CHAPTER 49
1 year Later...
Sa loob ng isang taon ay naging maayos na lahat ang nandito. At sa isang taong iyon.. Hindi ko pa nahahanap ang katawa ni Braxten..
Ako ang namamalakad sa palasyo at mga magagandang mga komento ang natatanggap ko, at ngayon... Kasama ko na sina Mama, Papa, Daddy at Mommy..
Sila ang umaalalay sa akin ngayon. Reyna na ako ng bansang Lashek pero kailan man ay wala akong Hari dahil nga... Namatay na siya.
Sabi sa batas, ay kapag naging Reyna ako ay dapat may hari pero wala. Bakit? Kasi bindi pa napapatunayang namatay nga si Braxten..
Wala ang katawan niya at hindi mahanap sa gulong pinangyarihan. Lahat ng kalaban ay namatay pero hindi kinulong ang mga mamamayan dahil ako ang nagsabing may nagaganap na hindi maganda sa palasyo..
May mga pruweba kami kaya naniwala naman ang iba pang mga Royalties.
Ang ibang lalaking Prinsipe ay nagtatangkang mangligaw sa akin pero kinabukasan ay iniiwasan na nila ako.
Ewan ko ba sa kanila
Basta ang priority ko muna sa ngayon ay ang anak kong natutulog sa kwarto kung nasaan ako..
Pinapatulog ko na si Jack na ngayon ay anim na taong gulang na. Hinalikan ko ito sa noo at iniwan na siya na nasiguro kong tulog na nga talaga siya. Napabuntong hininga ako at umalis na ng tuluyan sa kwarto ng anak ko at papunta naman ako sa isang kwarto kung nasaan ang isa pa naming anak..
Oo, may nabuo bago namatay si Braxten. Sa palaging may nangyayare sa amin imposible namang walang mabuo.
Napangiti naman akong pinamamasdan ang crib kung saan nasa isang kwarto. Natutulog doon si Sinagtala... Ang pangalan ng pangalawang anak namin na babae ni Braxten.
Nakuha naman ang mukha niya sa akin pero hindi mawawala ang magandang mata nito na nakuha niya sa ama niya.
Napangiti ako ng mapait. Hanggang sa tingin ko nalang siya nakikita sa mga anak ko.. Pati sa mga larawan.
Namimiss ko na siya at naniniwala akong hindi pa siya patay hanggang hindi pa nahahanap ang katawan niya.. Naniniwala pa akong buhay pa siya at nasa paligid lang siya..
Nararamdaman ko iyon. Oo, desperada ako sa mga iniisip ko pero bawal bang umasa man lang na buhay pa siya? Gayun man ay hindi pa nakikita ang katawan niya?
Napabuntong hininga ako at nilapitan si Sinagtala. Natutulog ito ng mahimbing kaya napangiti ako. Hinalikan ko ito sa noo at iniwan siya doon para pumasok na ako sa aking kwarto..
Pagdating ko sa kwarto ay sa di kalayuan ang bubungad sa akin ang larawan namin nung ikinasal kami. Walang kaemo emosyon ang mukha namin diyan kaya napailing nalang ako..
Natatandaan ko pa ang mga nangyare noon. Nung birthday ko nang ina announce nila na FIANCÉ ko si Braxten ay sadyang nagulat ako at kinabahan, kasi naman ipapakasal nalang ako Sa hindi ko pa kilala..
At nung unang hinalikan niya ang noo ko ay doon nagsimulang tumambol ng malakas ang puso ko. Ewan ko noon kung sa kanya o kung anong hindi ko maipangalanan.
Sa totoo lang sa una kong kita ko sa kanya ay biglang tataas ang balahibo mo dahil sa paraan ng pagtitig niya..
Nung tumakas ako ay sobrang tuwa ko noon pero hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya nung oras niyang yun.
Binigyan niya ako ng isang taong kalayaan, nabitin pa ako doon sa isang taon pero nahanap na niya ako ehh..
Nakakatawa lang kasi at wala pa akong nararamdaman sa kanya noon at nalaman kong May nararamdaman na pala siya simula ng magkita kami--i mean, nakita niya ako noong bata pa..
And marked it! He's Crazy on me!
Napailing nalang ako at napangiti. Hanggang sa dumaan ang kasal. Ewan ko kung anong nararamdaman ko noon. At ngayon ko lang narealize ang mukha niya noon habang kinakasal kami... Napakasaya ng mukha niya.. Pero pinipilit niyang wag ipakita iyon..
Kahit kitang kita na sa mga mata niya..
Ang unang may nangyare sa akin ay hindi ko alam kung Anong gagawin ko noon. Para akong baliw dahil hindi ko alam kung anong gagawin at doon ang unang ngiti na nakita ko sa kanya..
Hindi ko alam na masaya siya dahil siya ang unang nakakuha nun. Hindi ko makita ang mukhang niyang nun dahil hindi ko pa siya mahal at hindi ko pa alam ang lahat ng iyon..
Yung simula ng inilabas ko si Jack ay mas lalo siyang natuwa. Napakasaya niyang yun, halos hindi niya mabitawan si Jack dahil hindi daw siya mapakali Kapag hindi niya nakakatabi ang anak namin..
At simulang magkahiwalay kaming tatlo ay nasaktan ako. Hanggang sa mawalan ako ng ala ala, Kaya pala palagi akong nangungulila dahil palaging may kulang... Yun pala sina Braxten at Jack ang kulang...
Nang nahanap ako ni Braxten sa sapa kung saan ako naliligo ay hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko pa siya naalala nun at nung tinanong ko siya kung sino siya ay nakita ko ang paglatay ng sakit sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin pero pinipilit niyang ngumiti habang namamasa ang kanyang mata...
Kumirot ang puso ko nun ng makit ko siyang ganun...
At nung nagsama kami habang hindi ko pa siya naalala ay unti unti kong naalala ang pinagsamahan namin noon...
Maraming nangyare sa amin at yun na yata ang happiest memories Ang nangyare sa amin... Yung buo ulit kami..
Pero agad din nagtapos iyon...
May laban na naganap hanggang sa... Mawala na siya sa akin..
Hanggang ngayon ay masakit parin sa akin Ang nangyare. Fresh pa sa akin ang lahat ng iyon...
Sabi ko sa sarilI ko na... Magiging matatagtag ako... Kaya ko ito!... Dahil nandito pa si Jack... Kailangan niya ako..
Inalis ko ang aking korona at inilapag iyon sa isang lamesa na maraming korona ko. Dumaan ako sa human size mirror at napangiti ng makita ko ang sarili ko. Medyo tumaba ako dahil sa pagbubuntis ko kay Sinagtala.
Napabuntong hininga ako at pumasok sa banyo para maligo..
Pagkatapos ng minuto ay tapos na ako at lumabas na ako mula sa banyo. Napadaan naman ako sa larawan na malaki kung saan ay hawak hawak ni Prince Braxten si Jack habang ako ay nasa gilid niya.
Napangiti ako doon at hinawakan iyon....
Pabagsak akong humiga sa kanya at inayos ang kumot..
Pagsara ng mata ko ay may humalik sa aking noo at labi at hindi ko na nakayang imulat iyon pero familiar sa akin ang amoy niya...
"B-braxten..."
At tuluyan na akong nilamon ng antok...
=======================
To be continue.......
BINABASA MO ANG
His Runaway Princess
RomantikAshylinelle is a princess who hides her identity throughout Lashek because of the danger waiting for her. She wanted to go outside but her father didn't let her. But one day, she's surprised when she's engaged to someone that she never saw in her wh...