MADilim at tahimik ang gabi. Tanging huni ng mga pang-gabing ibon ang naririnig, bukod don, sa isang banda, tahimik na nagmamatyag ang tatlong grupo ng kalalakihan at isang babae sa kabilang ibayo ng daan.
Tahimik si Ash sa isang tabi, habang naglilinis naman ng armas at nagpapatunog ng mga buto ang kasama niya. Ngunit ang isip ni Ash, ay lumilipad sa nangyari tatlong taon na ang nakararaan. Ang rason kung bakit siya nagplano ng paghihiganti, ang rason kung bakit siya narito ngayon.
Tatapusin na niya ang lahat. Maniningil na siya. Wala nang atrasan 'to.
Isinandal niya ang likod sa katawan ng puno at huminga ng malalim. Hey, Spring. Their end is about to come. Why don't you watch me kill those three dogshits?
Kinagat niya ang labi at inalala ang pinangako niya sa kakambal kanina bago siya umalis.
"Ash, promise me, you won't kill our parents."
Kinunot niya ang noo. "They're not our parents, Vash. Ikaw na ang nagsabi saakin niyan."
"Oo nga, pero, sila pa rin ang nagpalaki saatin. Sila pa rin ang bumuhay saatin."
"Ikaw lang ang pinalaki, Vash. Ikaw lang." She blankly spoke.
"Then, at least, don't kill them. For me, wag mo silang patayin. Kahit para saakin nalang. Sabi mo, sila Gavin ang pumatay kay Zen diba? Kung ganoon, sila lang ang paslangin mo. H'wag mo nang idamay sila Mommy. They're innocent from your grief."
"How can you say so?" Unti-unting tumatalim ang mga mata niya.
"I-i just know. Promise me, Ash. Mangako ka saakin na hindi mo sila papatayin."
Kinalma niya ang sarili. "Vash,"
"Please, Ash. Don't be a total monster. Magulang pa rin natin sila." Ang kaninang matalim niyang mga mata ay pumungay at nawalan ng emosyon.
"A total monster, huh?" Mahina ang boses niya. Tila nawalan ng lakas. Pagak siyang natawa.
"So, you see me as a monster? Ganoon ba, Vash?""No, hindi sa ganoon, Ash. Ayoko lang-" she nod at her brother before getting up.
"Don't worry, I'll spare them. Promise." She shrugged.
Napa-irap siya sa kawalan. Bakit ba apektadong- apektado siya na halimaw ang tingin sakanya ng kakambal? For hell's sake, she already heard the worst of it. Demon, killer, devil, fiend, barbarous.. name it all and call her that, she doesn't care. Pero ang marinig iyon sa kakambal, tila tinakasan siya ng katinuan at tinarak ng punyal sa dibdib. Masakit. Sobra.
"Queen, someone's coming." Nabalik siya sa sarili ng marinig ang babala ni Vluad. Itinuro nito ang isang Van na paparating.
Tumayo siya sa pagkaka-upo sa damuhan at kinuha ang katana. "Aim the tires. But hide on your shadow. It's too early to show off."
Sumaludo sakanya si Feng- isa sa miyembro ni Cyclex bago dumapa sa lupa at inayos ang Riffle na hawak.
Ang iba namang kasama niya ay tumago sa likod ng puno at sa mga bato. Samantalang, inakyat naman niya ng mabilis ang punong' kinasasandalan kanina.
BINABASA MO ANG
His Queen: The Beginning
ActionLeigh Ash Zyche Fuego Isang babae na mayroong iba't ibang katauhan na nakakubli sa iba't ibang maskara, ngunit iisang emosyon lamang ang makikita. @wytrzymac *photos weren't mine. credits to the rightful owner