Chapter 17

174 6 0
                                    

"GOOD morning, Mommy. Happy Birthday!" Bati ni Hunter sa Ina pagkadating sa hapag. Naroroon ito. Masayang kumakain kasama ang mga kapatid niya at ng kanyang ama.

"Thank you, son. Come, sit-down. Kumain kana." Tumango naman siya at umupo kaharap ang kapatid na si Jazer.

Nakabungis-ngis sakanya ang kapatid na tila may planong masama. Hindi niya ito pinansin at kumuha ng pagkain. Hindi sinasadyang dumapo ang paningin niya sa ama at sa kanyang Kuya Kieth. Kapwa naka bungis-ngis din ang mga ito sakanya katulad ni Jazer.

Kumunot ang noo at tumaas ang mga kilay niya. "Bakit ganyan kayo makatingin saakin?" Inip niya na tanong.

"Uhmm. Wala naman, Hunter. Wala ito." Sagot ng Kuya Kieth niya at ibinalik na ang atensyon sa pagkain pero narinig niya pa itong mahinang humalakhak.

Ang kanyang ama naman ay natatawang nagkibit-balikat at kumain na. Samantalang ang si Jazer ay itinataas-baba ang kilay sakanya.

Napasimangot siya.
Potek! Anong problema ng mga hunghang na'to? At bakit pati si Daddy nadamay?

"Anyway, Hunter. Do you have any plans for today?" Malambing na tanong sakanya ng ina. Binaling niya dito ang atensyon at nginitian ito.

Birthday ni Mommy ngayon. I should give her special treatment.

"Uh, well, isasama po ako ni Tito Kelvin sa meeting ng organisasyon, Mom. Ipapakilala niya daw po ako." Hindi na bago sa pamilya niya ang usaping ganito sa hapag. Sanay na sila. Mula pagkabata kasi, mulat na sila sa ganitong gawain ng pamilya kaya't kumportable na silang pag-usapan ito.

"Meeting? Aren't you supposed to be there?" Sa ama naman ngayon bumaling ang ina.

"Kelvin is there, Hunter is there. They don't need me, anymore. Besides, it's your birthday today, Hon. We should spend the whole daytime together. You know, doin' the old things?" Namula naman ang ina nila at humagikgik ng mahina.

Naiiling na ibinalik niya ang atensyon sa pagkain at kumain ng tahimik. Patuloy naman sa pag-uusap ang ama't ina niya samantalang ang dalawang kapatid ay nag-uusap patungkol sa motor na hindi niya maintindihan.

Sa kotse ang forte niya, hindi sa dalawang gulong.

"Well, may isusuot naba kayo mamaya?" Kapag-kuwa'y tanong ng ama niya. Nag-angat siya ng tingin at bakas sa mukha ang pagkalito.

"Anong meron, Dy?"

Kinunutan siya ng noo nang ama. "It's your Mom's birthday, ijo."

"At?" Naguuluhan pa din siya. Wala siyang alam at ideya sa mga nangyayari. Palibahasa'y halos hindi na siya dito tumigil at laging nasa firing field na pag-aari nila o di kaya'y kasama ang Tito niya na nagpupupunta sa transaction ng organisasyon, sa casino at iba pa.

"Ofcourse, may party! Kailan pa ba nag birthday si Mom ng walang party, Hunt? " Ngayon si Jazer ang sumagot.

Napanguso nalang siya. Oo nga pala, kilala at aktibo ang ina niya pagdating sa mga social gatherings at iba pang elite doings. Palibahasa'y mayaman ang angkan ng ina niya, kilala rin ito pagdating sa industriya ng damit kaya marami itong kakilala at kaibigan na kapwa sosyalista. Isang sikat na designer and ina, kung kaya't imposibleng walang maganap na kahit ano kapag ganitong may okasyon sila, lalo na't kaarawan pa nito.

"Nakalimutan ko, Kuya. Marami kasi akong iniisip nitong mga nakaraang' araw kaya't nawala sa isip ko." Totoo 'yon. Bukod sa madami siyang ginagawa at pinagkakaabalahan, marami din siyang iniisip. Nagkabuhol-buhol na sa utak niya ang mga ganap .

His Queen: The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon