CHAPTER 18
Today is Braxten Birthday!
Inaayos ko ang kanyang coat at hinalikan siya sa labi. Pitong buwan na ang tiyan ko at maumbok na nga ito. Bumaba ang tingin niya sa aking tiyan, hinaplos niya ito atsaka hinalikan.
Napangiti naman ako sa ginawa niya.
"Happy Birthday my Husband.." napangiti naman siya sa pagbati ko sa kanya. Hinawakan niya ang bewang ko at hinalikan ulit.
"Thank you My Ashy.."
~*~*~*
"Let's all Welcome. Our Birthday Celebrant. No other be Prince of Lashek, Prince Braxten Niko Andrada with his beautiful wife Princess Ashylinelle Veronica Fontanilla-Andrada" nagsimula na kaming maglakad habang nakasabit ang aking braso sa braso ni Prince Braxten. Wala na namang reaksyon ang mukha nito habang naglalakad kami patungo sa uupuan namin.
Nagsimula na ang party. Classic, Yan ang unang masasabi mo sa party. May nagbigay ng mga gifts at anu ano pang ginawa.
Na announced na namin ang pagkabuntis ko at dalawang buwan nalang bago lumabas Ang anak namin.
Kakatapos palang ng party, bago umalis ang mga bisita ay isa-isa nilang binati si Braxten at Ako lang ang nagtethank you.
Napairap ako ng makita ko siyang kinakausap siya ng isang babae. Patawa tawa pa Akala mo naman close na close!.
Alam niyo ba ang feeling na gusto kong mangtiris ng isang tao? Ewan ko pero parang nagseselos ako ng todo. Yung tipong gusto kong ibalibag sa pader yung babaeng kausap ni Braxten.
Nakita ko rin siyang tumawa sa sinabi ng babae kaya napataas ang kilay ko. Ehh ano naman ang nakakatawa sa pinag uusapan nila?
Pagkatapos nilang mag usap ay lumapit siya sa akin at syempre ako ay inirapan lang at binigyang pansin ang isang lalaking mala adonis ang mukha---well mas gwapo pa si Braxten sa kanya..
"Hi Princess Fontanilla-Andrada, congrats nga pala Sa inyo ni Prince Braxten dahil magkakaanak na kayo soon!" Napangiti naman ako sa sinabi nito sa akin.
"Thank you sa pagbati." Natutuwa kong sabi dito. Pasimple akong sumulyap kay Braxten na ngayon ay madilim ang mukha at nahagip ng aking mata ang kanyang kamao na nakakuyom. Tinaas ko lang ang aking kaliwang kilay at ibinaling ulit ang tingin sa lalaking kausap ko ngayon.
"Parang nagseselos ang asawa mo" nakangising sabi niya, napatawa ako ng mahina sa sinabi niya
"Hayaan mo yan. Napakaseloso niyan. Paminsan nga nakakainis siya ehh" natatawang Sabi ko dito, napatawa narin ito ng mahina sa sinabi ko.
"I hope na maging healthy ang baby niyo pagkalabas. Kunin niyo akong ninong. By the way, I'm Kosher Gallegos from Province of Loterian. A businessman Nice to meet you Mrs. Andrada" lumahad ito ng kamay sa kanya. Tatanggapin ko sana ng may tumanggap na iyon at laking gulat ko na si Braxten iyon. Napakadilim ng mukhang nakatingin kay Kosher.
Tumikhim si Kosher at nagpaalam ng umalis dahil may mga business na dapat asikasuhin lalo na't naglalapit narin ang summer.
Naramdaman ko ang brasong pumalupot sa aking bewang at si Braxten iyon. Hindi parin nagbabago ang reaksyon niya dahil hanggang ngayon ay madilim parin ang mukha nito at nagtatagis bagang.
"Sino iyon? Bakit magkakamayan kayo?" Napairap ako sa tanong niya. Seriously? Ako lang ba?
"Wow, hiyang hiya naman ako sayo. May pahampas hampas pa sa dibdib at tumatawa pa." I heard him sighed and he kissed me in my neck.
"I'm sorry My Ashy, forgive me please!" Pa cute niyang sabi. Huwag niya akong daanin sa ganyang ganyang effect na yan! Baka hambalusin ko siya ng bangkuan!
"I love you..." tumaas ulit ang kilay ko sa sinabi niya, talagang ginagamit niya kahinaan ko huh!
Ngumiti ako ng plastik at nilingon ko siya na ngayon ay magkalapit ang aming mukha, "I love you too, pero hindi ibig sabihin nun pagbibigyan kita. Sorry kahit kaarawan mo ngayon, sa sofa ka matutulog.." Sabi ko dito. Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko kaya napatawa ako ng mahina sa reaksyon niya.
"Are you for real?" Mahina niyang sabi na para bang hindi nabigyan ng candy.
"Ohh my Husband, that's your punishment. Akala mo ikaw lang ang may punishment sa ating dalawa? Pwes nagkakamali ka. Maling kalabanin ang mga buntis Hon.." nakangisi kong saad dito. Nakasimagot ito at para bang nagpapaawa.
"Hon, sorry na ok? Wala lang iyong babaeng iyon. Atsaka ikaw lang mahal ko--"
"That's my final decision!"
~*~*~*
"My Ashy, please tabi tayo!" Nagmamakaawa nito sa akin habang nakaluhod sa gilid ng kama pero ako deadma lang.
"Hon, please" kita ko sa gilid ng aking mata ang pagpuppy eyes niya para bang pagbibigyan ko siya. Umirap lang ako at ininom ang aking gatas.
"Hon.." tawag nito sa akin pero hindi ko siya pinansin. Binuksan ko ang aking cellphone at binuksan ang YouTube. Kinuha ko ang aking earphone sa mini cabinet sa gilid ng kama.
Rinig ko pa ang magmamakaawa niya sa akin pero deadma ko lang siya. Ewan ko parang wala akong konsensya ngayon sa kanya, siguro sa pagbubuntis ko?
Napailing nalang ako sa mga naririnig ko sa kanya. Kesyo daw gagawin daw niya ang lahat para magtabi daw sila. Kesyo daw kung gusto ko daw palinisin siya ng kwarto ay gagawin niya o kaya magpush-ups. Tss. Di uubra sa akin iyan.
"Kung Ayaw mo akong makatabi, hindi ako magpapaluto bukas ng Sinigang na niyog na walang sibuyas, bawang at siling green.." napalingon ako sa kanya habang nanlalaking matang nakatingin sakanya.
He's kidding Right?
"Your kidding right?" Tinanggal ko ang isang earphone sa kabilang tenga ko habang nagpapatugtog na ako ng mga kanta ng Firehouse.
Umiling lang ito saka ngumisi. Arrghhh! Ginagamit niya ang kahinaan ko talaga!
Kilala ko pa naman siya, kapag sinabi niya, gagawin niya! Pota!
Kahit napipilitan ay iritado akong tumango sa kanya bilang pagpayag na katabi ko siya. Ngumisi siya ng malademonyo habang umaakyat sa kama para makatabi ako. Nang magkatabi na ako ay niyakap niya ako ng mahigpit.
Sinaway ko siya dahil si baby ay baka maipit kaya niluwagan niya habang hinalikhalikan niya ang tiyan ko. Napairap naman ako sa ginagawa niya--at sa ginagawa ko.
Really? Ang rupok ko naman masyado sa kanya? Diba kanina wala akong konsensya pero ngayon.... Arrrggghh!!
Di ko na naiintindihan ang sarili ko!
Ang weird ko na!
=====================
To be continue......
BINABASA MO ANG
His Runaway Princess
RomanceAshylinelle is a princess who hides her identity throughout Lashek because of the danger waiting for her. She wanted to go outside but her father didn't let her. But one day, she's surprised when she's engaged to someone that she never saw in her wh...