Chapter 30

861 13 0
                                    

CHAPTER 30



Dahan dahan kong iminulat ang aking mata at isang puting kisame ang nadatnan ko. Napalingon ako sa mga katabi ko at nakadukdok sila sa higaan ko habang tulog silang apat.

Iginalaw ko ang aking kamay na siyang dahilan ng pagkagising nilang lahat. Napangiti naman sila ng makita na akong gising.


"Okay ka na ba? Anong masakit sa iyo? Tatawag ako ng Doctor---"



"Kalma kuya! Anong nangyare?" Takang tanong ko. Naalala kong sumakit pala ang ulo ko! Dahil sa kanya na iyon!



"Tinawagan kami ni Ador ang anak ni Aling Ising, sumasakit daw ang ulo mo at nang madatnan ka na namin ay tumutulo na ang dugo sa ilong mo... Ano bang nangyare sayo? Pilit mo na naman bang aalalahanin iyon? Kung mapaano ka?" Nag aalalang tanong ni Kuya Bagwis.


"Kuya, limang taon na akong may amnesia, ni hindi ko man lang alam kung hinahanap ba ako ng mga magulang ko.." nalulungkot na sabi ko. Nagkatinginan silang apat at parang nag uusap sila..

Napabuntong hininga sila at ng aakmang magsasalita na sila ay siyang pagdating ng Doctor. Lumapit si Kuya Makilang doon at nag usap sila.



"... Ok, naman siya at walang nangyare sa kanyang masama. Siguro kaya dumugo ang ilong niya ay dahil pilit na inaalala niya ang nangyare sa kanya noon..." napatingin naman sa akin si Doc. Ngumiti siya sa akin at nilapitan.


"Kamusta ka na iha? Wala ka na bang nararamdaman?" Tanong nito. Umiling lang ako bilang sagot na siyang dahilan ng pagkangiti niya.


"Good, may katanungan lang ako iha. Since 5 years ka ng may amnesia.... May naalala ka na ba? Kahit isa?" Tanong nito. Biglang nagflash sa akin ang isang babaeng nagpipiano habang kumakanta ng Let It Be...


Napahawak ako sa aking ulo ng makaramdam na naman ako ng sakit.


"Ok, wag mo munang pilitin kung hindi mo pa kaya--"


"Nakita ko po ang isang babaeng nagpipiano habang kumakanta ng Let It Be.. At palagi akong binabangungot sa lalaking pumapasok sa panaginip ko.. At saka nakita ko rin ang lalaking nasa panaginip ko ay nasa harap ng babaeng nagpipiano, nakaupo siya habang kinakantahan.... At Ang babaeng iyon ay... Ako.." Bigla akong napasapo ang noo ko ng makaramdam ulit ako ng matinding sa sakit sa aking ulo.


"Ipagpahinga mo muna iyan... Wag mo munang piliting alalahanin dahil baka mas lalong sumakit iyan..." Tumango ako habang minamasahe ang sintido ko. Nagpaalam na ang doctor na may pasyente pa siyang aasikasuhin, tumango nalang din ang mga Kuya ko at nagpasalamat.


Nabalot na naman ng katahimikan ang sa puwesto namin, except sa mga katabi namin. Nasa public hospital kami kaya halo-halo ang mga nandito. Puwera lang sa mga bata dahil sa Pedia sila inilalagay...



Parang Ang laki ng problema nila Kuya kaya ayaw nilang Sabihin sa akin. Nakatulala lang sila sa kawalan at mukhang dinadama nila iyon..






"Kuya.." napakagat labi akong tinawag sila kaya lumingon silang lahat sa akin, "May Problema ba?" Tanong ko.


Hindi ko na kayang mapigilang magtanong dahil hindi ko naman sila kilala bilang problemadong tao, nakilala ko sila na masayahing tao at Kahit may problema ay idadaan nalang nila sa tawanan. Hindi ako sanay na ganito sila kaya nag alala na ako sa kanila



Tumingin silang lahat sa akin at napabuntong hininga.


"Wala lang ito... Ayaw lang naming unahan ka.." napataas naman ang kilay ko sa sinabi nila. Ano bang kinalaman sa akin? Bakit ayaw umamin? At anong ayaw nila akong unahan? Saan?


His Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon