Chapter 26

173 3 0
                                    

Pagkapasok niya sa unit ni Horizon, ang nag-aalalang mukha ng kakambal at natataeng mukha nito ang bumungad sakanya.

Palakad-lakad si Horizon sa buong sala samantalang nakahalumbaba naman ang kakambal. Masyadong okupado ang isipan ng mga ito kaya't hindi nila namalayan ang pagbukas ng pinto at pagpasok niya.

Hindi gaya kanina, malamig na ang pakiramdam niya. Hindi na siya nag-iinit sa galit at kalmado na siya. Sa madaling salita, she's in her normal self. She's Zyche.

Isang ngisi ang pinakawalan niya nang may isang magandang ideya ang pumasok sa isip niya. Huminga muna siya ng malalim bago pinatunog ang sapatos sa sahig. Isang tipikal na gawain ni Ashleigh.

Nabaling sakanya ang atensyon ng dalawa. Hindi nagbago ang ekspresyon ng kapatid samantalang lalo namang namutla at nawalan ng kulay ang mukha ni Horizon, lalo na noong ngumisi siya at ikinaway ang isang kamay.

"Hello, Kimchi! Hello, brother." Mapaglarong sabi niya bago linapitan ang kapatid at tinapik ito ng mahina sa balikat gamit ang kamay na walang tama.

"Anong nangyari sa balikat mo, Kakambal?" Mukhang napansin nito ang benda niya sa balikat.

She just smirk. "Oh, just some scratch. Don't mind it." Bago siya lumapit sa natuod na si Horizon.

"How's it?" Pagtukoy niya sa pinatatrabaho niya dito.

Lumunok ng sunod-sunod si Horizon at nagsimula ng pagpawisan sa noo.

"Aa-I a-already took care of it. No worries." Kabadong sagot nito at nautal pa.

Lalo siyang nangisi at pigil pigil ang tawa. This guy is quite hilarious. Takot na takot kay Ashleigh, eh?

Lumapit siya lalo dito at mahinang tinapik ang pisngi nito ng dalawang beses. Malamig ang balat nito at nagsisimula nang magpawis.

"Chill, bastard." Then she burst out, laughing. Kumunot ang noo ni Horizon. "You have seen your face? It was epic." And again, she laugh.

"You, so you're not Ashleigh? Are you toying me, Fire?" Nagkakulay ang mukha nito dahil pulang pula na siya sa sobrang galit. Kahit ang leeg nito ay namumula na din.

Ngumisi lang siya dito bago nagmartsa papuntang kwarto. Huminto siya sa tapat ng pinto at nilingon ito. Wala na ulit emosyon ang mukha niya.

"Check on the Holocaust and on the Organization. Look after on their moves. This must end as soon as possible. And oh, forward my resignation letter to HC Club. I want no interference during the war, plus, i want no punishment for killing that douche bag." She slammed the door before laying on the bed.

She's fvckin' tired.

_*_

Maliwanag ang paligid. Puro puti lang ang nakikita niya. May kakaiba siyang naamoy kaya naman tumayo siya mula sa pagkakahiga sa isang puting kama.

Nang itapak niya ang kanang paa sa sahig, ramdam niya ang pagsigod ng kirot sa talampakan niya at ang pag-agos ng dugo. Muli siyang naupo sa kama at itinaas ang paa upang makita ang talampakan niyang ngayon ay punong-puno na ng dugo.

Gamit ang comforter, dahan-dahan niyang pinunasan ang nagkalat na dugo sa talampakan hanggang sa malinis niya ito at makita kung ano ang naka-tusok sakanya. Isa itong mahabang transparent na bubog. Malaki ang sugat dahil malaki din ang bubog na nakatusok sakanya.

Masyadong malalim ang pagkakabaon ng bubog at talaga namang kumikirot ang buong paa niya kaya naman, pikit mata niyang hinila ang bubog paalis sa talampakan niya. Kinagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang pag-sigaw niya dahil sa sakit at kirot na nararamdaman. Nagsisimula nang pumatak ang mga luha niya at muli nanamang umagos ang dugo ng talampakan niya.

His Queen: The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon