Chapter 29

191 4 0
                                    

Madilim ang mukhang pinatatakbo ni Ash ang motor papuntang daungan ng barko habang nakasunod sakanya ang sasakyan ng grupo nina Bren, Vluad at Cyclex.

Masyado nang malalim ang gabi kaya't malinis ang kalsada. Walang ibang sasakyang humaharurot doon maliban sakanila. Mas binilisan pa ni Ash ang takbo ng patuloy sa pagdugo ang likod niya. Shit! Mauubusan nanaman ba ako ng dugo?

Hindi ganoon kalayo ang daungan kaya't hindi naging ganoon kahaba ang biyahe nila. Pagkadating niya sa pier, kitang-kita niya ang dami ng mga Van at SUV na nakakalat maging ang mga naglalakihang lalaki na may suot nang de-kalibreng mga armas.  

Tumigil siya, ilang metro ang layo mula sa mga ito. Sapat ang layo niya upang hindi siya makita. Shit, this is suicide. Kahit sabihing marami at malalakas ang mga kasama niya, kung ikukumpara sa mga nakakalat na tauhan dito ay dehado sila. Idagdag pa ba hindi niya alam kung saang organisasyon galing ang mga lalaking ito dahil hindi niya makita ang batok nila. Masyadong madilim.

Hinarap niya ang tatlong grupo sa likod na naka-abang lang sa utos niya.

"Bren, Vluad, scatter in the area. Hide on your shadows for the meantime. You'll attack on my signal. " Tinanguan siya ng mga ito bago uumalis. She faced Cyclex. "Cyclex i need the expertise of gang. How many dogs can you execute with your equipments?" Cyclex' gang are composed of snippers that can kill either long or short range fight.

"Our bullets can handle the thirty-five percent of them, Queen." Hmm. Thirty-five? That's enough.

"Okay. I want you to set up immediately."

"Roger." Wika nito bago umalis. Siya naman ay dinukot ang telepono at tumawag kay Horizon.

"Fvckin' assure me that those dogshits are here." Nagbabanta ang boses niya at bakas ang gigil doon.

"Yes, i assure you Fire. And also your parents and sibling. They're there also."  Napapikit siya ng mariin. Punyeta!

"How's Vash?" Kapagkuwa'y lumambot ang boses niya ng banggitin ang pangalan ng kakambal.

Dinig niya ang buntong hininga sa kabilang linya. "He's fine, Fire. Don't worry about him. What about you? Are you okay? I check on the Holocaust'  hideout and i found out that it was burned down."

"I'm fine, Horizon. Don't worry too much." Balewalang sagot niya at walang pasabing pinatay ang telepono. She got no time for some random chitchats.

Kinuha niya ang katana sa may balakang at pinahaba ito. It's a goddman checkmate, bastards.

Pumito siya ng tatlong beses. Sapat na para marinig ng mga nagkalat na kasamahan ni Cyclex. Tinignan niya ang posisyon ng mga iyon at kitang-kita niya ang pagtango ng mga ito.

Maya-maya pa, ilang mga nakatayong bantay ang bigla nalang bumulagta sa sahig. Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga ito kaya't naalarma ang ilang mga tao.

"Enemies! They here!" Sigaw ng isa kaya't nagsipag-handaan ang iba pa nitong kasamahan at nagsimulang mag-paputok sa iba't ibang direksyon.

Tumago si Ash sa isang pader habang patuloy ang pagpapaputok ng nga kalaban. Samantalang patuloy din ang pagpapaputok ng grupo ni Cyclex kaya't unti-unting nababawasan ang mga bantay.

Mula sa malayo, narinig niya ang pagdating ng panibagong Van. Isiniksik niya ang sarili sa kadiliman ng pader upang matago ang anino niya. Binalingan niya ang Van at nakita ang pagbaba ng apat na taong balot na balot ang katawan at halos hindi makita ang itsura dahil natatakpan ng maskara mukha nila. Nakasuot din ng itim na cloak ang mga ito.

His Queen: The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon