"Isang pagsabog ang yumanig sa mga karatig barangay ng purok singko kaninag alas-dos ng tanghali. Ayon sa mga naka-saksi, galing sa property ng mga Sandoval ang nasabing pagsabog. Ayon din sa taga-pangalaga ng nasabing property ay wala siyang makitang rason kung bakit pinasabog ang mansyon doon dahil matagal nang wala ang mga may-ari ng nasabing lugar. Sa ngayon, hindi pa masabi ng mga awtoridad kung anong pampasabog ang ginamit at kung sino ang may gawa nito." Hinagip ni Ash ang remote at pinatay ang TV.
Isang nakak-lokong ngiti ang naka-plaster sa mukha niya at isinandal ang likod sa sofa.
Damn! Hindi niya inaasahang maibabalita ang pagpapasabog na ginawa ni Horizon sa mansyon kaya naman gulat siya ng mapanuod ang balita. Gayunpaman, labis labis ang kasiyahan na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.
Ahh. Konting panahon na lang, and I'll be damn ready to let go Spring. Mag-b-bagong buhay na ako.
This will be my last and final fight.
Habang nagmumuni-muni siya sa sala nila, biglang nag-ingay ang doorbell nila. Tamad na tamad siyang tumayo at lumabas ng kabahayan upang tiganan kung sinong hampaslupang sumira sa pagpapahinga niya. Wala silang katulong kaya naman wala siyang choice kundi gawin ang mga ganitong gawain.
Nang mabuksan niya ang gate, isang matangkad na lalaki na may naka-bun na buhok ang sumalubong sakanya. May hawak itong supot sa kanang kamay at isang travel bag naman sa kabila. Awkward itong nakangiti sakanya habang siya naman ay bored na nakatingin dito.
"What?" She apathetically ask.
"Umm. Your Mom happened. Tumawag siya sa bahay at nakiusap na samahan muna kita ngayong gabi." Prenteng sagot nito kahit na halata sa mukha ang pagka-awkward.
"Huh? Why in hell would she do that?" Iritado niyang tanong at hindi na napigilan ang pag-taas ng boses.
Sinong matinong ina na makikiusap sa isang lalaki na samahan buong magdamag ang anak na babae? Seriously? At kay Hunter Xarthou pa talaga! Who knows is this guy is a fvckin' rapist? Makaka-patay siya sa sarili niyang pamamamahay!
Is her Mom thinking right? Baka na-wrong number ito! Goodness! Sa dinami-dami ng tao sa Maynila, bakit ang hinayupak pang ito?!
"Hindi daw sila makaka-uwi ngayong gabi. Pati na ang mga kapatid mo. Nagkaroon ng emergency sa negosyo nila kaya, ayon." Paliwanag nito na lalong nagpa-akyat sa dugo niya. The nerve of this guy! At okay lang sakanya, talaga? Dimwit!
Anong tingin sakanya ng Mommy niya, damsel in distress? She's goddamn independent for goodness sake! Ano naman kung hindi sila makaka-uwi ngayong gabi? She can sleep alone! Not that she's sleeping beside them!
Kinuha niya ang telepono sa bulsa at mariing tinawagan ang ina. Wala siyang pakialam kung matiim na naka-masid sakanya si Death. She need to talk to her Mom. Pronto!
Naka-ilang ring palang ay sumagot na ito.
'Yes, baby?' napaka-lambing ng salita nito na parang wala itong ginawang kababalaghan.
Huminga siya ng malalim. Pinakalma ang sarili dahil kung hindi, mabubulyawan niya ang sariling ina.
"Mom, you sent this jerk- i mean Death- here? Why?!" Kulang nalang ay magpapadyak siya para malaman nila na hindi niya gusto ang ideya nito.
'Oh, is he there already, baby?' hindi nito pinansin ang pag-t-tantrums niya na siyang ikina-irap nalang niya.
"Ye." Walang buhay niyang sagot.
'Oh, that's great. He'll be with you this night muna, baby. We can't go home kasi. May emergency sa negosyo kaya we need to troubleshoot it. Tumutulong saamin ng Dad mo ang mga Kuya mo kaya pinapunta ko si Hunter para may kasama ka d'yan at may promotekta sayo.'
BINABASA MO ANG
His Queen: The Beginning
ActionLeigh Ash Zyche Fuego Isang babae na mayroong iba't ibang katauhan na nakakubli sa iba't ibang maskara, ngunit iisang emosyon lamang ang makikita. @wytrzymac *photos weren't mine. credits to the rightful owner