako. Nasaan kaya sina Mama at Papa? Nasa mabuting kalagayan ba sila? Sina Mommy atat Daddy? Si Braxten?
Nagulat nalang kaming lahat Nang may nagpaputok ng baril sa di kalayuan.....
"NAKATAKAS ANG MGA BIHAG!"
======================
To be continue......
BINABASA MO ANG
His Runaway Princess
RomanceAshylinelle is a princess who hides her identity throughout Lashek because of the danger waiting for her. She wanted to go outside but her father didn't let her. But one day, she's surprised when she's engaged to someone that she never saw in her wh...