Chapter 13

268 5 0
                                    

Tahimik ngunit alerto na binabagtas ni Ash ang daan papunta sa nasabing warehouse.

Masyadong mahahaba ang mga talahib at naglalakihan ang mga puno kung kaya't malabong may maka-aninag na guwardiya sakanya na nakabantay sa labas ng gusali.

Napapa-pikit siya nang mariin sa tuwing humahampas ang mga kamay niya sa talahib. Gustuhin man niyang i-angat ang mga kamay, ay hindi pwede. Baka mapansin siya ng mga bantay.

Mabuti na lamang at naka-suot siya ng  mahabang pantalon, jacket at sapatos kung kaya't hindi dumadampi sa mga paa at braso niya ang mga talahib.

Kaunting lakad na lamang ay mararating na niya ang warehouse ngunit ramdam niya ang paunti-unting pag-kati ng mga kamay niya. Oh, damn!

Imbes na sa harap ng warehouse dumiretso, lumiko si Ash papunta sa likod ng gusali at inakyat ang isang puno kung saan malaya niyang makikita ang nangyayari sa second floor. Wala kasi itong mga bintana kaya't kitang kita ang loob.

Limang lalaki ang nasa second floor. Dalawa ang humihithit ng sigarilyo at ang tatlo naman ay may kung ano ang sinisinghot, if she's not mistaken, it's a drugged that they're inhaling. Typical Triad members. Napailing nalang siya at naglabas ng dalawang shuriken. Dahil hindi naman kalayuan ang punong' kinasasadlakan niya, madali niyang naasinta amg leeg ng dalawang lalaki na naninigarilyo. Kalkulado at balanse ang galaw na inihagis niya papasok sa bintana ang dalawang shuriken na umikot pa sa ere bago tumarak sa lalamunan ng dalawa.

Agad nagkagulo sa loob habang siya ay tahimik lang na nagmamasid sa dilim. Seconds later, she heard a familiar voice coming from the building.

"What's happening here?!" Kahit medyo may kalayuan ang pwesto niya dinig na dinig niya ang nakaka-iritang sigaw na iyon.

That bastard! Mariin niyang ikinuyom ang mga kamao.

Sariwang sariwa pa sa isip niya kung paano humiyaw sa sakit si Hyra dahil sa pananampal ng lalaking iyon. You're dead. She whispered.

Walang tunog siyang tumalon pababa at pinasok ang gusali gamit ang naka-bukas na bintana sa unang palapag. Hindi na siya nahirapan pa sa pasikot-sikot ng buong gusali dahil kinabisa na niya ito kanina sa tulong ng blueprint na ibinigay ni Horizon sakanya.

Tahimik niyang binabagtas ang distansya papunta sa hagdan na nasa kabilang dako kung saan siya pumasok. Walang maririnig na yapak sa mga hakbang niya at halos hindi rin marinig ang paghinga niya.

"Outsider!" Natigil siya sa paglalakad papunta sa hagdan dahil sa sigaw na iyon. Galing iyon sa isang matabang lalaki na may sukbit na malaking baril sa kaliwang balikat na agad itinutok sakanya pag-lingon niya. "Freak!" Sigaw uli nito ng masinagan ng ilaw ang mukha niya. Siguro ag nakita nito ang mga mata niya. Ang mga ito lang naman kasi makikita sa mukha niya dahil natatabunan ng maskara ang kabuuan ng kanyang mukha.

Napailing siya. I'm not freak. I'm unique.

Mabilis siyang nagtago sa isang pader na kasing kapal at taas ng poste ng paputukan siya ng matabang lalaki. Agad namang' nakakuha ng atensyon ang ginawa ng lalaki dahil dinig na dinig niya sa malayo ang malalakas na yabag at iba't ibang sigaw. Nakarinig din siya ng pagkasa ng baril. Tss.

Sinilip niya ang matabang lalaki nang natigil ito sa pagpapaulan ng bala sa direksyon niya. Kitang-kita niya ang mga  nagtatakbuhang mga lalaki na may hawak na de-kalibreng baril na papunta sa pwesto ng matabang lalaki. Ginamit niya ang panandaliang pagkakataon na iyon at inilipat ang sarili sa isang malapit na drum na nasa kabilang pader na hulmang poste,  na hindi masyadong napapansin ng sino man.

Medyo may kadiliman ang parteng kinalalagyan ng drum at pabor iyon sakanya. Itinago niya ang presenya mula sa mga pasugod na lalaki at hinugot ang natitirang shuriken sa bulsa ng jacket niya.

His Queen: The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon