CHAPTER 47
*BANG!
*BANG!
*BANG!
*BANG!Napabalikwas kaming dalawa ni Braxten habang si Jack ay umiiyak na at nakayakap sa akin ng mahigpit..
"Mama.." umiiyak niyang tawag sa akin. Kinarga ko siya at niyakap. Napalingon naman ako sa likuran ko at nakita ko si Braxten na ngayon ay seryosong nakatingin sa pintuan namin habang ako ay kinakabahang mahigpit kung yumakap kay Jack na hindi matigil ang pag iyak.
Naririnig ko na ang mga tunog ng putok ng baril pari mga sigawan. Napalingon ako kay Braxten na ngayon ay nilalagyan ng magasin ang baril niya at lumingon sa akin.
"Tumakas na kayo.." seryosong sabi niya. Umiling ako bilang hindi pag sang ayon.
"Paano ka?" Nag alala kong tanong sa kanya. Ngumiti lang siya at hinalikan ako sa aking labi.
"Susunod ako.." saad nito. Napakagat labi ako kahit nagdadalawang isip ako ay tumango ako..
"I love you.." saad ko dito. Ngumiti naman siya at hinalikan ang noo kay Jack na ngayon ay nakasubsob lang ang mukha sa dibdib ko.
"I love you too.. Go no My Ashy.. Promise me.. Mag iingat kayo.." Tumango ako at dahang dahan na bumaba sa dayami kung saan kami nakahiga habang buhat buhat ko si Jack.
Bago ko buksan ang isang pintuan sa likuran ay tiningnan ko siya at nakatingin rin siya sa amin. Ngumiti ako at ngumiti rin siya saka na kami lumabas ng bahay ni Jack.
Sumunod ako sa mga babaeng tumatakbo. Inalalayan naman ako ni Mara at ang isa niyang pinsan na si Alice na walang reaksyon.
Kinakabahan ako habang tumatakbo kami. Kahit lumalayo kami ay naririnig ko pa rin ang mga putok ng baril. Napapasigaw nalang ang lahat habang kami kina Mara ay tahimik habang inalalayanan ako kay Jack na ngayon ay umiiyak lang sa dibdib ko.
Sana maging ligtas si Braxten.. Ayaw kong mawala siya sa akin..
~*~*~*
Nandito kami sa gitna ng gubat. Nakatulala lang ako sa kawalan habang kinakarga ko pa rin si Jack na ngayon ay nakatulog na sa bisig ko. Di ko alintana ang bigat niya kasi lumilipad ang aking isipan..
Nasaan na ba sina Braxten? Sana walang mangyare sa kanya ng masama... Hindi namin makakaya ng anak namin... Magsasama pa kami..
"M-mama.." napalingon ako kay Jack na ngayon ay nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya ng mapait at hinaplos ng isa kong kamay ang noo niya. Nagpipikit pikit na siya, siguro naalimpungatan. Ilang minuto lang ay nakatulog narin siya..
Bumalik na naman ako sa magiging tulala. Nag alala na ako kay Braxten. What if may masamang nangyare sa kanya?
Dahil sa tanong ng isipan ko ay bigla nalang akong kinabahan. Paano kung totoo yun? Wag naman sana! Gusto pa namin siya makasama! Hindi namin kaya... Hindi ko kaya..
Napakagat labi ako habang nakatulala. Alam kong May iilang napapatingin sa akin pero hindi ko iyon pinapansin. Wala akong balak na tumayo dito at tanungin sila... Dahil si Braxten lang Ang nasa isip ko ngayon..
Para na akong nababaliw dito sa kakaisip kung posibleng nangyare sa kanya pero pinagdadasal kong... Hindi mangyare iyon..
BINABASA MO ANG
His Runaway Princess
RomanceAshylinelle is a princess who hides her identity throughout Lashek because of the danger waiting for her. She wanted to go outside but her father didn't let her. But one day, she's surprised when she's engaged to someone that she never saw in her wh...