Chapter 8

427 12 1
                                    

Death Hunter

"Hunter, i heard nag-pabili ka 'raw ng motor. Totoo ba 'yon, anak?"

"Opo, Mommy." Dalawa nalang kami ni Mommy dito sa bahay, nag-aalmusal. As usual, maagang umalis si Daddy para pumasok sa opisina. Si Kuya Jazer at Kuya Kieth naman ay may summer classes.

At ako, naman ay may training samantalang si Mommy, aalis din yan mamaya para sa boutique niya.

"The last time i check, hindi ka interesado sa mga motor." natigil si Mommy sa pagkain at mariin akong tinignan. Napa-kagat labi ako ng maalala nanaman ang kulay pink na babaeng 'yon.

"May hindi ka ba sinasabi saakin, Hunter?" pang-uusisa ni Mommy. Putana.

"A-ah, sa totoo lang po 'my, 'yung motor na pinabili ko ay hindi para saakin. Naka-sira po ako ng motor kagabi at gusto ng may-ari na palitan ko 'yon. With the same model and brand." tumaas ang isang kilay ni Mommy sa sinabi ko.

"Kagabi? Lumabas ka ng bahay kagabi? I thought you're tired? Bakit lumabas kapa?" kung hindi ba naman ako tinawagan ng balyenang 'yon eh, hindi naman talaga ako lalabas. Bwisit!

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot.
"Ah, nag-papadalaw lang po ako ng antok 'my, kaya ako lumabas." nagpapalipas ng init ng ulo 'kamo.

"Nagpapadalaw ng antok pero naka-sira ng motor? Are you lying to me, Death Hunter?" napalunok ako. Paano ko sasabihin kay Mommy na sa ka-oa-han ng may-ari ng motor na 'yon kaya nasira?

"No, Mommy. Hindi po ako nagsisinungaling." hindi naman talaga ako nag-sisinungaling. Except sa part na nagpapadalaw ako ng antok.

"Tell me what really happened, Hunter. Im all ears."  wala na akong nagawa kundi ikwento kay Mommy ang nangyare. Pero pinalitan ko 'yung part na nagpapalipas ako ng inis.

Hindi sa pinagtatakpan ko ang balyenang 'yon, it's just that, naging best friend na ni Mommy ang Mommy ni Arianne. At ayokong masira ang pagkakaibigan nila dahil sa magka-pika ko kay Arianne. Knowing my Mom, she'll going to hate those people who pisses her sons.

"Who is she? I want to meet her." iyan ang naging sagot ni Mommy matapos kong ilahad sakanya ang nsngyari kagabi.

Nasamid ako sa sarili kong laway at nagtatakang tumingin sakanya.
"Eh? Bakit po?"

"I like her." simpleng sagot niya na nakapag-palaglag sa panga ko.

Anakngletsugasnakulaypink! Ano daw?

"A-ano? I-i don't understand, Mommy." baka namali lang ako ng rinig. Magtutuli ako mamaya. Ugh!

"Anak, nakaka-rating saamin ng Daddy mo ang ugali mo sa school at sa ibang tao. Your attitude outside this house is different on what your showing to us inside our house. At ito ang unang pagkakataon na tumiklop ang ugali mo. Sa isang babae pa." umiling iling siya, "I wonder what's in her that compose your bratty attitude."

"Say what, Mommy?" Nanlalaking' matang' tanong ko. Bakit pakiramdam ko, mas kinakampihan niya ang babaeng 'yon?!

"Son, son. Lower your voice, and don't waste my time. Call the girl right now, make her come in the house ASAP! May meeting pa ako ng by Ten." napalunok ako.

"S-sige po." Heto ang ayaw ko eh, hindi ko kayang hindi-an ang utos nila.

Nagmamadali akong umakyat patungo sa aking silid at hinagilap ang cellphone ko at ang calling card na binigay saakin ng babaeng 'yon kasabay ng susi.

Ringggg.. Ringggg.... Ringgg....

"Whoever fvck you are, make sure you're worth my sleep, or else you're dead." Biglang sumikdo ang puso ko ng marinig ang boses sa kabilang linya.

His Queen: The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon